All Chapters of My Little Trophy : Chapter 41 - Chapter 50
97 Chapters
Chapter 22.2
Natigilan naman si Amber nang makita niyang huminto si Ashton. Tila bigla itong  nahulog sa malalim na pag-iisip. "Hoy, tanders. May problema ba?" Hindi na rin niya maintindihan ang kanyang sarili. Kanina lang ay nagpupuyos siya ng galit kay Ashton ngunit tila bigla na lamang naglaho ang nadarama niyang inis para sa lalaki.  Hindi rin niya napigil ang sariling lapitan ito. "Tanders! Back to earth na!" Pumitik ang mga daliri niya sa harap ng mukha nito. "Got you!"  Napatili na lamang siya nang pumulupot ang kamay ni Ashton Blumentrint sa kanyang beywang. "Napakagaling mong artists. Bwiset ka!" Matinis niyang tili. Pinagpapalo nito ang d****b ni Ashton Blumentrint. "Ano nga ulit ang sabi mo kanina about Indigo's kiss?" Pinaningkitan niya ito ng mata. "Do you want me to remind you how we kissed before?" Walang kangiti-ngiting turan nito. Tila naman nanuyo ang lalamunan niya sa sinabing iyon ni Ashto
Read more
Chapter 23.1 (r-18)
Matapos punasan ni Ashton ng basang bimpo ang katawan ng dalaga ay kaagad niya itong binihisan ng pantulog. Matapos iyon ay kaagad siyang tumabi ng higa sa babae.Nakangisi niyang inilabas ang kanyang cellphone. Kaagad niyang hinanap ang camera ng kanyang cellphone at itinapat iyon sa kanila ni Amber matapos niyang idikit ang ulo nito sa dalagang nakatagilid paharap sa kanya. Matapos makakuha  ng larawan ay kaagad siyang nagtungo sa listahan ng kanyang contacts. Kaagad niyanh ipinasa ang larawan. Kaagad din siyang naglagay ng caption nito. It's indeed a wonderful night. Thank you for the wine.Nang mabasa niya ang salitang sent bilang tanda na naipadala na niya ang mensahe ay lalong lumawak ang kanyang  ngisi.  Samantala, natigil naman sa paglalakad si Dark Indigo nang marinig niya ang message ringtone ng kanyang cellphone. Kunot-noo niya iyong hinugot sa kanyang bulsa dahil wala siyang inaasahang text messa
Read more
Chapter 23.2
Gustong kutusan ni Amber ang kanyang sarili kung bakit lumabas iyon sa kanyang bibig.  "Baliw ka na self." Ugong ng kanyang isipan. "Ofcourse, Amber. Pananagutan ko ang nangyari. If you want, I can marry you as soon as possible." May munti itong ngiti sa labi. "Nagbago na isip ko. Joke ko lang talaga 'yon." Gumuhit ang nahihiyang ngiti sa kanyang labi.  "No, I insist. Dapat noon pa kita pinanagutan. May mga anak tayo, dapat lang naman na pakasalan kita, 'di ba?" Puno ng kaseryosohan ang ekspresyon  nito. "Joke nga lang." Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya ng malapot. Aniya sa sarili, mukhang hindi niya yata madaling mababawi ang kanyang sinabi. "C'mon. Let's start a new beginning. Bigyan natin ng kumpletong pamilya ang mga bata. Magpakasal na tayo." Lalo tuloy siyang pinagpawisan sa tinuran ni Ashton.  Mahina na lamang siyang tumikhim bago siya magsalita.  "Ang kasal ay para lang sa ta
Read more
Chapter 24.1
