Semua Bab My Affinity Romance with the Billionaire: Bab 31 - Bab 40
102 Bab
Chapter 31
"Magbihis ka, aalis tayo." nakadama ng excitement si Charline dahil sa narinig. "Babalik na ba tayo ng Maynila?" Hindi na ito sumagot na ikina-dismaya niya. Mabilis niya na lamang tinungo ang silid at nagpalit ng damit. Pinasadahan siya ni Xander ng tingin mula ulo hanggang paa saka nagkibit-balikat. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang binata. Pero tumalikod na ito at nauna ng sumakay ng kotse. "Saan ba kasi tayo pupunta? naiinis na siya sa ugali nitong napaka-hirap basahin. Tila wala na naman itong emosyon. "Xander, hindi ako manghuhula." nayayamot na inirapan niya ito. Nakatuon ang atensyon nito sa pagmamaneho. "Sa Bayan." maikli nitong sagot. "Pwede naman palang sagutin." irap niya rito. MUNISIPYO ng San Jose? tanong ng isip ni Charline. Ano naman ang gagawin nila rito? Pinigil niya ang sariling magtanong dahil tinatamad na siyang kausapin ito. Masyadong misteryoso at pabago-bago ng mood.Hinayaan niya na lang itong hawakan siya sa kamay at igiya papasok sa gusali
Baca selengkapnya
Chapter 32
DAMA ni Charline ang pagpapawis ng mga kamay maging ang pamumuo ng pawis sa noo at leeg. Ganun siya kapag inaatake ng tensyon at matinding kaba. Bahagya niyang nilingon ang sasakyang naghatid sa kaniya at ang driver nito. Humugot siya ng malalim na hangin saka pinindot ang doorbell. Nang magbukas ito, nanatili lang siyang nakatayo at napatitig sa mukha ng kaibigang tuwang-tuwa ng makita siya. "Tatayo lang? Hindi papasok?" untag nito. Saka lang tila natauhan si Charline. Muli niyang nilingon ang sakay ng kotse pero mabilis na nitong pinaandar ang kotse at umalis ng walang paalam. Talaga ba? aniya ng isip niya. "Mommy!" ang luwang ng ngiti ni Aj na mabilis na yumakap sa ina. "Kumusta ang baby ko?" kinarga niya ito kahit hirap dahil may kabigatan ang anak. "Okey lang po, Mom. Namasyal kami ni ninang kahapon." sinulyapan nito ang ninang nito na bumalik na sa ginagawa. Ibinaba ni Charline ang anak at bahagyang ginulo ang buhok nito. "Sige, magplay ka na muna." hinalikan niya ito sa no
Baca selengkapnya
Chapter 33
HUMINTO ang sinasakyan nilang SUV sa tapat ng building ng Kahlvati Gallore Empire. Napatingin si Charline sa katabi, nagtatanong ang mga matang tinitigan niya si Xander. Ang usapan nila, next week pa siya magsisimulang magtrabaho sa Hotel-Restaurant nito. Pero bakit nandito sila? "Xander naman, 'di pa ako ready." Nahihiya pa rin kasi siyang humarap sa mga dating ka-trabaho na inimbitahan sa kasal nila ni Dan. "Wala silang pakialam sa personal mong buhay." may diing wika nito. "Ako meron!" naiinis na inirapan niya ito. "Bababa ka ba o aakayin pa kita palabas?" kunot-noong tanong nito. Nagdadabog na lumabas siya ng kotse. Napansin niya na napapatingin na sa kanila ang mga empleyado. Alam niyang pinag-usapan na sila ng mga ito dahil sa pag-atras niya sa kasal nila ni Dan. Nanigas ang mga binti niya at tila nahihirapan siyang humakbang. Nilingon siya ni Xander at naiiling na hinawakan siya sa braso at isinabay sa paghakbang. "Xander, 'wag mo nga ako gawing bata." pabulong niyang sa
Baca selengkapnya
Chapter 34
