Lahat ng Kabanata ng Island's Doctor: Kabanata 31 - Kabanata 40
49 Kabanata
Family Vacation
Lulan sina Sandra at Jann ng Ford Everest na sasakyan ng binata habang binabaybay ang daan ng Alabang. Papunta sila ngayon ng Batangas kung saan may family outing ang pamilya ng dalaga.Noong una ay ayaw talaga niyang magpunta ng Batangas lalo na at kasama ang lalaki pero wala na rin siyang nagawa ng tawagan siya ng kanyang Mommy Josephine at sinabing magkita kita na lamang sila doon. Na ini-expect na sila parehas ng kanyang mga kapatid. At kapag hindi siya pumunta ay ayos lang daw naman na si Jann na lang ang tumuloy. Alam naman niya na sinabi din iyon ng kanyang Daddy dahil alam nitong hindi rin siya papayag.Ayaw din naman niyang hayaang si Jann lamang ang pumunta doon at wala siya. Siguradong gigisahin ito ng buhay ng kanyang mga kapatid. Kinausap na rin naman niya ito na 'wag nang tumuloy pero hindi ito nagpapigil sa kanya.Sinabi pa nitong kesyo nangako na daw ito sa parents niya na pupunta silang dalawa kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ay s
Magbasa pa
Kalendaryo
"Hey, wake up. We're here." Naulinigan ni Sandra ang boses ni Jann.Nang maimulat niya ang mga mata ay naramdaman niya na hindi na umaandar ang sasakyan. Si jann naman ay nakatitig lang sa kanya habang nasa driver seat pa ito."Where are we?" Pupungas pungas pang tanong niya."Nasa resort na tayo dito sa Batangas. 15 minutes na tayong nakaparada dito." Sagot nito sa kanya."Bakit hindi mo ako agad ginising?" Sita niya dito habang inaayos ang sarili."You are in a deep sleep, love. I don't want to wake you up. Don't worry. Tinawagan ko na si tito kanina para itanong ang mga kailangan. Kaya nakabili na rin ako kanina. 'Di na kita ginising para naman makabawi ka ng tulog." Paliwanag nito. Hindi nito inalis ang pagkakatitig nito sa kanya."D-don't look at me that way." Tila nakaramdam siya ng bahagyang pagkailang. Pakiramdam niya ay napapaso siya sa mga titig nito na hindi niya alam kung kailan pa siya tinititigan."I can't help it. You a
Magbasa pa
Patience Will Be Tested
Sandra is wearing her black two piece swimsuit. Naisip niyang patungan na lamang iyon ng isang white tshirt. Kasalukuyan niyang hinahanap ang white tshirt sa bag na dala dala niya nang pumasok naman si Jann na dala ang bag nito."What are you doing here?"Natigilan si Jann ng makita si Sandra. Pakiramdam niya ay nahipan siya ng masamang hangin at hindi maalis ang mata niyang naka-glue na ata sa katawan ni Sandra.Sino ba naman ang hindi matutulala kapag nakakita ng isang doktor na madalas ay naka-coat at balot ang buong katawan, at bigla mong makikita na naka two piece na lamang.Lalong tumingkad ang kasexy-han nito at lalong pumuti ang kuminis ang balat nito dahil sa kulay itim nitong bikini. Pakiramdam niya ay sinisilaban ang buong katawan niya. Hindi dahil sa ininom niya kaninang black labeled drink na iniinom nila ng mga kapatid ni Sandra kung hindi ay dahil sa tanawing hindi niya na
Magbasa pa
Steamy Yet Cold
