All Chapters of His Substitute Wife: Chapter 31 - Chapter 40
52 Chapters
Chapter 30
Louise POV Panay ang tawag ko sa aking kapatid ngunit hindi man lang nito sinasagot ang aking tawag. Nag-send lamang ito ng text na ma-la-late sila at mauna na lamang ako sa kanila sa Claro Hotel kung saan mayroon kaming reservation para kumain doon.Nang makapasok ako sa restaurant sa loob ay agad na lumapit sa akin ang isang waiter sa gilid. “Good evening, Ma’am, reservation po for Ms. Kate Colleen Del Monte?” tanong nito sa akin. Agad akong tumango kaya inilahad niya ang kan’yang kamay upang tuluyan akong makapasok sa loob. “This way po, Ma’am.” Sinilip ko ang aking cellphone baka sakaling mag-text ulit ang aking kapatid ngunit nabigo lamang ako. Napasimangot ako dahil doon. Nasaan na kaya ang bruhildang iyon? Ang ayaw ko pa naman ay nahuhuli siya sa usapan. Huwag niyang sabihing i-indyanin niya ako, sabunutan ko talaga siya kapag nagkita kami. Huminto ang waiter sa isang table na puno ng pagkain, sa gitna noon ay may dalawang scented candles at napapalibutan ng petal of rose
Read more
Chapter 31
Louise POV “Louise, let’s start again, will you marry me?” Pagkagulat ang tanging naging reaksyon dahil sa sinabi ni Calyx. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin dahil sobrang naguguluhan ako. Tanging pag-iling lamang ang aking ginawa at mabilis na napaatras. “This is too soon, Calyx. Hindi ako ang mahal mo, ‘di ba? Baliw na baliw ka sa kapatid ko bakit sa akin mo ginagawa iyan?” tanong ko sa kan’ya. Kumunot ang noo ni Calyx at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. He didn’t expect what I said. “I love you, Louise. Paniwalaan mo ako, ako ang higit na nakakaalam kung ano ang nararamdaman ko,” seryosong sagot nito habang nakaluhod pa rin sa harap ko. Agad kong hinawakan ang kan’yang kamay at hinila siya. “Please stand up, Calyx. Ayaw ko n-ng ganito,” nahihiyang wika ko sa kan’ya at napailing. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso dahil sa sobrang kaba. Hindi ko inaasahan na ito ang gagawin niya. Dapat ay maging masaya ako dahil ako ang pinili pero bakit sobrang
Read more
Chapter 32
Malaki ang aking ginawang hakbang papunta sa kwarto kung saan naka-admit si Calyx. Mangiyak-ngiyak ako habang binibagtas ang daan papunta sa hospital. Nasa likuran ko si Kate kasama ang kan’yang nobyo na si Oliver, kahit sila ay nag-aalala rin para sa lalaki. Naging mahirap para sa amin ang makapasok sa loob dahil sobrang dami ng mga tao sa labas or should I say mga media na nag-aabang sa kalagayan ni Calyx ngayon. Nang nasa harapan na ako ng kwarto ay huminga muna ako ng malalim, halos hindi magkamayaw sa pagtibok ang aking puso dahil sa pag-aalala. Marami ang naglalaro sa aking isipan kung ano ang nasa likod ng kwarto, kumusta siya? Okay lang ba siya? Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan at bumungad sa akin ang amoy ng gamot na nagmumula sa loob. Impit akong napaiyak nang makita ko si Calyx na ngayon ay nakahiga sa kan’yang kama. May benda ang kan’yang ulo habang mahimbing na natutulog. Kita ang braso nito na may benda pati na ang mukha nitong puno ng mga pasa. “Oh Lo
Read more
Chapter 33 [SPG]
