All Chapters of Marriage A Debt Payment: Chapter 191 - Chapter 200

233 Chapters

Chapter 115

(Sera POV) Dinala ako ni Kuya Ruel sa isang kumbento. Kakilala niya ang nagmamahalang madre doon, sa unang tingin mo pa lang napakasungit na… Ngunit mali, napakabait nito. Si Mother Anne. Halos dalawang linggo na akong nakatira dito, at katulad nga ng hiniling ko… isang tahimik at matiwasay na pamumuhay. Marami ang sariwang mga bulaklak na pinipitas lamang namin sa bakuran na siyang itinanim lang din. Di pa nga ako gaano nagtatagal, ang mga dahon, bulaklak at katawan ng ilang puno at halaman… Napabuntong-hininga ako… Paano naging toxic ang lahat ng natural na pabangong nagawa ng tinatayo kong kompanya? Nalulungkot lang ako… Ayoko man alamin ang takbo ngayon ng negosyo kong yun kahit palaging binibisita ako dito ni Kuya Ruel. Hindi ko magawang itanong kung kamusta na ang usad ng kaso. Kinausap ako ni Kuya Ruel na ipriority ko muna ang aking kalusugan kesa sa negosyo. Yun kung nais kong isilang ang baby ko ng mal
Read more

Chapter 116

(Nathaniel POV) “Sinabi mo sa Secretarya ko isang family dinner ang pupuntahan ko dito diba? Para na rin makilala ko ang mga magulang mo. At kung anong klaseng pamilya mayroon ka Wilma?”“Ah, isa naman talaga itong family dinner, kaya lang wala si Mommy. Hangang ngayon nasa hospital parin siya. Si daddy naman hindi maiwan-iwan si Mommy. Pero masasabi parin na family dinner ito dahil… Nariyan ikaw Nathaniel at ako. Mula ng magkahiwalay kayo diba ni Sera isa na tayong pamilya? Bubuo tayo ng pamilya diba Nathaniel?”Ngumisi ako sa kanya. Napa-iling… “Andito ako para makuha na din ang opportunity na kausapin ang daddy mo. Mayroon akong business proposal sa kanya. Secretary Taki, maaga ako ngayong uuwi sa Manor, iparating mo sa butler.”“Nathaniel…” Hawak ni Wilma sa kamay ko. “Kahit nga hiwalay na kayo ni Sera, sana mali itong pakiramdam ko… Bakit
Read more

Chapter 117

(Sera POV) Ang kabang naramdaman ko ay mayroon palang dahilan… Dahil sa paligid hindi impossibleng naririto si Nathaniel Yao, kung ang kanyang sekretarya ay nasa harapan ko.Bago pa man nga makapagsalita si Secretary Taki, bumukas ang pinto ng sasakyan… Na parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupang kinakatayuan ko ngayon. Hindi ko nais makita si Nathaniel… Pero andito na ito, wala na akong maurungan, maidadahilan at maatrasan… Kailangan ko harapin ang lalaking ama ng dinadala ko.Walang pinagbago kay Nathaniel, dala parin niya ang malakas ng hangin ng kayabangan. Pakiramdam ko nga madadala ako. Bilang dating mag-asawa, at ngayon malaya na akong gawin ang gusto ko, hindi ko na kailangan na ikubli ang aking sarili. Sapat na ang dahilan na hiwalay na kaming dalawa, at di na dapat pakialaman ang buhay ng bawat isa.“Magandang umaga Mr. Yao.” Bati ko sa kanya. “Kamuntik na yun. Per
Read more

Chapter 118

(Sera POV) Umalis nga ako sa kumbento dala ang katiting na perang meron ako. Kumuha ng maliit na mauupahan. Nakapag desisyon na ako na walang kailangan madamay sa aking problema. Kahit na ang kapatid kong si kuya Ruel. Kung kagagawan ito ni Nathaniel na nangyari kay Kuya Ruel hindi ko na talaga kailangan makita pa ito. Malayo-layo na din ang lugar na ito para mahanap pa ako ni Nathaniel hindi ba? Iniwan ko ang phone ko kung saan, para na rin tuluyan nang maputol ang connection kahit kanino. (Wilma POV)  Kagabi lang tumawag sa akin si Nathaniel na susunduin niya ako ng maaga. Kaya buong magdamag, hindi ako nakatulog sa pananabik. Hindi ko na din nagawang itanong sa kanya ang tungkol sa nangyari noong nagdaan na linggo.Kinabukasan nga, dahil hindi ako sanay na walang pagpipilian ng mga isusuot ko, ang daming maletang nakahelera. Siguro naman malaking sasakyan ang hinanda ni Na
Read more

Chapter 119

(Secretary Taki POV) Siguro bibigyan ni Master Nathaniel ng oras si Miss Wilma upang may mapatunayan siya. Hindi ako umaasa na ang isang kagaya ni Miss Wilma ay maging isang Madam Yao. Napapailing na lamang ako sa idea na yan.Bumalik ako sa harapan ni Master Nathaniel, at inutos na walang titigil hangang hindi matagpuan kung nasaan si Miss Sera.“Sigurado po ba kayong hindi muna kayo sasabay kay Miss Wilma?”“Nope. May kailangan tayo puntahan, bago ako pumunta doon. Ang director ng marketing department ay kailangan ma site visit. Supresa. May kinalaman ito sa pagsabotahe ng pabango ng asawa ko.”  (Sera POV) Kailangan ko ng trabaho, ngunit paano ako maghahanap ng trabaho kung ikukubli ko ang aking pagkatao? Isang simpleng trabaho lang. Yung tipong hindi nag-eengage sa mga taong nasa mataas na antas. Gaya na lang maging nanny o di
Read more

