Semua Bab The Ring of Truth and Lies: Bab 21 - Bab 30
36 Bab
KABANATA 17 (Almost)
“Gusto mong uminom?” nakangiting turan ni Glayscent kay Haniel. “Dali na, bumawi ka sa akin. Alalahanin mo may kasalanan ka pa. Inom tayo, order ka nalang ng chicken. May nakita akong soju at beer sa ref, gusto kong matry ‘yung alak ng mga Korean. Masarap daw ang chicken at soju eh.” Parang walang bakas ng nangyari kanina ang mga pananalita ngayon ni Glayscent, na parang walang nangyari kanina sa labas. Napatawa na lamang si Haniel at sinunod ang kagustuhan nya. Pagdating ng manok ay inilatag iyon ni Glayscent sa center table at naglabas din ng soju at beer. “Tara, movie marathon tayo, aalis na tayo bukas eh. Hindi ko na naman nasulit ang paggagala dahil sa isang tao d’yan na oa kung magalit.” Halatang pinariringgan sya nito kaya naman pabiro nya itong sinamaan ng tingin na ikinatawa na lamang ni Glayscent. “Hmmm! Ang sarap naman ng manok na ito,
Baca selengkapnya
KABANATA 18(Matandang nag-memenopause, named Haniel)
Matapos ang nangyaring iyon sa kanila sa Korea ay hindi na muli pang pinag-usapan nina Haniel at Glayscent ang tungkol doon. Nais mang magtanong ni Glayscent ay hindi nya magawa dahil halata na kay Haniel ang ginagawang pag-iwas. Hanggang sa makauwi sila sa Pilipinas ay wala itong imik sa buong byahe at nakakutok lamang sa kanyang laptop habang inaasikaso ang mga naiwang Gawain sa kumpanya. “Mama! Sobrang miss na miss na po kita! Buti umuwi ka na po.” Bakas ang pagkasabik ng anak sa kanya na agad na tumakbo patungo sa kanya nang makita silang papasok na sa mansyon. “Na-miss din kita ng sobra, babay ko. Kumusta ka? Behave ka ba kina lolo at lola? Hindi ka pasaway?” tanong nya habang karga ang munting bata. Sunod-sunod na pagtango ang isinagot sa kanya ni Nigel na may kasamang matatamis na ngiti. Ito ang isa sa mga na-miss nya ng sobra sa anak, ang pagiging napakalambing nito at ang matatamis na ngi
Baca selengkapnya
KABANATA 19.1 (The break up)
Hindi nya akalain na magiging ganoon ang reaksyon ni Glayscent nang sungitan nya ito, hindi rin naman nya kasi sinasadya ang nagawa. Nais nya lamang talagang mapag-isa dahil sa dami na rin ng kanyang iniisip magmula ng gabing iyon. Naalala nya ang mga nangyari sa loob pa lamang ng eroplano pabalik sa Pilipinas. ~~~Tahimik si Haniel habang nagbabasa ng mga dokumentong ipinasa sa kanyang email ng kanyang secretary, isa-isa nya itong inaaral upang maka-catch up sa mga kaganapan once na makabalik na sila sa Pilipinas. Nang biglang may stewardess na lumapit sa kanya at may iniabot na maliit na piraso ng papel. Magtatanong pa sana sya kung sino ang nagpapabigay ngunit agad itong umalis ng walang pasabi. Binuklat nya ang papel at binasa ang nakasulat. “Meet me at the restroom, now. –R.R”Namulagat ang mga mata nya nang mapagtanto kung sino ang taong nagbigay ng papel sa stewardess. Dahan-dahan s
Baca selengkapnya
KABANATA 19.2(Huling gabi sa mansyon)
Parang nabingi si Ryker sa bumungad na salitang galing kay Haniel. “Wh-what did you say?” “I said, we need to take a break. Someone’s spreading rumors about us and this might lead to a more serious problem. We have to be extra careful,” he responded in a serious tone. “Then we can be more careful next time, we don’t have to avoid seeing each other.” Parang may bumabara sa kanyang lalamunan na nagiging dahilan ng paghina ng kanyang boses. “No,” he said frimly. “We have to do this, if not, baka madamay pa sina Glayscent at ang anak nya. Wala silang kinalaman sa nangyayari sa atin at alam mo naman na hindi nya alam ang tungkol sa atin,” he added.“Glayscent! Glayscent! Puro na lang si Glayscent ang bukambibig mo kapag nag-uusap o kahit na magkasama tayo. Simula nang pinapasok mo ang babae na iyan sa buhay mo ay nagulo na ang tahimik nating
Baca selengkapnya
KABANATA 20.1(New house)
  Sabado ng umaga at araw ng kanilang paglilinis ng buong bahay. Tatlong araw na rin ang nakararaan nang makalipat sila sa bago nilang bahay. Napagkasunduan nilang maghati ng mga lilinisang parte ng bahay upang hindi sila magkasilipan ng gawain.   Si Haniel ang bahala sa bakuran at mga kwarto, samantalang si Glayscent ang naka toka sa kusina, banyo, at sa sala nila. Si Nigel naman ay pinakuha muna nila kay Shierra upang hindi makalanghap ng mga alikabok habang naglilinis sila.   “Haniel! Paano gamitin itong vacuum? Hindi ko alam,” sigaw nya mula sa ibaba dahil nasa second floor si Haniel at nasa isang kwarto.   “Paano ba gamitin ang isang toh, napakarami naman kasing pindutan. Hindi ko alam kung ano rito ang on,” bulong nya sa kanyang sarili.   “Ay bahala na nga!” tska nya pinindot ang unang buton na nahagip ng kanyang daliri.   Walang anu-ano’y bigl