Masayang kumain ng family dinner ang buong pamilya ni Sandra kasama si Jann. Alas otso na nang matapos ang mga ito sa walang sawang kwentuhan at pag-interview kay Jann.Hindi maikakaila na gustong gusto ng mga ito si Jann para kay Sandra. Lahat na rin ata ng tanong ng mga ito ay nasagot na ni Jann lalo na at kanina pa umiinom ang mga ito. Natigil lamang iyon nang nagkayayaan na na kumain muna ng dinner.Si Sandra naman ay umahon na rin kanina pa at nagpalit na muna dahil bigla itong gininaw. Ang kanyang Kuya Gian naman at Kuya Walter ay bahagya na ring lasing dahil nakarami na ang mga ito na hindi maawat kanina.Pagkatapos magligpit ni Sandra kasama ang kanyang Ate Malou ay naabutan niyang nakaupo pa rin si Jann habang nakatingin sa mga pamangkin niyang walang sawang nagtatampisaw sa pool kasama ang mga ama nito. Naligo ang dalawa para daw mabawasan ang pagkalango ng mga ito."You are drunk. You better soak in the pool para naman mabawasan ang epekto ng a
Magbasa pa
Extra Foam
Wala nang taong naiwan sa pool. Tanging silang dalawa na lamang ni Jann.Ang mga magulang niya ay siguradong nagpapahinga na nang nga oras na iyon at ang mga kapatid naman niya ay nagbabanlaw na siguro at inaasikaso ang mga anak.Tahimik ang buong paligid at tanging ang hampas lang ng tubig sa pool ang naririnig nilang dalawa."J-Jann, I think we should leave the water because it's getting cold." Pagdadahilan niya."Let's stay this way, love." Sagot naman nito sa kanya."J-Jann..."Naramdaman niya ang paghilig ng ulo nito sa balikat niya habang nakayakap ito sa kanya habang nakatalikod siya.Hindi ito sumagot. Tahimik lamang ito na hindi gumagalaw at hindi pa rin binibitawan ang pagkakayakap sa kanya. Naiilang si Sandra sa pwesto nilang dalawa pero wala siyang magawa dahil pakiramdam niya ay nagpapababa lamang ang binata ng epekto ng alak nito sa katawan.Naaamoy niya rin ang pinaghalong alak at ang panlalaking amoy nito na sum
Magbasa pa
Ang Lalaking Katabi
Nang matapos si Jann na mag-shower at mahimasmasan ng kaunti ay lumabas na din siya agad ng shower room. Medyo mabigat pa ang ulo niya at mabigat din ang pakiramdam niya. Baka dahil lang siguro ito sa halo halong ininom nila kanina at sa matagal na pag maneho. Tinutuyo niya ang buhok niya nang mapagawi ang mata niya sa kama.Sandra is already sleeping. Nang tingnan niya ang pambisig na relo ay pasado alas onse na rin pala. Napansin na rin naman niya kanina ang paghikab nito kaya hindi na siya nagtataka na abutan itong natutulog na.Nang maglakad siya papunta sa kama nito ay napangiti na lamang siya nang makita ang naka ayos foam sa ibaba at nakahanda na iyong higaan. Naisip niya na pinaghanda siya nito bago ito matulog."Of course..." iyon na lang ang lumabas sa bibig niya.Pagkatapos patuyuin ang buhok ay binuhay na ni Jann ang lampshade sa tabi ng kama at pinatay ang main lamp para mabawasan ang liwanag at hindi maistorbo ang tulog ng dalag
Magbasa pa
Her Cravings
Pumayag na si Sandra na sa iisang kama lamang sila matulog ni Jann basta hindi ito pwedeng yumakap sa kanya o kaya ay lumapit na halos magkadikit na ang balat nila. Mabuti na lamang ay punayag din ang lalaki dahil antok na antok na rin ito at alas dos na rin ng umaga sila muling nahiga.Noong una ay ayaw siyang tigilan ni Jann dahil nag-aalala ito ng sobra nang makita siyang namumutla at suka ng suka sa cr. Nakinig naman ito sa dalaga ng sabihin nito na okay lang siya dahil totoo nga naman na mas may alam siya sa sarili at doktor nga naman ito.Nasa mahimbing na pagtulog si Jann habang si Sandra naman ay hindi magawang ipikit ang mata dahil pakiramdam niya ay nagugutom siya at may gusto siyang pagkain. Naiinis din ang dalaga sa 'di maipaliwanag na dahilan dahil nakikita niyang masarap ang tulog ng lalaking katabi niya.Hindi rin siya nakatiis kaya naman sinubukan niyang gisingin ang natutulog na si Jann."J-Jann... oy! Can you please wake up?