Chapter 120

(Nathaniel POV) Wala. Wala akong nararamdaman na paghihinayang kay Wilma. At ang presensya naiinis ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Alam ko ang tungkol sa kanyang pagpapansin. Dahil sa sinabi ni Sera sa akin na immature ako, ganito ba ako sa kanya kung kumilos. Haist. Never ko kinuha ang attention niya. Kaya wag na wag niya akong pagsasabihan na ako ang immature.“Tss.”“Master Nathaniel?”“Matulog ka na. Pero… Sabihin mo nga sa akin Taki, immature ba ako kanina sa supermarket? Dapat lang na ibalik doon sa cashier ang pagpapahiya niya sa asawa ko. Wala akong maling ginawa. Pinagtangol ko pa nga siya. Sabihin mo sa akin bakit siya magagalit ng ganoon na lang? Sadya ba talagang may mga sayad ang mga babae, lalo na yung asawa ko?”“Kukunin ko lang Master Nathaniel yung kumot at unan na inabot sa akin kanina ni Manong Benj
Read more

Chapter 121

(Nathaniel POV) Hindi ko namalayan ang takbo ng oras palanding na ang sinasakyan kong chopper sa rooftop ng Yao Manor. Natitiyak kong naghihintay na sa akin ang aking ama sa maaga kong pagbabalik.Nang makababa ako, kaagad kong senenyasan si Secretary Taki na sumunod sa akin. Sumunod naman ito, pero bago pa man kami mag-usap na dalawa, hindi ako nagkamali na kahit malalim na ang gabi handa parin akong hintayin ng Old Master Yao.“Tss. Gusto niyo na atang salubungin kayo ni Kamatayan.”Ngumiti ito. “Nais ko lang salubungin ang anak kong bigo sa kanyang hinala sa kabit nito. Kahit alam ko na ang resulta nais ko parin marinig sayo ang pinag-usapan natin.” Tumalikod ito at naglakad na nga papunta sa may sala.Bago ako sumunod…“Nahanap niyo na ba kung saan nagtatago si Sera?”“Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan si Madam Yao. Hindi sila magp
Read more

Chapter 122

(Sera POV) “Mr. Nathaniel Yao…” Ngumisi siya sa akin. Umatras naman si Secretary Taki upang ibigay ang pwesto niya kay Nathaniel. Nagkatitigan kami ni Nathaniel… Lalong lumaki ang ngisi niya.“Now you understand na hindi ka makakatakas sa akin ng basta-basta lang Sera.” Masayang ipinako ang paningin sa aking mga mata. Kahit kailan ang isang kagaya niya ay hindi matitinag kailanman. Napakademonyo niya.Bigla namang sumakit ang ulo ko, biglang nahihilo na hindi ko maintindihan. Buntis ako pero bakit sa pagkakataon na ito ang nararamdaman kong hilo ay kakaiba. Ang katawan ko bigla na lang nakakaramdam ng kakaibang init… “Masarap ba yung paborito mong fruit salad na merong ube?”“Mr. Nathaniel Yao…” Wag niyang sabihin may kinalaman siya sa pagkain na inilapag ni Manang kanina sa akin. Pero hindi yun impossible. “A-anong nilagay mo sa p
Read more

Chapter 123

(Nathaniel POV)  Lumabas si Ruel at naiwan naman sa loob ang kaibigan ni Sera. Sa harapan ng Old Master Yao, binibigyan niya ako ng masamang titig.“Hindi pa ba sapat na asawa mo siya para pilitin at lagyan mo ng gamot ang kanyang pagkain, Nathaniel?”“Tss. Hindi pa rin ba sapat ang suntok mo na hindi ko sinuklian kahit na umiinit ang ulo ko sa presensya mo?”“Tama na yan.” Saway ng Old Master Yao. “Naalala ko lang sa inyong dalawa ang kapatid ni Natalie, minsan din akong nakatamo ng suntok sa kanya. Natural lang na pinuprotektahan ng kanyang kapatid na lalaki ang kapatid na babae, Nathaniel. Kaya deserve mo yan. Swerte mo at mayroong kapatid na nag-aalala ng husto sa asawa mo.”“Hindi sila magkapatid Dad.”“Kahit hindi magkadugo, kapag itinuring mong kapatid ang isang tao, mas higit pa yan sa isang matalik na kaibigan. Tunay na kaibigang ma
Read more

Chapter 124

(Nathaniel POV) “Master Nathaniel, nais daw kayo kausapin ni Doktor Ruel bago sila umalis.” Ani ng katulong na kumuha ng attention namin,“Susunod ako.” At iniwan ko nga ang aking ama sa harapan ng malaking larawan ng aking ina. Pinuntahan si Ruel na kasama nga nito ang kaibigan ni Sera.“Nais ko lang ipaalala sayo na si Sera hindi mo maaring galawin.”“Bakit? May malubha ba siyang sakit.”“Tss. Tarantado ka talaga.” Muling lumiyab ang apoy sa pagitan namin ni Ruel.“Alam ko. Kailangan magpahinga ng maayos ng asawa ko. Doktora Gail, magpapa-iwan ka dito. Para naman may peace of mind na aalis si Dr. Ruel sa pamamahay na ito.”“Mr. Nathaniel, kailangan ako sa aking cli—.”“Magpapadala ako doon ng ibang doktor, sa ngayon kailangan ka ng kaibigan mo. Triple ang makukuha mong pera kapag nanatili ka dito kesa
Read more
PREV
1
...
1819202122
...
24
DMCA.com Protection Status