Baca selengkapnya
KABANATA 20.2(A small lie can turn into a big one)
  Hinanap ni Glayscent si Haniel sa una at pangalawang kwarto ng bahay ngunit wala ito roon, kaya naman dumeretso na sya sa huling kwarto at napansin n’yang nakaawang ang pinto nito.   Maingat n’yang binuksan ang pinto at napansin nya na wala roon si Haniel, ito ang pinakamalaking kwarto sa buong bahay kaya naman naglakad pa sya papasok upang tignan kung nasa walk-in closet ito at tama nga ang kanyang hinuha. Nakatalikod ito sa kanya at mukhang may tinatawagan.   “Pick up the damn phone, Ryker!” may halong panggigigil sa boses nito habang sinusubukan muling tumawag.   ‘Sino si Ryker? Parang hindi ko sya natandaang ipinakilala sa akin ni Haniel, hindi sa engagement party at lalong wala rin sa araw ng kasal namin. Kaibigan kaya nya na hindi naka-attend dahil nasa ibang bansa?’   Napuno ng katanungan ang kanyang isipan ngunit imbes na mamroblema pa sa kakaisip ay itinanong
Baca selengkapnya
KABANATA 21.1(Lucas, the good boy)
“Wow, ulirang misis 2022 goes to Glayscent Clemente-Hermuenez. Clap, clap, and clap. Hahaha!!” pang-aasar sa kanya ni Shierra habang pinapanuod s’yang maghanda ng pananghalian ni Haniel. Balak nya kasi na magtungo sa kumpanya nito upang hatiran ito ng tanghalian, naisipan n’yang magandang ideya ito upang lalong maging makatotohanan ang kanilang pagpapanggap. “Ano ka ba, alam mo namang palabas lang ito para hindi sila mag-isip ng iba.” Isinalansan ni Gayscent ng maayos ang mga baunan at inilagay sa isang magandang lagayan kasama ng isang thermos na may mainit na sabaw ng baka. “Sus, talaga bang nagbabahay-bahayan pa kayo? Baka naman nagkakamabutihan na pero ‘di nyo lang inaamin ha,” pangungulit pa ni Shierra na may kasamang nakakalokong tingin. “Walang ganu’n, ano ka ba. Alam mo naman na wala akong balak pumasok sa isang relasyon sa nga
Baca selengkapnya
KABANATA 21.2(Her past)
Naghihintay si Haniel sa pagbukas ng elevator, katatapos lamang ng kanilang meeting. Nalaman nya mula sa kanyang secretary na nandito si Glayscent ngunit nalimutan nya ang kanyang cellphone sa opisina kaya naman babalikan nya ito upang matawagan si Glayscent.   Habang naghihintay ay ipinaling ni Haniel ang kanyang ulo sa kanan at may napansin s'yang isang pamilyar na bulto ng katawan sa bandang pinto ng kanilang kumpanya. Mabagal s’yang naglakad upang masiguro kung tama ba ang kanyang hinala, habang lumalapit sya ay nagiging mas malinaw ang dalawang tao sa kanyang harap.   Tama nga sya, si Glayscent ito ngunit kasama ang pinsan n’yang si Lucas. “Bakit kasama ni Glayscent ang mokong na iyon?”   Napangisi pa sya nang makita ang paghampas ni Glayscent sa braso nito, “Aba, may paghampas ka pang nalalaman ha, close na talaga kayo, huh?”   Nakita n’yang tumalikod si Glayscent, bigla s’yang nataranta dahil
Baca selengkapnya
KABANATA 21.3(White lie)
Nagising si Glayscent nang maramdamang parang namamanhid ang kanyang kanang kamay. Nang magmulat sya ng mga mata ay nakita nya ang isang anghel na himbing na himbing sa pagkakatulog, ay hindi pala. Si Haniel na nakapikit at…at… “Ano to? Laway ba ito?”  Napansin nya ang isang likido na nasa kanyang pulsuhan kung saan din nakadantay ang ulo ni Haniel. Unti-unting nanlaki ang mga mata nya nang mapagtantong laway nga ito. “Hoooy! Kadiri ka! ‘Yung laway mo natulo sa kamay ko! Waaaaah!” sigaw nya kasabay ng biglaang paghatak ng kamay at pinunas-punas pa ito sa pisngi ni Haniel na nagising naman dahil sa sigaw nya kasabay ng pagkatama ng ulo nya sa kama nang hatakin ni Glayscent ang kamay nito. “Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo!” pupungas-pungas pa sya habang inaaninag si Glayscent. “Hoy, ungas ka talaga! Nakakadiri ka, ang gwapo mo sana per
Baca selengkapnya
KABANATA 21.4(Cooking lesson)
“Bwisit talaga ang ungas na ‘yon! Nakakagigil sya.” Halos mapatay na nya si Haniel sa kanyang isip habang kinukwento kay Shierra ang naging bangayan nilang dalawa. Nagpunta sila ni Nigel sa bahay ni Shierra upang doon nya sabihin lahat ng hinanakit kay Haniel. “Ah, Glay? Glay…” untag nya kay Glayscent ngunit nanatili itong nakatulala.“Glay!” sa pangatlong pagkakataon ay nilakasan na nya ito kaya naman agad na napalingon sa kanya ang kaibigan. “Wala ka naman sigurong balak tanggalan ng ulo iyang teddy bear ng anak mo 'no?” ininguso nya ang hawak na stuff toy ni Glayscent.“Ha?” dahan-dahan s’yang yumuko at nagulat nang makita ang kawawang stuff toy na pilipit na ang ulo habang mahigpit n'yang hawak. Bigla nya rin itong nabitiwan at napatingin sa anak. “Mama, galit ka po ba sa bear ko?” takang tano
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
DMCA.com Protection Status