MAKAILANG-ulit munang lumunok ng tuyong-laway si Charline saka bumuga ng hangin. Pinagpapawisan na ang palad niya dahil sa kaba. Magkakaharap na sila ni Dan at pinilit niyang ihanda ang sarili dahil kailangan kahit pa tila wala na siyang mukhang ihaharap rito. Pandalas ang tingin niya sa direksyon ng pintuang panggagalingan nito. Luminga siya sa paligid, may iilang mesang okupado kaya mas pinili niya ang nasa gawing sulok ng ca'fe kung saan napag-usapan nilang doon mag-usap ng binata. "D-dan..." nanulas sa labi niya nang makitang papalapit na ito. Seryoso itong nakatingin sa kaniya, humila ng silya saka umupo. Saglit silang nagkatitigan at sa huli ay si Charline pa rin ang naunang nag-iwas ng tingin. "G-gusto mo ba ng kape?" alok niya sa gitna ng pagragasa ng kaba sa dibdib."Gusto kong maging malinaw ang lahat." sumilay sa gwapong mukha nito ang pait. "I'm sorry, Dan..." naku-konsensyang tiningnan niya ito. "Kaya kitang mahalin kahit pa may mahal kang iba Cha. Kaya kong maghin
Baca selengkapnya
Chapter 35
NI HINDI na nag-abalang kumatok pa si Charline sa pintuan ng opisina ni Xander. Naiinis siya rito, pakiramdam niya tuloy ay hawak siya nito sa leeg. Napangiti ito nang makita siya kahit pa nakasimangot at mabilis na nameywang sa harap nito. "Magkalinawan nga tayo!" "May problema ba ang misis ko?" kumunot ang noo nito at masuyo siyang tinitigan. Pinandilatan ito ni Charline, ang chill lang nito habang pini-perwisyo ang buhay niya!"Bakit kailangan mo akong palabasin sa VIP room?" Tila balewala sa kaharap ang sinabi niya at ibinalik nito ang atensyon nito sa ginagawa. "Xander?!" Nag-angat ito ng tingin. "Boss ako dito Charline." "Ah, ganun?! Sir nagtatrabaho ako ng maayos." "Hindi kasali sa trabaho mo ang makipagtitigan sa guest." Nanlaki ang mata ni Charline. Kelan siya nakipagtitigan? "Excuse me?!" "Hindi mo lang ako Boss, Charline. Asawa mo ako." may diing wika nito, pero bakit ang bilis niyang kiligin? Natigilan siya at sa kawalan ng masabi ay inirapan niya na lang ito
Baca selengkapnya
Chapter 36
ANG luwang ng ngiti ni Aj pagkakita nito sa ina. Yumuko si Charline para maabot nito ang pisnge niya at hinalikan sa pisnge ang anak. "Kasama mo ang Tito Xander?" tanong nito na napatingin sa hindi nakikilalang ama. Tinanguan niya lang ito. "Hi Tito!" bati nito, gusto nya pa sanang pigilan ang paglapit nito kay Xander ngunit mabilis na itong nakalapit sa ama. "Hi!" mabilis nitong binuhat ang anak na komportable na agad na yumapos sa batok ang kaliwang-kamay. "Gusto mo bang mamasyal?" Namilog ang mata nito sa tuwa, habang palihim na pinandilatan naman ni Charline ang ama nito na ngumiti at kumindat lang sa kaniya. "Hindi pwede, uuwi na kami."Nalungkot ito nang ibaba ni Xander at ginulo ang buhok nito. "Sorry...ayaw ng mommy." Umikot ang eyeball ni Charline saka napabuntong-hininga. "Okey fine! Payag na ako, basta hindi tayo magtatagal ha." "Yeheeey!" tuwang-tuwa ito na mabilis na tumakbo patungo sa nakaparadang sasakyan ni Xander. Ipinagbukas ito ng driver at masaya itong pum
Baca selengkapnya
Chapter 37
NAGLILIWANAG ang bulwagan nang mansyon ng mga Vergara dahil sa liwanag ng iba't ibang ilaw na naroon. Natigilan si Charline nang makita ang ayos ng mga bisita, elegante at hindi maikakailang mga kilalang tao ang mga ito sa alta-sosyedad at nabibilang sa mayamang mga angkan.Napatingin siya sa suot niyang black dress na hapit sa kaniyang katawan, isa itong long-dress na may mahabang slit mula sa gitnang bahagi ng hita pababa. Pinatungan niya ng blazer ang likod na nakalantad. Naaasiwa siya sa suot niya kahit pa bumagay sa kaniya ayon kay Alyssa. Kung hindi nga lang siya nahihiya sa Mama ni Xander ay hindi na siya dadalo sa kaarawan nito. "Umayos ka nga." bulong ni Alyssa nang mapansin nitong tila ayaw niya pang humakbang papasok. Tulad niya, nag-ayos 'din ang kaibigan. Lumutang ang ganda nito sa simpleng-dress ngunit alam nitong angkop sa okasyon. Personal itong inimbita ni Xander na ikinatuwa naman nito. "Kinakabahan ako, Alyssa." napahawak siya sa braso nito. "Gaga, masanay ka na.
