Kahapon lang ay single pa siya. Ngunit ngayong araw na ito, magiging Mrs. Catherine Villanueva na siya. Pakiramdam niya ay nabudol-budol siya ng Daddy niya. Paano siya nitong napapayag makasal sa isang lalaking ni hindi man lang niya minahal. Bakit nga ba siya pumayag sa gustong mangyari ng Daddy niya porke’t iniyakan lang siya nito? Ngunit ang mas lalong nakakasindak, ipapakasal siya nito sa isang lalaking lantaran namang umamin sa kanya na isa itong member ng LGBTQIA community. Feeling tuloy niya, um-order lang ng mapapangasawa niya online ang Daddy niya, may defect pa. May defect dahil lalaki rin ang hilig nito at hindi babae. At no return, no exchange na pala ang kasunduang ito dahil legit ang marriage contract nilang dalawa. Hindi ito isang panaginip lang. Ngunit naisip niyang dahil lalaki rin ang type ng asawa niya, at least ay safe siya kasama nito. Malaya siyang makakapagbihis sa harapan nito at alam niyang kahit anong gawin niya, wala talagang mangyayari sa kanilang dalawa. Pero kung bakla ito bakit may girlfriend ito? At bakit, unti-unti, parang nakakaramdam na siya ng selos sa tuwing makikita niya ito kasama ng girlfriend nito? Hanggang isang araw ay makita niya ang asawa, not just one but two. Namamalikmata lang ba siya or sadyang may kakambal ito? Isang member ng LGBTQIA community na si Anthony. At isang lalaking-lalaki na si Andy. Pero kanino sa dalawang ito ba siya talaga ikinasal?
View More“WHAT?” Napabalikwas mula sa kanyang kinauupuan si Catherine nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng ama, “You want me to marry this guy?” Aniyang tiningnan mula ulo hanggang paa ang lalaking nuon lamang niya nakita sa tanang buhay niya. In fairness, guwapo ang lalaki. Matipuno ang pangangatawan, matangkad at may pagka-tsinito. Mistula itong isang bida sa mga koreanovela na kinahihiligan niya. Pero sa pormahan nito, alam niyang hindi ito straight.
Hundred percent sure siyang may itinatago itong lansa sa katawan lalo na nang nahuli niyang inirapan siya nito at pinagtaasan ng isang kilay. Palihim siyang napangiti.
Siya pa ba? Matalas ang pang-amoy niya pagdating sa mga ganitong bagay. “Dad, this is crazy!” Naiiling na sabi niya.
“Yeah, this is crazy. Mamatay na muna ako bago ko pakasalan ang babaeng ‘yan ‘no?” Tili naman ng lalaki sa kanya saka tumayo at waring mag-wo-walk out na pero mabilis na naharang ng Daddy niya.
“Hindi ka makaalis dito hangga’t hindi ka nagpapakalalaki!” Matigas ang tonong bulyaw dito ng kanyang ama. Napabalik sa kinauupuan ang binata. Pero nakairap sa kanya.
Hindi niya alam kung sino ang binabaeng ito. Mas lalong hindi niya naiintindihan kung ano ang ibig mangyari ng Daddy niya. Hindi pa naman siguro nauubos ang lalaki dito sa mundo para sapilitan siyang ipakasal dito ng ama. Natatakot na ba talaga itong tumanda siyang dalaga?
She’s only 23. Bakit ba parang minamadali naman siyang masyado ng Daddy niya na makapag-asawa? At saka ano ba ang akala nito sa kasal? Hindi ba siya dapat ang nagdedesisyon at pumipili ng mapapangasawa niya at hindi ang Daddy niya?
“Iha, makinig ka. . .”
Ngunit bago pa nito ituloy ang sasabihin ay isang mariing ‘No’ na ang sagot niya saka nagmamadaling tumakbo sa kanyang kuwarto para magkulong. Ano bang akala ng Daddy niya sa kanya?
Mahal niya ang kanyang Daddy. Twelve years old pa lamang siya nang mamatay ang Mommy niya sa sakit na cancer of the lungs kaya ang Daddy niya na ang tumayong ina at ama para sa kanya. Hindi na nga ito muling nag-asawa para lang maibuhos ang buong pagmamahal sa kanya.
Natatandaan niya nuong 15 years old siya. May ipinakilalang girlfriend ang Daddy niya sa kanya. Sa galit ay one week niya itong hindi kinausap. Nalaman na lang niya na nakipag-break ito sa girlfriend nito para lang sa kanya.
Kapag naiisip niya iyon ngayon, nagi-guilty siya sa pagiging selfish niya nuon. Sana pala ay hinayaan na lang niyang mag-asawa muli ang Daddy niya. Deserve din naman nitong lumigaya na muli.