Louise POV “I don’t want to drink a medicine, purgang-purga na ako sa kakainom niyan simula noong naaksidente ako. I’m okay now, Love so don’t worry,” nakasimangot na wika ni Calyx sa akin at napabuntong hininga. Kanina ko pa kasi siya pinipilit na uminom ng gamot para madaling gumaling ang sugat niya. Mabuti na lamang at kunti lamang ang tama niya dahil sa gilid lamang ng kotse ang napuruhan. “You have to drink this medicine, Love para makauwi na tayo sa mansion,” pagpupumilit ko pa. Parang bata itong umiling-iling sa akin at ngumuso. “I don’t want to, but… If you’ll let me kiss you iinumin ko ‘yang gamot na ibibigay mo,” nakangisi nitong saad sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Ayaw kong m********n kami rito dahil alam kung mapupunta lamang iyon sa make love. Madali pa naman ako nitong maakit at kaagad akong bumibigay. Kinagat ko ang aking labi at nagsimulang mag-isip, dahan-dahan akong tumango at seryosong tiningnan siya, “Kiss lang ah!” Naningkit ang mga mata ni Calyx a
Read more
Chapter 34
Chapter 34 Samantala ang mag-asawang Del Monte ay labis nagagalit dahil sa nabalitaan nila. Matagal na pala silang niloloko ng kanilang kambal at ngayon lamang nila nalaman iyon, kung hindi pa sila nagpa-imbestiga sa kanilang private investigator ay baka hanggang ngayon ay ginagawa pa rin silang tanga ng mga anak nila. Malaki ang mga hakbang ng mag-asawa para puntahan ang mansion ng manugang nilang si Calyx Villareal. Nabalitaan nilang masaya at nagmamahalan sina Louise at Calyx kaya malaki ang inis nila. Nang makapunta sila sa mansion ay naabutan nila na kumakain sina Calyx at Louise, masayang-masaya ito kaya napatikhim sila. They acted calm para lang hindi mawala ang poise ng mag-asawang Del Monte. Napalingon ang dalawa kaya nawala ang mga ngiti nito. Biglang naging seryoso ang kanilang mukha habang nakatitig sa mag-asawang Del Monte. “What are you doing here, Mom and Dad?” tanong ni Louise habang seryoso silang tiningnan. Hinawakan siya ni Calyx sa bewang para siguro alalay
Read more
Chapter 35
Louise POV Kasalukuyan kaming nasa mall ng ate ngayon. I told everything that happened last time at galit na galit ang naging reaksyon nito. “Bakit hindi nila tayo tigilan? We have our own life, hindi na tayo mga bata para kontrolin nila! Hindi na talaga sila magbabago pa!” malungkot na saad ng Ate matapos kong ikwento sa kan’ya ang nangyari. Pareho kaming nasasaktang dalawa, hindi ko alam kung bakit may mga gano’ng magulang na handang ipagpalit ang anak sa pera. Nakakasakit ng puso sobra. Hinawakan ko ang kamay ni Kate at pinisil iyon, ngayon ko lang nakita ang frustrations niya. Kita ko ang galit na ekspresyon nito at napapakuyom pa ng kamao. “Hayaan mo na sila, kambal. Alam mo bang first time kong naging matapang sa harap nila. Sabi ko sa kanila ipapa-pulis ko sila kapag hindi sila umalis sa bahay namin ni Calyx,” nakangiti at proud kong sagot sa aking kapatid kaya nawala ang pagkainis sa kan’yang ekspresyon at napalitan ng pagkagulat. “Talaga? Nagawa mo iyon? Ano ang re
Read more
Chapter 36
Calyx POV Mabilis akong lumipad pabalik ng Manila dahil sa aking nabalitaan mula sa aming driver. Nawawala sina Louise at Kate, ilang beses ko ring tinawagan ang aking kasintahan ngunit nakapatay ang cellphone nito. Kung puwede lang liparin ang Bicol to Manila ay ginawa ko na para hanapin ang aking kasintahan. Ilang oras din kasi ang byahe kaya sobrang hindi ako mapakali. Kasama ko si Oliver dahil may business trip kami ngunit nang malaman namin na may masamang nangyari sa kambal ay agad naming iniwan ang meeting kasama ang investor. Mas importante ang kalagayan ng kambal kaysa sa negosyo. Iyan ang palaging sinasabi sa akin ni Dad. Family and loved ones first before anything else. Kahit hindi niya sabihin ay gano’n pa rin ang aking gagawin. “Fuck! I can’t call her!” inis na wika ni Oliver habang naglalakad pabalik-balik sa aking office. I calmed myself kahit na nag-aalala na ako deep inside. I dialed my cousin, Thamus, he’s an agent as well as a hacker. Magaling siya sa laranga
