Semua Bab My Affinity Romance with the Billionaire: Bab 51 - Bab 60
102 Bab
Chapter 51
"Grabe! Nakita mo ba kung paano siya halikan ni Sir?" kinikilig na saad ng nagbukas ng gripo ng lababo. "Oo, nakakakilig sobra! Sana all." Sagot naman ng kausap nito. Dala ng kuryosidad, huminto sa paghakbang si Charline at nagkubli sa likod ng pinto. "Pang- ilan na kaya siya sa mga babae ni Sir Xander? Akala ko pa naman si Celeste ang girlfriend niya ngayon." tila nanghinayang pa ang kausap nito. "Oo nga, mas bagay sila. Maganda at sexy." nakadama ng bahagyang selos at insecure si Charline. "Hay naku! Baka pagsawaan lang din 'yan ni Sir Xander gaya ng mga babaeng dinala niya na rito-" Mabilis nang umalis sa pinagkukublihan si Charline. Masakit ang katotohanan at hindi niya kinakaya. "Umuwi na tayo!" nakapameywang siya habang pinapaahon niya mula sa tubig ang asawa. Wala na siyang pakialam kung pinagmukha niya itong bata na tila inuutusan ng nanay. Nagtatakang tiningnan siya ni Xander. Umahon ito sa tubig. K***"@! Napamura siya sa isip. Nakakapanlambot talaga ang karisma at pag
Baca selengkapnya
Chapter 52
Nagkalat sa newsfeed ang memes ni Charline. Mang- aagaw at gold digger. May mga basher na din siya, mga negatibong opinyon ng netizens at karamihan mga fans ni Celeste. Nagdeactivate na siya ng account sa isang sikat na application site, hindi niya kinakayang basahin pa ang mga salitang ipinupukol sa kaniya ng iba na para bang ang laki ng ambag sa buhay niya at kung pagsalitaan siya ganon na lang. Humugot siya ng malalim na hangin saka sinagot ang tawag ni Alyssa. "May mga reporter na nasa labas ng cakeshop-" naputol ang gusto pa nitong sabihin. Nag- aalalang idinayal niya ang numero ni Alyssa pero hindi nito sinasagot. Nagmadali na siyang nagbihis, pupuntahan niya ang kaibigan. Malayo pa lang ay tanaw niya na ang ilang sasakyan na marahil ay sa iilang reporter na naroon. "Hi Ms. Charline...Pwede ba kayong ma- interview?" seryosong bungad ng isa sa mga reporter. Halatang ayaw umalis na hindi man lang siya nakakausap."Please excuse us. Kakausapin ko lang ang kaibigan ko." magalang
Baca selengkapnya
Chapter 53
"Nasayo na nga ang lahat pero para ka namang preso." nakasimangot si Alyssa habang naglalagay ng icing sa ibabaw ng binake nitong chocolate cake. "Alyang-" "Eh, bakit hindi pa kasi nyo sabihin sa publiko na mag- asawa naman talaga kayo ni Xander?" suhestiyon nito. "Ayoko ng kumplikadong buhay. Nakita mo naman kung gaano kahirap maging bahagi ng buhay ng isang Alexander Vergara." ang totoo, nahihirapan na din siya unawain ang sitwasyon. "Panay pa ang tawag ng ex mo. Hindi ba talaga siya mapapagod na mahalin ka?" umingos si Alyssa. "Magkaibigan naman kasi kami ni Dan." "Putulin mo na." "Hindi ganon kadali 'yun, Alyang." Marami rin kasing naitulong sa kaniya si Dan 'nung nasa France pa siya. Naging takbuhan niya kapag nagkaka- problema siya. Napaka-buti nito para balewalain. INAYOS niya ang pagkakatali ng buhok at nagsuot ng shades. Nagsuot din siya ng sumbrero para matakpan ang pagkakakilanlan. Naka- skinny jeans siya at t-shirt para komportable. "Dan!" tawag niya rito. Sa isa s
Baca selengkapnya
Chapter 54