Ngayon namang gustong-gusto niya itong magkaroon ng girlfriend ay parang hindi na ito interesado. Sa halip ay siya ang pinipilit na mag-asawa na. Gusto na raw kasi nitong magkaroon ng mga apo bago man lang ito mamatay. Kinikilabutan nga siya kapag sinasabi iyon ng Daddy niya sa kanya.
Hindi yata niya kakayanin kapag pati ito ay nawala.
“Anak. . .”
Nagtulog-tulugan siya.
“Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ko kinakausap,” dinig niyang sabi nito sa labas ng kuwarto niya. Napabuntong hininga siya ng malalim. Ewan ba niya kung bakit hindi niya kayang tikisin ang Daddy niya.
Siguro ay dahil alam niyang buong buhay nito ay wala itong ginawa kundi ang ibigay ang lahat para sa kanya. Nuong college siya, nag-aahente ito ng mga lupa pagkatapos nito sa trabaho para lang maitaguyod ang pag-aaral niya at mabayaran ang lahat ng pagkakautang nila.
Nuon kasing magkasakit ang Mommy niya ay naisanla ng mga ito ang lahat nilang mga ari-arian pati na rin ang bahay at lupang tinitirahan nila. Nasaid rin ang savings ng Daddy niya. Ngunit nang dahil sa sipag at tiyaga nito ay unti-unti rin nitong nabawi ang lahat ng mga naipundar nito. In fact ngayon ay masasabing napaka-stable na ng buhay nila.
Maganda ang takbo ng negosyo ng Daddy niya na talyer. May tatlo na itong branch sa ngayon. May mga naipatayo rin itong mga apartments na malapit sa university belt. Mayroon din itong malawak na farm sa Batanggas. Kung tutuusin, maalwan na maalwan na ang pamumuhay nila kung ang standard ng simpleng buhay ang pagbabasehan niya. Hindi naman sila maluho, pero kahit paano ay nabibili naman niya ang mga bagay na gusto niya.
Binuksan niya ng bahagya ang pinto saka sinilip ang ama sa maliit na siwang niyon, “What?”
“Anak, pakinggan mo muna ang paliwanag ko. Gusto ko lang naman na masiguradong nasa mabuti kang lagay bago man lang ako mamatay. . .”
“Kaya ipapakasal mo ko sa baklang iyon?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa ama.
“Anak. . .”
Binuksan niya ang pinto ng kanyang kuwarto, ibig sabihin, ready siyang pakinggan kung anuman ang ipapaliwanag ng Daddy niya tungkol dito.
Pero hindi ibig sabihin ay magpapahinuhod na siya sa kung anuman ang gusto nito. Siya pa rin naman sa palagay niya ang dapat na masunod pagdating sa buhay niya.
IPINARADA ni Andy ang kanyang motor sa tapat ng shop ng girlfriend na si Alexa. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin siya nitong kausapin dahil nahuli siya nitong nakikipag-flirt sa isang babaeng nakilala niya online.
But God knows, mahal na mahal niya si Alexa. Aminado naman siyang me pagka-chickboy siya, pero wala naman siyang ibang babaeng seneryoso kundi si Alexa. Iyong mga flings niya, katuwaan lang. Dinampot niya ang binili niyang boquet ng mga roses mula sa likuran ng kanyang motor saka pumasok sa boutique shop ng kasintahan. Napasimangot kaagad ito pagkakita sa kanya.
“Love. . .”panimula niya, tumikhim siya, hindi niya alam kung paano magpapaliwanag, “Sorry na. Alam mo naman di ako seryoso sa babaeng iyon, kita mo naman sya ang nakapulupot sakin, hindi ako,” pagdadahilan niya.
“So, kaya sinunggaban mo?” Nanlilisik ang mga matang sabi nito sa kanya.
“Love naman, alam mo namang ikaw lang ang babae sa buhay ko,” aniyang punong-puno ng paglalambing. Ngunit parang wala sa mood ng araw na iyon si Alexa, hindi tumalab ang charm niya.
“Go away,” singhal nito sa kanya, “I don’t want to see your face!” anitong itinulak pa siya palabas ng shop.
“Alexa. . .” Napabuntong hininga siya ng malalim at napakamot na lang sa ulo. Pasakay na sana siya ng motor nang tumunog ang kanyang cellphone. Ang kakambal niyang si Anthony ang nasa kabilang linya.
“Hello, Andy, I need your help, si Papa, pinipilit akong ipasakal dun sa anak ng kaibigan nya. I can’t.” Tumitiling sabi nito sa kanya, “Alam naman nyang kahit anong pilit ang gawin nya, never akong magiging lalaki.”
“Well, I can’t do anything about it. Kung yun ang gusto ni Papa, e.” Aniya sa kapatid.
“Talaga lang ha? Eh kung sabihin ko kaya kay Papa na ikaw ang magpakasal sa babaeng iyon?” Nagpapanic na sabi nito sa kanya.
“No way! Over my dead body!” Mariing pahayag niya.
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments