All Chapters of Mistaken Identity: Chapter 41 - Chapter 50
126 Chapters
CHAPTER 41
“ANDY. . .” Sinikap maging kalmado ni Catherine habang kinakausap si Andy, “Pupunta tayo sa ospital. . .”            Nangunot ang nuo nito.            “N-Nasa ospital ngayon ang Papa mo.”            Nakita niya ang panic sa mga mata nito, “Anong nangyari kay Papa?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya.            “Hindi ko pa alam iyong buong detalye.  Si Daddy lang ang nakausap ko,” aniya dito, “Let’s go.” Aniya.  Ang totoo ay nangangatal na ang buong katawan niya. May trauma siya kapag naririnig ang salitang ospital.            Naalala niya ang Mommy niya.    &
Read more
CHAPTER 42
HINDI maipaliwanag ni Catherine ang eksaktong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon habang nagpapalipat-lipat ang kanyang paningin sa dalawang lalaki.            Napatingin siya sa dragon tattoo ni Andy at sa makapal na foundation ng lalaking kamukhang-kamukha nito.  Napansin niyang walang dragon tattoo ang lalaking may makapal na foundation.            Napakurap-kurap siya.            Nanaginip ba siya.            “D-Dalawa kayo? I-ikaw iyong lalaking nakita ko sa grocery? Iyong una kong na-meet bago. . .”            “Ako nga, bakit, ano ba sa akala mo?” Taas ang kilay na sagot sa kanya ng lalaki, “Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ala
Read more
CHAPTER 43
DINIG na dinig ni Catherine ang sinabi ni Andy.  Para iyong dumadagundong sa kanyang pandinig, Hindi ko papatulan ang bubuwit na iyon.  Pumayag lang akong pakasal sa kanya dahil ayokong mawalan tayo ng mana.  Pero kahit kelan, hindi ako maiinlab sa kanya, mahal ko si Alexa! I will never fall in love with Catherine!            Pakiramdam niya ay may isang matalas na bagay na humiwa sa kanyang dibdib pagkarinig sa sinabi ni Andy ngunit nagkunwa siyang hindi apekrado.            In fact, nagkunwa siyang walang naririnig.            Pero ramdam na niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.            Hindi niya alam kung bakit.            Hey,
Read more
CHAPTER 44
“PAPA, thank God, you made it,” Maluha-luhang sabi ni Anthony sa ama habang inaayos ang paglabas nito sa ospital.            After one week nitong naka-confine ay pinayagan na ito ng doctor na lumabas sa ospital.            Kumpleto ang buong pamilya nito ng araw na iyon.  Nanduon si Justin na nakilala na niya nuong nag-dinner sila sa bahay nina Andy.  Si Anthony, at si Andy pati na rin ang mother in law niya na si Ana.            Hanggang ngayon ay parang kinikilabutan pa rin siya kapag naiisip niyang may father in law at mother in law na siya.            Ilang pa rin siyang tawagin ang mga itong Mama at Papa.  Pakiramdam kasi niya ay nagpapanggap lang naman sila ni Andy bilang mag-asawa kaya ayaw niyang ser
Read more
CHAPTER 45
NILINGON NI ANDY si Catherine.  Mukhang natutulog na ito.  Naiinggit siya dito dahil ang bilis-bilis makatulog.  Kahit yata mapasandal lang sa pinto, makakatulog.  Kakaibang talent.            Bahagya siyang napangiti ng maalala ang ginagawa nitong pang-aakit sa kanya. Iniisip pala nitong siya si Anthony.  No wonder ganun na lang kung makipag-flirt ito sa kanya.  Ngayon kaya nito subukang gawin iyon?            Unti-unting napalis ang ngiti niya nang maalala ang hubad na katawan nito.            Damn.            Paano kaya kung hindi niya napigilan ang kanyang sarili?  Papayag kaya itong may mangyari sa kanila?           
