Marrying The Second Male Lead

Marrying The Second Male Lead

last updateTerakhir Diperbarui : 2022-04-15
Oleh:  YazuakieOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 Peringkat. 2 Ulasan-ulasan
6Bab
2.3KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

A famous Actress in South Korea died in a car accident and reincarnated into the novel "The Crowned Prince Love", that she's going to act as the female lead. However, instead of being the female lead, she is in the body of the female lead's younger sister who is going to die in the first chapter of the novel. Rineah Arise Norweinz was assassinated before she arrived in the palace after receiving the edict to be the Crowned Princess. Luckily, she arrived in the novel two years before the story began. She wants to live and not to die early like in the story. And the only thing she could do to avoid her death was to marry the second male lead, Duke Lewis Irvine Earlford. Rineah tries to change the fate of every character in the novel like she saved her elder brother who will die a year later in the battlefield. Would she change her fate too like what she did to her elder brother? Or she will die in the hand of the second male lead who is cold like ice? And known as a person who could kill without blinking an eye.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 01 :

“Ugh!”

Napahawak ako sa ulo ko gamit ang kanang kamay ko. Unti-unting iminulat ko ang aking dalawang mata at bumungad sa akin ang kulay gintong kisame na may kakaibang disenyo na ngayon ko lang nakita. Maganda ang disenyong nasa kisame na para bang pinaglaanan ito ng maraming pera dahil parang totoong ginto ang naroon. Parang isang bulaklak ang disenyo na hindi mo maintindihan dahil may kung ano pang hugis ang nasa paligid nito.

Napabalikwas ako ng bangon na mabilis ko rin na pinagsisihan. Dahil sa gumuhit na sakit sa ulo ko na para bang tinutusok ito.

“Geez! Ang sakit ng ulo ko!” reklamo ko habang sapo ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay. Bahagyang nanlalabo ang paningin ko na epekto siguro ng pananakit ng ulo ko.

Parang nayanig ang buong mundo ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang ulo ko na parang turumpo. Hilong-hilo ako ngayon habang pumipintig ang sentido ko.

Nakarinig ako na may bumagsak na bagay kaya napatingin ako sa kung saan habang iniinda ko ang pagkahilo na nararamdaman ko. May tao akong nakikita pero hindi ko malinaw na nakikita ang mukha niya dahil malabo ito sa aking paningin, at sa paanan niya ay parang isang kulay gintong basin. Natitiyak ko na iyon ang narinig ko na bumagsak ngayon lang.

“My Lady!”

Humahangos akong nilapitan ng isang babae na mabilis akong niyakap ng mahigpit habang siya ay umiiyak.

“Akala ko ay hindi ka na magigising pa.” sabi ng babae habang nakayakap sa akin.

Si-sino siya? Bakit niya ako tinatawag na ‘My Lady’? Who's the my Lady she's calling?

Naguguluhan ako. Hindi ko kilala ang babaeng yumayakap sa akin at lalong hindi ko alam kung sinong ‘My Lady’ ang tinutukoy niya.

Biglang sumakit muli ang ulo ko. Parang may kung anong force na humampas dito.

Bigla kong naalala ang mga nangyari sa akin kanina.

“Lee Yerina!” sigaw ng mga supporters ko habang palabas ako ng building ng agency ko.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila. “Thank you for all the love and support!” I said while smiling habang hinahawi ng mga bodyguards ko ang daan papunta sa van ko sa hindi kalayuan.

“We love you, Lee Yerina!” sigaw at tili ng mga supporters ko.

Walang humpay akong tumango, kumaway at ngumiti bilang pasasalamat sa matiyaga nilang paghihintay sa akin sa labas ng agency ko. Kakatapos lang ng press conference ko for my upcoming project. Ito na siguro ang pinaka malaking project na gagawin ko. I will be the female lead, and my leading man is the most famous leading man as of today, Park Haensil. Puro mga bigating korean drama ang pinagbidahan na ni Haensil. At lahat ng iyon ay mataas ang natanggap na ratings. Pinag-usapan hindi lang sa South Korea kundi sa buong Asia.

