All Chapters of All For Show : Chapter 11 - Chapter 20
22 Chapters
Kabanata 11
“Hindi sa’yo bagay ‘tong dress. Ito isusuot mo?” tanong ni Marion nang muling pasadahan ng tingin ang puting off-shoulder dress na suot-suot ni Selene. “Seryoso ka? Magpapabakuna ka ba at ‘yan ang isusuot mo?”Tumaas naman ang kilay ni Selene sa komentong iyon ng lalaki. Hindi ba pwedeng sabihin  na lamang niya na maganda at bagay sa kanya ang damit? Andami pang sinabi! “Dahil naka-off shoulder, magpapabakuna agad? Trying hard ka rin magpatawa ‘no?”“Hindi ako nagpapatawa. Pasasaan pa ang pagsusuot ng off shoulder dresses, aber?” tila naghahamong tanong ng aktor. Nang hindi umimik si Selene ay napaismid ito sabay s
Read more
Kabanata 12
“Anong elopement? Anong pumasok sa mga utak n’yo para maisipang papayag kami sa elopement?” pigil ang inis na tanong ni Johnny sa dalawang artista nang makaharap n’ya ang mga ito—dalawang araw matapos ang pahinga ng mga ito matapos ang huling araw ng shooting. Naro’n sila sa opisina ni Chris no’ng mga oras na iyon at wala itong magawa kundi ang pagmasdan lamang ang dalawa. Hindi ito umiimik, ngunit napako ang tingin nito kay Selene. “Dapat nga ang gawin n’yo e todo arte kayo sa publiko para may maniwala!” pinagbalingan nito si Marion na blanko rin ang ekspresyon. “Ikaw naman, Marion, wala ‘to sa usapan. ‘Di ba ang sabi e magpo-propose ka sa pampublikong lugar? So saan galing ‘tong elopement na ‘to—siguro may nangyari sa inyo ‘no?!”
Read more
Kabanata 13
“Dyusko, Selene, ngumiti ka nga riyan. Constipated ka ba?”Hindi na napigilan ni Selene ang mapairap nang marinig ang komentong ‘yon sa ika-anim na pagkakataon. Magmula kasi nang simulan s’yang ayusan para sa kasal niya ay hindi na nito magawa pang ngumit o tumawa man lang. Nakailang puna na rin si Chris habang binibiro pa nito ang aktres na maging masaya na lamang dahil star-studded at puno ng media ang simbahan—maging ang reception area. Dinaig pa umano ng kasal na ito ang mga politiko kapag nagpapatawag ng press conference. Kasal. Ikakasal na s’ya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na dumating na ang araw na kinatat
Read more
Kabanata 14
Simula pa lang ito, pilit n’yang inuulit ang mga katagang iyon sa isip n’ya. Simula pa lang ito.Naramdaman n'ya ang paghagod ng tingin sa kanya ni Marion mula nang makarating sila sa isang pribadong villa sa Batangas 'kung sa'n ang honeymoon nila. Kanina pa ito walang kibo. Ayaw na sana niyang sumama rito, ngunit dahil na rin sa pangungulit ni Chris at ilang miyembro ng media na tila mas excited pa sa kahahantungan ng honeymoon na ‘yon, wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang. “Matutunaw na ‘ko sa katitingin mo.” ani Selene nang matanggal na rin n’ya sa wakas ang 4-inc
Read more
Kabanata 15
Padabog na ibinaba ni Selene sa carpet ang huling box na buhat n’ya. Naglalaman ito ng mga designer bags n’ya na nabili pa n’ya mula sa ibang bansa kapag nag-a-out of the country trip s’ya. Muli n’ya pang sinamaan ng tingin ang sahig bago ito napabuntong-hininga.“Tulungan na kita?” tanong ni Marion at akma na sana nitong kukunin ang box ngunit biglang nagsalita ang naggagalaiting si Selene.“May kamay ako, Marion. I can carry the box.” singhal ng aktres at tinaasan ng kilay ang lalaki. “At pwede ba, ‘wag mong haharangan ang dadaanan ‘ko. ‘Di lang ikaw ang nagmamadali.”That made Marion’s blood boil. “What’s your problem? Ako na nga ‘tong nag-ooffer ng tulong sa
Read more
Kabanata 16