Read more
CHAPTER 46
“ANDY,” Gulat na bigkas ni Justin sa pangalan ng kapatid.  Hindi niya inaasahang ito ang makakausap niya.  Napatiim bagang siya.  May asawa na ito ngunit hanggang ngayon ay ayaw pa rin nitong pakawalan si Alexa.            At nagtataka siya kay Alexa dahil hanggang ngayon ay nagpapaloko pa rin ito kay Andy samantalang heto siya, totoo iyong nararamdaman niya para rito and yet bakit panakip butas lang siya ni Alexa.            “Bro, nandiyan ka pala,” sabi niyang napatikhim, “Hindi ba magagalit si Papa kapag nalaman niyang nasa ibang bahay ka sa halip na sa piling ng asawa mo ikaw naglalagi?”            “Kung anuman ang gawin ko sa buhay ko, it’s none of your business!” Yamot na sagot nito sa kanya.    
Read more
CHAPTER 47
“AMANPULO?”Puno ng excitement ang mukha ni Catherine habang nakatingin sa plane ticket na iniabot sa kanya ni Andy.  Isa sa bucket lists niya ang makapunta sa Amanpulo dahil madalas niya iyong napapanuod sa mga vlog ng mga celebrities.  Gusto niyang makita kung gaano talaga kaganda ang lugar na iyon.            Sabi kasi nila, para raw iyong paraiso.            At hindi basta-basta napupuntahan ng kung sinu-sino lang.  Sayang nga lamang at si Andy ang makakasama niya sa pagtupad sa pangarap niyang iyon.            Ang sarap sana kung mga kaibigan niya ang kasama niya papunta sa Amanpulo at hindi si Andy.  Ano naman kasi ang gagawin niya sa isang paraiso kasama ng lalaking iyon?            Iniisip pa lama
Read more
CHAPTER 48
AMANPULO.            Hindi makapaniwala si Catherine na parte pa rin ito ng Pilipinas.  Ang daming magagandang lugar dito sa bansa, sayang at mga dayuhan lamang ang nakikinabang.  Haist, kung hindi lang siguro corrupt ang mga namumuno sa Pilipinas, hindi sana ito nabibilang sa third world country sa dami ng natural resources nito.            Nakakalungkot isiping nabalewala lang lahat ng mga ipinaglaban ng mga bayani nuon.            Pero ang ganda talaga ng Amanpulo.  Sarap sana kung kasama niya ang mga friends niya.  Pero mas masarap kung marunong siyang lumangoy!             Namangha siya sa ganda at laki ng kuwarto.  Inilapag niya ang kanyang mga gamit sakaparang batang ibinagsak niya ang katawan sa ka
Read more
CHAPTER 49
Pero ang gulat niya nang sa halip na halik ay kutos ang inabot niya kay Andy.            “Ouch, kinutusan mo ko?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito.  Sa tanang buhay niya ay never pa siyang nakutusan ng kahit na sino.  Kahit ang Daddy niya, never siyang kinutusan pagkatapos, sa lalaking ito papakutos siya? Nagpanting ang mga tenga niya, “Anong karapatan mo para kutusan ako?”            “Para matauhan ka! Itong isaksak mo sa kukute mo ha? Hinding-hindi kita magugustuhan kahit na kailan kaya huwag mong isiping naiinlab na ako saiyo! Mangilabot ka nga!”            “Ah, sa palagay mo,magugustuhan kita?” Galit na sagot niya dito, kinutusan rin niya ito, “Isaksak mo rin ito sa kukute mo ha, huwag kang assuming na lahat ng babae, kagaya
Read more
CHAPTER 50
“H-HINDI ha. . .b-bakit naman ako magpapansin saiyo?” todo tanggi niya dito, “Huwag kang assuming ‘no!”            “Hindi ako assuming! Nagtataka lang ako, tumatanggi ka pa pero hindi pa ba pagpapansin ‘yang ginagawa mo?”            Umiwas siya ng tingin dito, “Hah, pagpapansin ba ang tawag mo sa ginagawa ko? Actually, nag-iingat lang ako.  Gusto ko lang ipaalala saiyo na kaibigan ni Papa ang isa sa mga share holder ng Amanpulo k-kaya ayoko lang namang makarating kay Papa na nakikipaglandian ka sa ibang lalaki habang nandito tayo,” pagsisinungaling niya dito.            Ang totoo ay hindi naman kakilala ng Papa niya ang me ari ng isla na ito, or isa man sa mga share holders nito.  Wala lang talaga siyang maisip na maidahilan kay
Read more
PREV
1
...
34567
...
13
DMCA.com Protection Status