Read more
Chapter 37
Calyx POV “Well, well kompleto pala kayo rito. Mas mabuti, para hindi na kami magsayang ng laway pa. It’s good to see you, Balae.” “Nasaan ang asawa ko? Ilabas niyo ang asawa ko!” galit na saad ni Oliver. Kumuyom ang aking kamao at lumapit sa mag-asawa. “Ilabas niyo ang kambal kung ayaw niyong ipadampot ko kayo sa Pulis! Nasaan si Louise?” tanong ko ngunit humalakhak lang ang dalawa. “Oh? Nawawala ang kambal? Baka iniwan na nila kayo at gaano kayo kasigurado na nasa amin ang kambal? Hm?” Iginala ni Mrs. Del Monte ang kan’yang mga mata sa aking opisina. Para itong nagningning hanggang sa napalitan ito ng pagkaseryoso. “Kahit kailan ay napapahanga mo kami, Calyx. Sobrang laki na ng naitulong mo sa kompaniyang ito,” dagdag pa ni Mrs. Del Monte. “Puwede ba? Cut the act, Carmelita, hindi kami nakikipagbiruan sa inyo, nasaan ang kambal at ano ang pinunta niyo ritong mag-asawa?” seryosong tanong ni Dad kay Mrs. Del Monte. “Isa lang naman ang pinunta namin dito, Balae, ang humingi ng p
Read more
Chapter 38
Calyx POV “The DNA was out.” Napalingon ako sa aking mga magulang. Bigla akong kinabahan, pinilit naming madaliin ang DNA Test to prove if Mr. and Mrs. Del Monte was telling the truth. Kahit ako ay hindi rin mapakali sa sinabi nila. Kanina pa rin ako naghihintay ng update ni Thamus ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin itong paramdam. Nasasayang ang oras naming lahat, kahit na kating-kati na akong puntahan ang bahay ng mga Del Monte ay hindi ko ginawa. Hindi ako iyong taong padalos-dalos kung nasugod, I want to plan everything para isahan na lang baka kasi kapag nagpadalos-dalos ako ay baka mapahamak pa ang kambal. Huwag magpadalos-dalos baka ikapahamak mo pa ang desisyon kapag hindi mo pinagpla-planuhan o pinag-isipan. “Might as well ikaw na ang magbukas nito, nanginginig pa rin ako at hindi makapaniwala sa mga nangyayari, Anak. Hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin ko kapag nalaman kong hindi ka namin tunay na anak. Alam mong mahal ka namin, Calyx, pinalaki at minahal ka nam
Read more
Chapter 39
Louise POV Ilang oras na kaming nasa loob ng silid, hindi namin alam kung saan kami ikinulong ng mag-asawang Del Monte, sobrang nakakatakot ang silid dahil wala itong ka-binta-bintana. Tanging pintuan at isang mesa lang ang naroon. “Ate Kate, okay ka lang ba?” tanong ko sa aking kapatid, kita ko ang pagngiwi nito dahil sa sobrang sakit ng tadyak ng lalaki kanina sa kan’ya. “Okay lang ako, kambal. Wala ito sa nararamdaman ng puso ko ngayon. I am mad dahil niloko tayo ng mga magulang natin. Ninakaw nila ang panahong dapat kasama natin ang tunay nating mga magulang. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa atin ito, deserve ba natin ito? Masasabi kong mas deserve ko ito dahil sa nagawa kong kasalanan sa’yo pero sobra naman ata, wala naman tayong ginawang mali at masama sa kanila para gawin nila sa atin ito,” naiiyak na sabi ng Ate sa akin. Ilang pulgada lang ang aming pagitan sa isa’t-isa. Gusto ko siyang yakapin ngunit paano? Pareho kaming nakataling dalawa.“Ate, hindi ko rin alam kun
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status