Baca selengkapnya
Chapter 38
"ANONG meron?" pagkatapos kasing ihatid ni Anna ang mga special dishes na ipinaluto ng Room 107 ay inilapag ni Anna ang listahan sa lamesang kinalalagyan ng mga ihahandang pagkain. Nakasimangot ito kaya nagtaka si Charline. "Sinabi ko naman sayo na si Ai-ai na ang maghatid di ba? Eh, mapilit ka." umingos pa ang isa sa mga dishwasher. "Gusto ko lang naman siyang makita. Hmp!" ingos nito, halata ang pagkadismaya. Bumalik na ito sa paghihiwa ng mga gulay. Nakasimangot pa din. Kumunot ang noo ni Cha at tumingin sa ka-trabaho.Naintindihan naman nito ang gusto niyang itanong. "Guest lang naman ng hotel ang number one idol niyan na si Ms. Celeste Buenamente.""Yung model?" tanong niya kahit sigurado siya na kilala niya tinutukoy nito. Sino ba naman ang hindi nakakakilala rito. Sikat itong modelo at laman ng mga magazine, may mga billboard pa nga itong nagkalat sa siyudad dahil sa mga ini-endorso nitong produkto tulad ng brand ng mga damit at mga kilalang cosmetic product. "Wow!" palata
Baca selengkapnya
Chapter 39
"PINATATAWAG ka ni Sir Xander." bungad ni Anna nasa pintuan ito ng locker room nilang mga empleyado. Bihis na rin ito. Nagpatuloy siya sa ginagawa, maayos niyang itinupi ang uniporme at isinabit ang apron. "Puntahan mo na." ingos nito. "Nagmamadali ako, susunduin ko pa sa school ang anak ko." pagdadahilan niya. "Ano ba kasing meron sainyo ng Boss natin?" Tinalikuran niya na ito, wala siya sa mood para makipagkwentuhan sa ka-trabaho. Nakukulitan na siya rito. "Kung may relasyon naman kayo bakit hinahayaan mong harutin ng iba?" Natigilan si Charline. Tsismosa talaga ang babaeng ito. Hindi niya na ito sinagot. Nilampasan niya ito at walang lingon-likod na nagmadaling tinungo ang palabas ng building. Naiwang napapakamot sa ulo si Anna. Nakita niya agad ang nakaparadang sasakyan ni Xander, nakatayo sa tabi ng pinto ang driver-bodyguard nito. Alam niyang nasa loob na ng sasakyan ang asawa at marahil hinihintay si Celeste. Patay-malisyang nagpara siya ng taxi at nagmadaling sumakay. N
Baca selengkapnya
Chapter 40
"HAPPY family?" tudyo ni Alyssa nang makita ang tatlo na bumaba ng sasakyan. Inirapan lang ito ni Charline. Hawak ni Xander ang kanang-braso ng anak habang nakasunod papasok sa loob ng bahay. "Ninang!" kapag nakikita na nito si Alyssa tila nakakalimutan na nito ang presensya ng ina. "Pwede ka ng umuwi. Salamat sa paghatid." nilingon niya ang asawa na komportable ng umupo sa sofa. Nanlaki ang mata ni Alyssa. "Ang harsh mo ha!" ingos nito sa kaibigan. "Huwag ka munang umalis Xander ipapatikim ko sayo ang binake ko na cheescake." Kumindat lang si Xander na tila natatawa pa sa nakitang pagsimangot ni Charline. Mabilis na pumuntang kusina si Alyssa kasunod ang inaanak. "Sabi ko makakaalis ka na." pabulong niyang pagtataboy sa asawa. Kumunot lang ang noo nito saka ngumiti. "Kakain pa nga ako. Saka parang masarap magkape dito." "Xander naman." "Saka parang gusto kong makitulog na rin." Napamulagat si Charline. "Ano?!" Kinuha nito ang celphone mula sa bulsa saka dumayal. "Ricky, i
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
11
DMCA.com Protection Status