“Kuya Ashulet!” tawag ko sa kanya nang makita ko siyang papalapit sa akin. I was in the garden and having my tea time again with the seven knights around me while my personal maid was currently serving me a cake. Tumayo ako sa upuan at tumakbo palapit sa kanya. Para akong bata na sumalubong sa kanyang kuya. Mabilis akong yumakap sa kanya nang mahigpit. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sa pagkagulat dahil sa ginawa ko. Pero ginantihan naman niya ako ng yakap. “Naging malambing ang kapatid ko, ah!” Natatawang sabi niya matapos kumawala sa yakap ko. “Eh, ilang araw ka rin na hindi umuwi.” nakangusong sabi ko. Tatlong araw na hindi umuwi si Kuya Ashulet dahil may mga inasikaso pa siya after the meeting with the Emperor. “Sigh. Rineah, hindi ko namalayan na lumalaki ka na. Parang kailan lang pasan pa kita sa balikat ko.” sabi ni Kuya Ashulet habang ginugulo ang buhok ko gamit ang kanan niyang kamay. “Kuya Ashulet naman, eh. Huwag mo guluhin ang buhok ko kasi kakagaw
Last Updated : 2022-02-12 Read more