Humalik muna si Xander sa pisnge ni Charline bago sumakay ng kotse. Kapag ganitong may malalaki itong transaction, hindi humihiwalay rito ang dalawang driver-bodyguard."Mommy, hindi na ba tayo babalik sa dati nating house?" Sa gitna ng paglalaro ay tanong ni Aj. "Babalik naman anak. Pero hindi pa sa ngayon-" natigilan siya nang matanaw mula sa di kalayuan ang itim na Van. Bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya kasi ay may nagmamanman sa kanila araw-araw. "Alyang, napapansin mo ba 'yung sasakyan na 'yon?" Tumingin sa direksyon nang tinitingnan niya si Alyssa. "Parang iba kasi 'yung pakiramdam ko eh." Kinakabahan niya itong tiningnan. "Praning ka lang. Baka sa kapitbahay." Kibit-balikat nitong sagot. "Ang layo naman ng kapit-bahay Alyang. Bakit kailangang d'yan pa magpark?" "Huwag ka ngang praning. Baka trip niya lang." Nagsawalang-kibo na lang siya at pinilit kinalma ang utak. Magbubukas sana siya ng TV para manood pero nagbago ang isip niya. Iniwan niya na ang kaibigan na aba
Baca selengkapnya
Chapter 55
"Magpahinga ka na." Hinalikan ni Xander ang noo ni Charline. Nakaupo ito sa terasa ng bahay at nakatanaw sa labas. Punong-puno ng pag-aalala sa anak. "Nag-aalala ako Xander baka kung anong gawin nila kay Aj." Hinihintay nilang tumawag ang mga kidnapper ngunit magda-dalawang araw na ang lumipas wala pa ring tumatawag. "Relax..." "Relax?!" naiinis na tiningnan niya ang asawa. "Paano ko gagawin 'yun? Mamamatay ako sa pag-aalala Xander." Masuyo siya nitong niyakap. "Hindi nila sasaktan ang bata Charline. Hindi pera ang kailangan nila kundi ako." Napatitig siya sa asawa. Nagtatanong ang mga mata. "Kung pera ang kailangan nila, hindi nila palilipasin ang magdamag na hindi tatawag para humingi ng ransom money." "Si Celeste ba ang tinutukoy mo?!" galit niyang tanong.Gusto niyang magwala pero napapakalma siya ng mga bisig ni Xander. "Hindi niya inamin. Pero sinisigurado ko sayo kung sino man siya mabubulok siya sa kulungan." may diin nitong sagot. "Matulog na tayo. Kailangan mong mag
Baca selengkapnya
Chapter 56
"Mr. Vergara, may posibilidad ho na dinala sa malayong probinsya ang anak n'yo. Nakakuha na po kami ng mga kopya ng cctv footages na nakunan ang Van na sinakyan ng mga kidnapper." pagbabalita ni General Bundal. Tumango-tango si Xander. Mahigpit na napahawak sa braso niya ang katabing asawa na nakikinig habang kausap ang pulis sa cellphone na humahawak ng kaso ng anak."Salamat." tinapos na ni Xander ang pakikipag-usap at masuyong kinabig ang naluluhang asawa. "Xander, baka kung napano na ang anak ko?" hindi na ito sumagot, naikuyom lang ang mga kamao. Sinikap nilang mag-asawa na maging normal sa harap ng mga empleyado ng Gallore. Kailangan nilang maging maingat na hindi malaman ng media ayon sa bilin ng Heneral. "WELCOME BACK, Ms. Cha!" ang tamis ng ngiti ni Ana nang bumungad siya sa pintuan ng kitchen ng Gallore. Pilit na nginitian ito ni Charline at kaswal na kumilos tulad ng dati. "Oy, babalik ka na ba sa kitchen? Kala ko pa naman, P.A ka na ni Sir Xander?" nagtatakang tanong
Baca selengkapnya
Chapter 57
"May problema ba kung nasa Gallore si Mr. Carcuevas?" Nakakunot ang noong tanong ni Xander. Nakauwi na sila ng bahay at kinu-kompronta na ito ni Charline. "Xander, akala ko ba galit ka 'dun sa tao?" "May dapat ba akong ipagselos?" Tanong din ang isinagot sa kaniya ni Xander. Natigilan si Charline. Minsan, napakahirap talagang intindihin ng asawa."Alright, 'wag na natin pag-usapan." Nakita niya na naman kasi ang malalamig nitong tingin na pinaka-ayaw niyang facial expression ni Xander. "Walang magiging problema Charline kung iiwasan mo lang siya." Hays! Sinasabi na nga ba! Sigaw ng utak ni Charline. Magiging kumplikado lang ang lahat. Paano niya naman maiiwasan ang ex-boyfriend niya kung nasa iisang establisiyemento sila? Naglagay ito ng wine sa dalawang baso saka iniabot sa kaniya ang isang baso. "Xander hindi ako umiinom." Pagtanggi niya. "Konti lang para makatulog ka." Napabuntong-hininga siya saka tinanggap ang baso ng alak at lumagok ng konti. Nasamid si Charline nang suma