It's my luck to be his new leading lady sa dami ng mga actress ngayon ay mahirap ng mapili na mabigyan ka ng ganitong opportunity. Dagdag points ito sa kasikatan ko as one of the famous actresses in South Korea. Kung ira-ranking ang kasikatan ko ay pang-anim ako sa rank of famous actresses. Pero okay na iyon sa akin as a new rising actress na tatlong taon palang sa industriyang ito.

Nagpapasalamat ako lalo sa mga supporters ko na siyang naging dahilan kung bakit ako sikat ngayon. Kung hindi dahil sa kanila ay wala ako sa kung saan man ako ngayon.

Nag-flying kiss muna ako at kumaway bago sinarado ang pinto ng van ko.

“Ha! Grabe, napagod ako!” sabi ko habang humihinga ako ng malalim. Medyo napagod ako sa paglalakad lalo na't three inches ang suot kong high heels ngayon.

Bumukas ang pinto ng van at pumasok ang Manager ko. Pansin kong may ngiti at saya sa kan’yang mukha. Parang may good news na nangyari sa kanya ngayon.

“Water?” Alok niya matapos iharap ang isang bote ng mineral water.

“Thanks.” tipid kong sagot matapos ko itong tanggapin.

Nakaramdam ako ng pagod dahil sa naging discussion namin about the project. Nagpalitan pa kami ng mga dialogue ng casts na nasa script namin. Kaya medyo masakit na rin ang lalamunan ko sa kakabasa ng scripts nang tuloy-tuloy. Feeling ko ay hindi na kami matatapos hanggang hindi pa kami napupunta sa script ng last episode. Luckily ay huminto agad kami sa kalagitnaan na ng story kung saan ay may conflict and plot twist na mangyayari.

“Kailangan mong pag-aralan ang mga linya mo sa drama na ito. You need to deliver it right and clear. Kailangan mo rin pag-aralan ang mga emosyon na kailangan mo sa bawat eksena mo. You have a big role in this drama as the female lead. Tapos 'yung tatlong love interest mo rito ay hindi lang basta actor lang. They are the most paid actors! Give your best for this project, Yerina.” may nangungusap na mata na sabi ng Manager ko na bakas ang saya habang iniaabot sa akin ang scripts ko.

“Sure, hindi kita bibiguin lalo na't ito ang biggest project ko sa buong career ko.” sabi ko na ngiting-ngiti.

Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan kaya inabala ko na ang sarili ko sa pagtingin ng scripts.

Sa gitna ng masusi kong pag-aaral ay biglang huminto ang sasakyan at umikot-ikot na naging resulta ng pagtama ng ulo ko sa bintana. Nakita ko ang dugo ko sa bintanang iyon na ngayon ay basag na. May isang malakas na liwanag na tila nanggagaling sa ilaw ng isang sasakyan.

The next thing I knew was my body smashed inside the van together with my Manager who was screaming for help. As I feel my body going numb as my eyes slowly close looking at the light outside the van.

I helplessly said the word. “I want to live.”

Suminghap ako na naging dahilan ng pagbalik ko sa kasalukuyang nangyayari ngayon. The girl who called me ‘My Lady’ still hugged me while crying.

“Sino ka?” I asked out of nowhere.

The girl stopped crying and slowly looked at me with disbelief.

"Hindi mo ba ako kilala? Ako ang personal maid mo, My Lady.” halos mangiyak-ngiyak na sabi ng babae na panay ang punas ng mga luhang bumabagsak sa kan’yang mga mata.

“Personal maid?” Kunot noo na tanong ko sa kanya.