Magbasa pa
3 AM
"Open it for me, please?" Nakangiting pakiusap ni Sandra sa binata. Nasa resort na sila at kasalukuyang nasa kitchen ng resort dahil kanina pa siya inuutusan ng dalagang balatan ang pinya na hindi naman niya alam kung paano.Alas singko na ng umaga at malapit na rin lumiwanag."Sige na, last favor na 'yan." "I really don't know how to peel this. Sure ka ba na gusto mong kumain ngayon?" Nangingiwing sabi ni Jann."Sige na, love, please?" Nagpapacute na lambing nito ma ikinangiti ni Jann. Ito kasi ang unang beses na tinawag siya nito sa ganoong endearment."Okay, basta ikaw." Nakangiting sabi niya sa dalaga.Hindi man alam kung paano ito balatan ay kinuha nito ang pinya at inumpisahang tanggalin ang balat."Inuubos mo naman ang laman, eh!" Salubong ang kilay na sita nito sa binata."'Di ko kasi talaga alam paano balatan 'to. Wait." Naiinis man ay bahagya na ring natawa si Sandra sa ginagawa ni Jann. Kahit hindi
Magbasa pa
Did You Get Her Pregnant?
Nagkakasayahan ang buong pamilya nang dumating si Sandra. Kagigising lamang nito base sa itsura nito."Hija, kumain ka na dito." Yaya ng kanyang Ina.Napataas naman ang kilay niya nang makitang halos lahat ata ng mata ay nakatingin sa kanya."What?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito habang tinitignan ang mga pagkain sa lamesa."Come here," yaya sa kanya ni Jann na tinukoy ang bakanteng upuan sa tabi nito."Bakit ang tagal mong magising? Nakaligo na ulit sa pool ang mga pamangkin mo at magtatanghali na pero kababangon mo lang." Ang kanyang Daddy."Masakit ang ulo ko, Dad." Sabi naman niya habang pinapanood ang mga pamangking nagtatampisaw sa pool."Di ako sasama sa paglibot sa buong bayan, I need more sleep." Tumingin ito sa lamesa na may hinahanap."Did you all just eat the pineapples I buy?" Tanong nito. Na tiningnan sila isa-isa."Mabuti naman anak at bumili ka, akala ko y sa Tita Marge mo pa nanggaling at in---"
Magbasa pa
Pineapple And His Sweetness
Pinuntahan ni Jann si Sandra sa kwarto nila dahil hindi daw ito lumabas simula nang pumasok ito.Pagpapasok pa lamang niya ay nilapitan niya ito nang mapansing nakahiga pa rin ito sa kama habang nakatalukbong ito ng kumot."Love, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa dalaga.Masinsinang nang-usap sila ng Mommy Josephine nito. Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ay hindi siya makapaniwala sa sinabi nito na iniisip daw nilang baka buntis ito dahil sa pagiging masungit at dahil na rin sa mga nakakapagtakang ikinikilos nito.Hindi rin naman niya maitatago na kahit siya ay nagtataka rin.Nang tanungin siya ng Mommy nito kung posible bang bu tis ang anak at kung alam niya ay binayo ng sobrang kaba ang dibdib niya.Nagkanda-utal pa siya dahil hindi niya rin alam ang isasagot sa ina nito dahil kahit man siya ay hindi niya rin alam ang isasagot.Marami pang itinanong sa kanya ang ginang at mas minabuti na lamang ni Jann na hindi sabihin ang
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status