Napataas na lamang ang kilay ni Amber sa limang paper bags na nasa kanyang harapan. Bukod roon ay mayroon pang isang box ng white chocolate at isang kulay pink na human size Teddy bear. "Ang dami naman nito, tanders?"Nailing na lamang siyang napabaling sa lalaki. Sa lumipas na isang linggo ay walang palya ang pagbibigay sa kanya ni Ashton ng kung anu-ano regalo gaya ng jewelries, damit, sapatos at bags. "At saka bakit araw-araw na lang, hah?""Just let me do this, Amber. I just want to pamper you---" Bago pa siya matapos sa sabihin ay natigil siya ng magsalita si Amber. "Hay naku! Bahala ka sa life mo. Basta kapag namulubi ka bigla, huwag mo akong sisihin."Akmang aawang na ang labi ni Ashton nang marinig nila ang pagkatok sa pinto. Bago siya makahuma ay kaagad nang humakbang si Amber palapit sa pinto upang buksan iyon. Bumungad sa kanyang paningin ang isa sa mga katulong. "Magandang gabi, Lady Amber." Y
Read more
Chapter 24.2
"You'll marry me?" Tila 'di makapaniwalang tanong niya. "Ayaw mo? Sige huwag na lang, madali naman akong kausap.""No, ofcourse gusto ko." Mabilis nitong sagot. "I just can't believe. It's feels like I'm dreaming."Mahina siyang natawa sa tinuran nito."Nanaginip ka talaga, tanders. Kaya gising na." Pumitik si Amber sa harap ng mukha nito. "Gising na. Walang kasalang magaganap.""Walang bawian, please."Lalo siyang natawa sa hitsura nito. Para itong batang nagmamakaawa."Ikaw kaya itong maraming hanash diyan." Nakatawang turan niya.Natigilan lamang siya sa pagtawa nang humawak si Ashton sa kanyang kamay. "I wanna hear it from you again, Amber." Sinsero ang mga mata nitong nakatingin sa kanya."Hays! Ang kulit! " Pasimple niyang tinanggal ang kamay ni Ashton na  nakahawak sa isa niyang kamay.  "Oo nga, papakasalan kita.""Thank you." Mabilis siya nitong niyakap. Para namang
Read more
Chapter 25.1
Magkasunod na pumarada ang dalawang magarang sasakyan sa harap ng bungalow house ng mga Velez. Mula sa mga bahay na kadikit ng maliit na bahay ay nagsimula na ring lumabas ang mga tao at nakiusyoso. Tila ba may dumating na artista. Hindi naman naiwasan ni Amber ang manliit nang bumaba sa ikalawang sasakyan si Don Flacido. Aniya, ang bahay nila ay kasinglawak lamang ng isang kwarto sa mga Villacorda. Nabaling lamang ang tingin niya kay Ashton nang pisilin nito ang kanyang palad. Binigyan siya nito ng sinserong tingin. "Don't be nervous." Marahan na lamang siyang tumango bilang tugon. "Mareng Amaya! Lumabas ka, may bisita kayo!" Sigaw ng isa sa kapitbahay nila. Lumapit naman ang isa sa kapitbahay nila, nagniningning ang mga mata nitong sinuri ng tingin ang kabuan ni Amber. Simple lamang ang estilo ng suot niyang kulay peach na bestida ngunit 'di maikakailang mamahalin ito. "Ang tagal mong nawala ah. Balita namin nag-asawa ka na." Tipid na ngiti na lamang ang naisukli nito sa a
Read more
Chapter 25.2
Walang pagsidhan ang tuwa ni Amber. Buong akala niya ay sasaktan na naman siya ng kanyang ina. Ngunit naging maayos naman ang usapan nila kanina.  Hindi tuloy mapalis ang kanyang ngiti habang nasa biyahe sila pabalik ng mansiyon.  "You look happy." Puna sa kanya ni Ashton Blumentrint dahilan para mapatingin siya sa lalaki na nakaupo sa tabi niya sa backseat. "Kasi napatawad na ako ni Mama." Sumilay naman ang ngiti ni Ashton.  "At pasensya ka na rin sa mama ko. Masyado siyang astig kanina."  "It's okay, Amber. Wala kang dapat ihingi ng sorry. Lahat ng tao may kanya-kanyang personality." Napangiti na lamang si Amber. Hindi na rin naman siya umimik. Natuon na ang pansin niya sa pagpasok ng sasakyan sa mansiyon ng mga Villacorda. "C'mon! Come with me." Inilahad ni Ashton ang kanyang palad. Napatitig naman roon si Amber. Hindi siya agad nakaimik dahil sa pagkabigla. "I'll show you something" "Anon
Read more
Chapter 26.1
"Joke lang naman." Tumatawang saad ng dalaga kasabay ng pagpirma niya sa marriage contract na kanyang hawak. "Pinakaba mo ako, Amber." Lalo namang natawa ang babae sa tinuran nito. "Oh heto na. Pirmado na." Nakangiting iniabot niya ang papeles kay Ashton Blumentrint.  Maluha-luhang namang tinanggap  iyon ni Ashton. Hindi pa rin siya makapaniwala. Para  siyang nananaginip sa katotohanang asawa na niya ngayon ang babaeng noon pa niya pinapangarap. Ramdam rin niyang komportable na ang babae sa kanya . Nagagawa na nitong tumawa at ngumiti sa harap niya na labis na ikinatutuwa ng kanyang puso. Ilang sandali lamang ay pumasok sa loob ang dalawang  katulong at may dalang pagkain. Matapos nilang itong iayos sa mesa ay ibinigay ni Ashton ang folder sa mas matanda sa kanila. Iniwan na rin sila ng mga ito nang magsimula na silang kumain. Naging masaya ang kanilang early dinner. Napuno iyon ng tawanan dahil palaging may baong biro ang
Read more
Chapter 26.2 (r-18)
Napapikit na lamang si Amber nang lumapat ang malambot na labi ni Ashton Blumentrint sa kanyang labi.Ang puso niyang kaninang tila nalulunod sa takot ay unti-unting nakaramdam ng kapayapaan.Nang lumalim ang halik ni Ashton Blumentrint ay hinayaan siyang tangayin siya ng sensasyon.Naramdaman niya ang pag-angat niya sa ere. Hinayaan lamang niya iyon. Ilang sandali siyang pangko-pangko ni Ashton habang magkahinang ang kanilang mga labi.Nang tumigil sila sa paglalakad at marahan siyang ibinaba ni Ashton. Noon na rin siya nagmulat ng mata. Pinutol nito ang kanilang halikan ngunit dinampi-dampian siya nito ng halik sa kanyang pisngi.Nang igala ni Amber ang paningin ay tumambad sa kanya ang bubong  ng kubo na gawa nipa. Ang dingding naman nito ay gawa sa pawid at kawayan.Tila isa itong maliit na silid. May queen size na kamang may malambot na kutson. Mayroon ding dalawang lampshade sa magkabilang gilid ng kama na siyang nagbibigay liwana
Read more
Chapter 27.1
Matamis na ngiti mula kay Ashton Blumentrint ang bumungad kay Amber paggising niya kinabukasan."Good morning, my beloved." Matapos sabihin ang salitang iyon ay mabilis niyang kinintalan ng halik ang noo ng kanyang kabiyak.Awtomatiko namang iginala ni Amber ang kanyang paningin. Wala na sila sa kubo. Nasa master's bedroom na siya ngayon. Hindi niya tuloy naiwasan ang mapakunot noo dahil natatandaan niyang pareho silang ginupo ng antok ni Ashton matapos ang kababalaghang ginawa nila kagabi."I transferred you here this morning. Tulog na tulog ka kaya hindi na kita ginising." Hindi nawala ang matamis nitong ngiti sa kanyang labi. Hindi tuloy naiwasan ni Amber ang mapaarko ng kilay."Anong nginingiti-ngiti mo diyan, hah?" Bumangon ang babae mula sa pagkakahiga. Noon niya napansin na nakasuot na siya ng kulay baby pink na silk robe.Umiling naman si Ashton  bilang tugon subalit hindi naman napalis ang kanyang ngiti. "Ano
Read more
PREV
1
...
34567
...
10
DMCA.com Protection Status