Baca selengkapnya
Chapter 58
Inihatid lang ni Xander sa Gallore si Charline saka umalis na ito para sumama kina General Bundal. Gustuhin mang sumama ni Charline pero hindi niya napilit ang asawa dahil tiyak na mapanganib ang ganong operasyon. Umusal na lang siya ng panalangin para sa kaligtasan ng kaniyang mag-ama. "Kinakabahan ako, Alyang." Humugot siya ng malalim na hangin. Marahan siyang tinapik sa braso ng kaibigan na sinabayan na siya papasok sa building ng Gallore. Isinama niya na ito dahil alam niyang naiinip na ito sa bahay lalo pa at nag-aalala din ito sa inaanak, ramdam niya na lungkot na lungkot na ito at pinipilit lang ding magpakatatag. Ipinakilala niya ito sa mga kasama sa kitchen ng Gallore na natuwa naman dahil bukod sa kusang-loob itong tumulong, nakita nila kung gaano ito kagaling magluto. Talent din ni Alyssa ang pagbi-bake ng iba't ibang flavor na masasarap na cake. "Bakit hindi ka hinire ni Sir Xander, Alyssa?" Makulit na tanong ni Ghen. "May sarile kaming bakeshop." Sagot ni Charline."Na
Baca selengkapnya
Chapter 59
Nagising si Charline na masakit ang ulo. Napabilis ang pagdilat niya ng mapagtantong nakatulog siya sa pinasukang silid. Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa katawang nasa ilalim ng kumot. Wala siyang suot na ano mang saplot. Napabalikwas siya ng bangon at ibinalot sa katawan ang kumot. Natutulalang pilit pinipiga sa utak ang nangyari. Napamulagat siya nang maalalang nakipag-inuman siya kay Dan. Pinakiramdaman niya ang ibabang bahagi ng katawan. Sinalat niya ang nasa pagitan ng mga hita. Hindi naman basa. Nakadama siya ng pangamba. Baka may nangyaring hindi niya alam?Pero bakit siya nakahubad? Sino ang naghubad? "Mabuti naman at gising ka na?!" Ang taas agad ng boses ni Alyssa. "Alyang, anong nangyari?" "Ako ang dapat magtanong niyan, Charline?" Naiinis na pinagdadampot nito ang damit niyang nasa sahig at ibinato sa mukha niya. "Eh, hindi ko nga alam." Naguguluhan niyang tanong habang nagbibihis. "Nakipag-inuman ka lang naman kay Dan at nalasing." Sermon nito. "Hindi
Baca selengkapnya
Chapter 60
"Xander naman..."Awat ni Charline sa asawang ramdam niya ang panggigigil. Muntik pa nga nitong sabunin kanina ang sekretarya paglabas ng opisina dahil sa pang-iistorbo nito. Pero sa halip na umuwi ng bahay ay iginiya siya nito sa Room 101. Nakaakbay sa kaniya si Xander habang nasa loob ng elevator. Nag-uumpisa na kasing maglikot ang kamay nito kaya bahagya niya itong siniko na pilyo namang kumindat. Aaminin niya, gusto niya 'yung pakiramdam na alam niyang lagi siya nitong pinagnanasaan nito. Hinagilap nito ang palad niya at magkaholding-hands silang naglakad sa hallway. Hindi nito pansin ang nasalubong na guest ng Hotel. Magkukunwari sana si Charline na hindi niya rin napansin ang lalakeng nakasalubong nila. Mukha itong Mafia sa mga nababasa niyang novel. Bahagya siyang kinilabutan dahil sa malalamig nitong tingin parang ang lalim ng bawat tapon ng sulyap nito sa kanila ni Xander. Makahulugan. Nawala ang takot niya nang akbayan na siya ng asawa at pumasok na sila sa VIP room. Baka
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
45678
...
11
DMCA.com Protection Status