All Chapters of Rewrite Our Destiny: Chapter 41 - Chapter 48
48 Chapters
Chapter 41
Napatigil si Kelly sa kaniyang nakita at napasulyap sa kaniyang asawa na seryoso lamang sa kaniyang upuan habang abala sa pagkain. Nanlabo ang kaniyang paningin, ngunit bago pa siya tuluyang matumba ay dahan-dahan na siyang umalis doon habang hawak pa rin ang mga regalo.  Bigla siyang napaupo sa sahig nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto. Napatakip siya sa kaniyang bibig at nag-uunahang pumatak ang kaniyang mga luha. Pinunasan niya ang kaniyang basa nang mukha ngunit hindi tumigil ang pagpatak ng kaniyang luha. Napatungo na lang siya sa kaniyang tuhhod saka ipinagpatuloy ang pag-iyak. "Bakit s-sa'yo pa?" Tanong ni
Read more
Chapter 42
Nagmadaling lumapit ang isang server na lalake kina Niana nang makita nitong natumba si Kelly. "Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito kay Niana. "May lagnat kasi siya. Ayaw niyang umuwi," kabadong sagot ni Niana habang hawak ang nakahandusay na katawan ni Kelly. Hindi naman siya mapakali habang nakahawak sa kaniyang kaibigan. Nagsilapitan naman ang ibang mga servers ngunit nang mapansin nilang tumitingin din ang mga guests ay pinakalma muna nila ang mga ito at sinabing ayos lang si Kelly. Bubuhatin na sana ng server si Kelly ngunit may tumakbong lalakeng nakaitim at naka-facemask papalapit sa kanila.
Read more
Chapter 43
Bumilis ang tibok ng puso ni Kelly nang ilang segundo na ay hindi pa sumagot ang kaniyang asawa. Napabuntong hininga na lang siya at umiwas ng tingin. "I don't have any plans para balikan siya," sagot ni Ashburn. Natawa naman si Kelly saka siya napailing. Nakatingin lang sa kaniya ang asawa at tumayo ito saglit upang kumuha ng maiinom nila. Nang mailapag niya ang tubig ni Kelly sa harapan nito ay bumaling si Kelly  sa kaniya. "How well do you know your ex?" Tanong niya. 
Read more
Chapter 44
Kinabukasan ay maagang nagising si Kelly ngunit wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa. Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka tumagilid at humarap sa puwesto ni Ashburn kagabi. Mas lalo siyang naguluhan sa iniasta ni Ashburn kagabi. "Mas marupok pa yata ako sa kahoy," wika niya saka hinaplos ang higaan kung saan nakapuwesto ang kaniyang asawa kagabi. Napatingin muna siya sa orasan at nakita niyang mag-aalas sais pa lang ng umaga. Naalala niyang mag-seserve sila nang alas syete ng umaga tuwing weekend kaya nag-inat siya at lumabas na sa kaniyang kuwarto. 
Read more
Chapter 45
Nang maibaba ni Kelly ang tawag ay natulala siya at biglang namawis ang kaniyang mga palad kaya ipinunas niya iyon sa gilid ng kaniyang slacks."Ano, 'te, okay na?" Tanong ni Niana at saka lumapit sa kaniya."S-Sasakay na lang ako ng traysikel pauwi. B-Busy raw kasi si Ashburn eh," pagpapalusot niya. Tumango tango naman si Niana.Iniabot naman niya ang cellphone niya kay Niana."Ipasa mo na lang 'yong mga pictures mo," sambit niy. Ngumuso naman si Niana."Ano ba 'yan, mas magaling kang mag-edit kaysa sa'kin eh," wika naman niya saka kinuha ang cellphone ni Kelly.Napakunot naman ng noo si Kelly at inalala kung may iba pa bang babaeng binabanggit si Ashburn. Napailing na lang siya nang wala siyang maalala.Nang makauwi siya ay hindi pa rin siya mapakali at tinawagan ulit ang kaniyang asawa habang naghihintay siya sa sala.Napakagat siya sa kaniyang labi nang hindi pa rin sumasagot si Ashburn sa kaniyang mga tawag.Napaupo siya sa sofa at nanlumo nang hindi man lang niya nakausap ang ka
Read more
Chapter 46
Hindi nakaimik si Kelly at naramdamang tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang kaliwang mata.Bigla siyang humarap sa kaniyang asawa na ikinagulat naman ni Ashburn. Ilang sentimetro na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha kaya kitang-kita ni Ashburn ang pagluha ni Kelly. Sinamaan ni Kelly ng tingin ang kaniyang asawa."A-Alam mo, mahilig kang umiwas sa mga bagay ano? Kapag alam mong may nasasaktan ka na ay tatalikod ka na agad. Ang pamilya mo ang may gustong ikasal tayo, tapos ngayong nahihirapan ka na sa'kin, bibitaw ka na agad? Napakatalino mo pero wala kang paninindigan," sambit niya saka tumalikod ulit at nagpigil ng iyak ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha."I'm always hurting you," mahinang wika ni Ashburn at niyakap si Kelly sa kaniyang likuran. Patuloy naman siya sa pagpahid ng kaniyang luha.‘Kaya ka bumibitaw dahil hindi mo alam kung paano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.’Alam niyang hindi pa siya handa para iwan ng kaniyang asawa.Kinabukasan, tahi
Read more
Chapter 47
"A-Ayoko," sagot ni Kelly saka tumulo na naman ang kaniyang luha. Pinunasan niya agad iyon saka napatingin sa kaniyang asawa na naging maamo ang mukha dahil sa narinig.Napalunok naman si Kelly at nilagpasan na si Ashburn. Ngunit napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan nang tawagin siya nito sa kaniyang pangalan."I want to stay with you, Kelly," sambit niya. Napalingon si Kelly sa kaniya at nakitang sinsero ito sa kaniyang sinabi. Napakagat siya sa kaniyang labi at nakahinga nang maluwag saka ipinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kaniyang kuwarto.Napaupo agad siya sa kaniyang kama nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto at hinawakan ang kaniyang dibdib dahil mabilis pa rin ang kabog ng kaniyang puso."Gusto ko ring manatili ka," mahinang wika niya saka binuksan ang side table niya at kinuha ang kaniyang wedding ring.Pingmasdan niya iyon at kumikislap ang malaking diamond nito kapag tinatamaan ng ilaw. Napapunas siya ng kaniyang luha nang mapansin ang pangalan nilang mag-asawa sa l
Read more
Chapter 48
Hindi pa rin gumalaw si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at patuloy pa ring pinagmamasdan si Belinda habang inaalalayan si Ashburn na nakatungo ang ulo at pagewang-gewang maglakad.Kitang-kita niya mula sa ilaw nila ang suot ni Belinda. Puting crop top, maiksing puting maong shorts, at mataas na puting heels.Napatigil naman si Belinda nang mapansin niya si Kelly na nakatayo sa harap ng pintuan. Kumunot lalo ang noo ni Kelly at napayukom ang mga palad.Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod ngunit naglakas-loob siyang humakbang pababa at lumapit sa kanilang dalawa.Walang anu-ano'y kinuha niya ang kaliwang braso ni Ashburn at inilagay sa kaniyang balikat. Pinagtulungan nilang ipasok ang kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay."I h-had fun, but it's more fun when..."Hindi naman natuloy ni Ashburn ang sasabihin at biglang nanahimik. Napalingon naman si Kelly sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.‘Mamaya ka sa'kin, gurang.’Nang maipasok nila si Ashburn at napaupo sa sofa sa kanilang sal
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status