Mag-isa lang ako na nakatira sa unit ko. After maghiwalay ng parents ko ay nagdesisyon na akong maging mag-isa. I never felt their love in the first place. Dahil hindi naman talaga nila mahal ang isa't-isa. Nabuo lang naman ako because of business merging. And now na sikat na sikat na ang bagong business ni Mom, she suddenly make an annulment sa Dad ko. Which is masakit para sa akin dahil twelve years old lang ako nang magdesisyon silang maghiwalay. I badly want to be loved by people around me. But my parents didn't give that to me. That's the reason why I started my career in acting. Atleast, being an actress I feel loved by many people. My supporters' attention, support and love that I never experienced in my own family gives me more inspiration to still live in this life I have.

Kaya imposibleng magkaroon ako ng personal maid. Never in my life na nag-hire ako kasi alam ko naman gawin ang pagluluto at paglilinis ng bahay. I can live with myself, so I don't really have a personal maid. So, who is this girl?

“Anong nangyari?” tanong ng isang tao na may baritono na boses. “Rineah!” Bigla siyang lumapit sa akin kaya umalis sa harapan ko ang babaeng patuloy pa rin sa pag-iyak.

“Sino ka?” naguguluhan na tanong ko sa kan’ya na ikinagulat niya. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya hindi ko malinaw na makita ang kan’yang mukha. Pero nakikita ko kahit paano ang kanyang kilay at mata.

Lumingon ang lalaki sa babae na may naguguluhan na expression ng mukha.

Humihikbi ito. “Kanina pa po siya gan’yan, kahit ako ay hindi niya killala, Young Master.” malungkot na sabi ng babae.

Mabilis na lumingon ang lalaki sa akin. Napasinghap ako ng unti-unting naging malinaw ang mukha niya. Asul ang kulay ng kan’yang buhok na may kaunting bangs. He has blue violet eyes. His lips is slightly red, kissable lips indeed. Naka-uniform siya na parang knight at medyo pawisan pero mabango ang kan’yang amoy. Hindi siya amoy pawis kagaya ng itsura niya ngayon.

“Rineah, hindi mo na ako nakikilala? Ako ito, ang Kuya Ashulet mo!” may kalakasan na sabi niya sa akin at bakas sa boses ang pag-aalala.

Nanlaki bigla ang mga mata ko. Hindi dahil sa boses niya kundi sa tinawag niya sa akin.

“Anong tawag mo sa akin?” tanong ko sabay turo sa sarili ko gamit ang kanang hintuturo ko. “Ri-Rineah?” nanginig ako matapos banggitin ang pangalan na iyon na minsan ko ng narinig.

If I remember, Rineah is one of the characters that I am going to act in. And, the first character who will die in the first episode.

“Rineah Arise Norweinz,” malambing na bigkas ng lalaki while holding my left cheek with his right hand.

Lumingon ako sa paligid pero wala akong makitang cameraman or staff kahit ang director namin ay wala rin. Napabaling ako sa isang salamin hindi kalayuan sa kama kaya mabilis akong tumakbo roon. Naramdaman ko ang pag-panic ng dalawang tao sa likuran ko.

Blue long hair. Blue violet eyes. Pink cheek and red lips. A small face but with a beautiful feature like a Goddess. This is the younger sister of the female who was assassinated because of being a threat to the throne. The fact that she could bear a next heir for the Crowned Prince.

Nanlambot ang dalawang tuhod at binti ko dahilan para mapasalampak ako sa malamig na sahig.

“No!” sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili ko.

Hindi ito totoo! Nananaginip lang ako!

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Rechel Ybanez
may balak ka pa bang dugtungan ang estorya mo author.huhu antagal ko na po nag aantay...
2023-02-22 16:10:24
0
user avatar
Rechel Ybanez
ang ganda neto,seryoso pero ang ganda ng kwento and sobrang nagugustuhan ko yung character ni rineah....author pls update na po....
2022-10-30 03:39:21
1
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status