All Chapters of Rewrite Our Destiny: Chapter 21 - Chapter 30
48 Chapters
Chapter 21
Ilang segundong nanatiling ganoon ang posisyon nina Kelly hanggang sa mangalay siya kakatingala. Kumunot ang noo niya at saka itinulak si Ashburn kaya napaatras nang kaunti ang kaniyang asawa. "Ano po bang kailangan niyo, kuya?" Tanong ni Kelly at bahagyang umatras palayo kay Ashburn. "I'm not your kuya," wika naman nito. "Just answer me," walang-galang na sambit ni Kelly. Bumuntong hininga naman si Ashburn sa iniaasta niya. "Let's just talk in your room," pag-uulit na naman niya. 
Read more
Chapter 22
Nang magmulat ng mata si Kelly kinabukasan ay nag-inat muna siya at napatingin sa relo sa side table. Trenta minutos na ang nakalipas matapos ang alas sais. "Alas sais na naman," wika niya at saka naghikab. Naupo muna siya sa kama at kinusot ang kaniyang mga mata. "Teka, hindi naman itim ang relo ko ah," sambit niya saka iginala ang tingin sa buong kuwarto. Nang ma-realize niyang nasa loob siya ng kuwarto ni Ashburn ay napatingin siya agad sa kaniyang sarili at chineck kung iba na ang suot niya. "Sh*t!" Napamura siya dahil hindi niya maalala ang nangyari. 
Read more
Chapter 23
"Are you okay now? Napanuod ko sa CCTV ang ginawa ng isang guest kahapon," tanong ni Kiel habang kaharap si Kelly. "Okay naman po ako. Hindi lang po siguro siya sanay dito," sagot naman ni Kelly. Bumuntong hininga naman si Kiel. "Actually, kilala ko siya. Napapanuod ko siya dati sa TV. Designer yata siya. Pero hindi na siya masyadong kilala ngayon," sambit pa ni Kiel. "Baka stressed lang po siguro siya," palusot naman ni Kelly kahit alam niyang pinuntahan talaga siya ni Belinda para ipahiya. Tumango tango naman si Kiel sa kaniya. Si Niana n
Read more
Chapter 24
Napahawak si Ashburn sa kaniyang pisngi at unti-unting napalingon kay Kelly. Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Kelly. Namumula na ang kaniyang mukha at nagbabadya nang tumulo ang kaniyang luha. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at alam niyang anumang oras ay sasabog na siya sa galit. Napalunok naman si Ashburn nang makita niya kung paano magalit si Kelly. "Ang kapal ng mukha mong sabihin sa'kin 'yan! Wala kang respeto!" Sigaw ni Kelly at hindi na napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha. Hindi naman nakapagsalita si Ashburn at nakatingin
Read more
Chapter 25
"A-Ano 'yon?" Tanong ni Kelly habang nakatingin pa rin kay Xavier. Namawis naman ang kaniyang mga palad kaya ipinunas niya iyon sa gilid ng kaniyang slacks. ‘Sana hindi tungkol kay Ashburn dahil ayokong magsinungaling sa kaniya kapag nagkataon.’ "Can I get your number?" Tanong ni Xavier at ngumiti pa ito. Napalunok si Kelly dahil hindi iyon ang inaasahan niyang itatanong ni Xavier. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya at naisip kung bakit niya kukunin ang number nito. "H-Ha?" Natawa naman nang bahagya si Xavier sa reaksyon
Read more
Chapter 26
Hindi makapaniwala si Kelly sa kaniyang nakikita kaya nilagay niya sa likod niya ang kaniyang kamay at saka bahagyang kinurot ang sarili. Napapikit siya nang maramdaman niya ang sakit. Ibig sabihin ay hindi siya nananaginip. "Oh. Okay, Sir," sagot ni Xavier kay Ashburn. "Mauna na ako. See you around," paalam ni Ashburn kay Xavier at napasulyap na naman kay Kelly. Bumaling din ito kay Niana saka ngumiti rin, kaya pati si Niana ay sumagot din ng ngiti. Tanging si Kelly ang hindi niya mangitian at gano'n din si Kelly. "Okay, Sir. See you around," sambit naman ni Xavier. 
Read more
Chapter 27
"Hoy, Kelly!" Napatingin naman siya kay Niana habang kumakain sila ng lunch. Pinandilatan naman siya ng kaniyang kaibigan. "Kinakausap kita, 'te. Pangiti-ngiti ka lang diyan," dagdag pa ng kaniyang kaibigan. Napailing naman siya habang nakangiti pa rin. "Wala. May naalala lang ako," sagot niya. Ibinaba naman ni Niana ang hawak niyang tinidor at mas lalong tumingin kay Kelly. "Iba na 'yan ah? Kahapon, kunwari ka pang may emergency, eh alam ko namang pinapauwi ka na ng asawa mo. Ano'ng nangyari kahapon ha? Para kang nauulol diyan."
Read more
Chapter 28
"Napuyat ka ba kagabi?" Tanong ni Niana habang nakatayo sila sa harap ng counter. Umayos naman si Kelly matapos nitong tumalikod at naghikab. Kinusot pa niya ang kaniyang kanang mata at lumingon saglit kay Niana. "Oo. Ano'ng oras na kasing umuwi sina kuya Liam kagabi," sagot niya. "Nagpunta sila kagabi sa bahay niyo?" Tumango naman si Kelly at saka ibinalik ang tingin sa mga guests. "Nagluto kami ng pizza at nanuod ng movie," sagot ni Kelly habang ipinupunas ang kaniyang mga palad sa gilid ng kaniyang slacks.
Read more
Chapter 29
"Yes, she's my wife. Kelly's my wife. So, don't you dare lay a finger on her," pagbabanta ni Ashburn at hinatak ang kanang braso ni Kelly kaya napunta siya sa tabi ni Ashburn. Hindi naman alam ni Niana at Kelly ang gagawin kung aawatin ba nila ang dalawa o hahayaan na lang dahil lamang pa rin ang takot sa kanilang dalawa. "S-Sorry, Sir. I didn't know na Kelly's your wife," kabadong sagot ni Xavier at napalingon ito kay Niana. Nagtatanong ang tingin nito kung bakit hindi nila sinabi ang bagay na 'yon sa kaniya. Umiwas naman ng tingin si Niana at napakagat na lang sa kaniyang labi. "Don't share this to anyone else. Kelly wa
Read more
Chapter 30
Habang kumakain si Kelly ng breakfast sa kanilang maliit na dining area ay napatigil siya sa pagnguya nang marinig niya ang mga yabag ni Ashburn papasok doon. Binilisan naman niya ang pagkain saka nagmamadaling hinugasan ang kaniyang pinagkainan. "Kelly," tawag sa kaniya ng asawa niya nang maupo ito ngunit hindi naman siya lumingon sa kaniya. Hinugasan niya ang kaniyang mga kamay at hindi na nag-atubiling patuyuin iyon. "Let's talk," sambit ni Ashburn ngunit hindi niya man lang ito magawang tignan. Ibinulsa niya ang kaniyang cellphone at lumabas na roon. Agad siyang naligo at binilisan na naman niya ang pag-aayos upang ma
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status