“Perfect, Selene! Marion, scoot closer. Hold her waist—’yan ganyan!”  sigaw ng photographer sa likod ng kamera. “Wait, stay in that pose for a while tapos freestyle na tayo, okay?”Lihim na napasinghap si Selene nang maramdaman niya ang paghawak ni Marion sa bewang n’ya upang sundin ang utos ng photographer na ‘yon. Bagamat walang salitang namutawi sa mga labi ng aktres, alam n’yang naramdaman ni Marion ang pagkailang niya nang magtama ang mga balat nila—halata iyon sa pilit na ngiting iginawad n’ya.“Selene—Selene! ‘Wag mo akong bigyan ng ngiting pilit, please.” puna ng photographer at muli itong lumingon sa dalawa. “Saka dumiki
Read more
Kabanata 17
Napakunot ang noo ni Selene habang tinitingnan ang bouquet ng white and yellow roses sa mesa. Katabi nito ang isang puting envelope.Nagdedebate ang isip niya kung sisilipin nito ang laman ng envelope, o kung hahayaan na lamang n’ya ang bulaklak na ‘yon dahil paniguradong si Marion ang bumili no’n—at hindi naman kasi n’ya hilig ang makialam sa gamit at pag-aari ng iba. Bahala na, usal ni Selene sa sarili at tutungo na sana s’ya ng kusina upang kumuha ng tubig nang biglang tumunog ang cellphone n’ya, isang sensyales na may nagpadala sa kanya ng text. Si Marion. Got you something as a peace offering. ‘Di ko naman
Read more
Kabanata 18
"In fairness, you're glowing, Selene! Hey, that's Marion's doing, huh? Congrats ulit sa inyo!"Tipid ang ngiti ni Selene sa pagbating iyon ni Dana, host ng morning show sa kaparehong network kung saan nagtatrabaho ang mag-asawa. Ito ang una sa tatlong television interviews na gagawin nila ni Marion kaya't mainit pa rin ang usapin tungkol sa kasal ng dalawa. Alas-nuebe iyon, araw ng Martes at kasalukuyang abala na ang ibang staff sa paghahanda ng mga kakailanganin sa live show: mula sa lighting hanggang sa iba't ibang kamera na nakapalibot sa buong set. Hindi na rin magkamayaw ang mga PA at set designer sa pagmamadali upang ayusin ang mga last minute re-touch ng entablado. Tatlumpung minuto na lamang kasi ay eere na ang palabas. As usual, magkasabay na dumating ang dalawa with matching holding ha
Read more
Kabanata 19
Bakas sa mukha ni Marion ang pagkainis. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa manibela habang tahimik nilang binabagtas ang kahabaan ng EDSA upang puntahan ang talent agency ng aktor. Maging si Selene ay ramdam ang bigat ng tensyon sa loob ng sasakyan ng mga oras na ‘yon. Natatakot s’ya sa pwedeng mangyari.Hindi pa niya nakita nang gano’n si Marion mula nang magkakilala sila. Marahil nga ay may pagka-suplado at antipatiko ito, ngunit hindi pa nagalit nang gano’n ang lalaki maging sa kanya kahit halos araw-araw silang nagbabangayan. “Marion,” tila nag-aalinlangang tawag ni Selene. Kanina ay baliktad ang sitwasyon nila: Siya ang galit habang sinusuyo siya ng lalaki ngunit ngayon, s’ya na ang umaamo rito. “hey, can you calm down a bit? Baka kung anong masabi mo kapag nakaharap na natin ang manager mo—&r
Read more
Kabanata 20
“Marion, nasa’n ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Si Johnny, kanina pa rin text nang text sa ‘yo. Ano bang balak mong gawin?” tanong ni Selene sa aktor mula sa telepono habang nakatingin sa nagpapanic na talent manager nito. Ngayong araw ang nakatakda sanang shoot para sa mini commercial ng dalawa para sa isang sikat na beverage company. Nasa Makati ang studio kung saan sila kukunan ng ilang clips para sa print, digital at TV ad. Alas-onse na iyon ng umaga at tanging si Marion na lamang ang hinihintay ng mga tao. Ito rin ang dahilan kaya hindi na mapakali ang manager niyang si Johnny.“Nandito ako sa Rizal. Ano bang—shit! Teka, may schedule ba tayo ngayong araw?” Rinig na rin sa boses ng lalaki ang pagkataranta. Saglit pa ay ti
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status