Lahat ng Kabanata ng I'm secretly married to a Playboy: Kabanata 41 - Kabanata 50
167 Kabanata
Chapter 41: Jealous Joseph
Nang makauwi si Carmela at Joseph sa kanilang bahay ay mabilis na umakyat si Carmela papunta sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kaba niya kapag tumitingin si Joseph sa kanya"Carmela!" sigaw ni Joseph. Napahinto siya sa paghakbang at tumingin sa kanyang asawa."Bakit ka ba nagmamadali? Manood muna tayo ng movie!" pilit ang ngiti na sabi ni Joseph. Napabuntong-hininga na lamang si Carmela. Ayaw niya na magkaroon ng ilangan sa kanilang dalawa ni Joseph.Para sa kanya naging maayos naman ang pagsasama nila mag-asawa kahit magkaibigan lang ang turingan nilang dalawa."Galit ka ba dahil hinalikan kita? Akala ko okay lang sa'yo?" tanong ni Joseph. Tensyonado si Joseph dahil ayaw niya rin na makahalata si Carmela na may gusto siya rito."H-hindi naman 'yon!" sagot agad ni Carmela. Napakamot pa ito."It's just a kiss! wala naman ibig sabihin 'yon hindi ba?" tanong ni Carmela.
Magbasa pa
Chapter 42: Kiss
Lumipas ang araw na halos masama lang ang tingin ni Joseph sa dalawa. Iniiwasan niya na rin si Carmela na akala niya makakatulong sa kanya ngunit hindi, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya kay Carmela.Nakita ni Joseph ang dalawa na halos maglampungan na sa harapan niya Mukhang hindi rin siya na-miss ni Carmela dahil ang mga mata lang ng dalaga ay na kay Darwin. Malapit na siyang sumabog sa selos! Gusto niya ng maging bayolente pero pinipigilan niya."Si Darwin at Carmela na ba? Halos magkasabay parati silang pumapasok!"Napasulyap si Joseph sa nagsalita. Ilang araw na rin siyang hindi umuuwi sa bahay nila Carmela ngunit mukhang pinapalitan na siya ni Darwin sa asawa niya."Oo nga! Naglalakad yata silang dalawa papasok ng eskwelahan! Ang swerte ni Carmela!" sagot ng isa.Napakunot ang noo ni Joseph, gusto niyang patahimikin ang mga ito ngunit baka magtaka ang mga ito."Nako! Hindi na bago sa amin 'yan haha! Ang alam ko n
Magbasa pa
Chapter 43: Mouthwash
Napakuyom ang kamao ni Joseph sa mga nakita niya. Nagagalit na talaga siya sa nangyayari. Nakarinig siya ng bulungan ng mga estudyante na nasa cafeteria rin. Tumayo agad siya at sinundan ang dalawa ng hindi nila namamalayan. Hindi niya narinig ang usapan ng dalawa ngunit nakita niya ang paghalik ni Darwin sa kanyang asawa. Inis niya sinipa ang trash can na nasa harapan niya. Dapat masaya siya dahil nangyari na ang usapan nila ni Carmela ngunit naiinis siya, nagagalit siya sa kanyang sarili kung bakit hindi niya kayang sumugal.Gusto na niyang bangasan si Darwin at kunin si Carmela upang iuwi sa bahay nila. Napaupo siya, at gigil na sinabunutan ang sarili niya. Mahal niya na talaga si Carmela kaya nasasaktan siya ng todo ng makita ang dalawa. Tumalikod siya upang makaalis sa eskwelahan. Hindi niya kayang malayo kay Carmela, hindi niya kaya na mawala si Carmela sa kanya. Makasarili ba siya kung ipipilit niya ang sarili niya kay Carmela? Nagpapa-miss siya sa babae ngunit unti-unti ng
Magbasa pa
Chapter 44: Sorry
Mabilis ang pagmaneho ni Joseph pauwi sa bahay nila. Napakapit naman si Carmela dahil sa kaba."Alam mong hindi pa tapos ang klase ko! Tapos heto ka dinala ako sa bahay!" inis na sabi ni Carmela. Umismid lamang si Joseph habang nakatingin sa daan. Para sa kanya, ang ininarte talaga ni Carmela ay hindi nito makikita si Darwin. Ganoon siya ka-advance mag-isip."Kung magpapakamatay ka huwag mo akong idamay!" galit na sigaw ni Carmela. Huminto na ang kotse sa tapat ng bahay nila. Bumaba agad si Carmela at nagmadaling pumasok sa kanilang bahay.Ayaw niyang makausap si Joseph dahil sa iniasta nito. Para kay Carmela, siya dapat ang nagagalit dahil taksil ang asawa niya! Oo taksil na para sa kanya si Joseph!Arrange marriage man ang mayroon sila hindi sapat iyon para mangbabae ito."Carmela! Ano ba!" pasigaw na tawag ni Joseph sa kanya. Hindi lumingon si Carmela sa kanya kaya hinabol ni Joseph siya at hinawakan."Ganyan ka ba k
Magbasa pa
Chapter 45: Sleeping together
Nang matapos silang manood ng movie ay hindi namalayan ni Carmela na nakatulog siya. Tuwang-tuwa naman si Joseph dahil hanggang ngayon ay kinikilig siya.Hindi naman masama kiligin ang isang lalaki! Hinaplos niya ang mukha ni Carmela habang nakangiti. Kulang na lang ay ang umamin silang dalawa sa nararamdaman nila para sa isat isa.Binuhat niya si Carmela upang makatulog na rin siya ngunit ayaw niyang mahiwalay agad sa asawa. Napatingin siya sa pinto ng kanyang kwarto at napaisip."Hindi naman siya magagalit kung sa kwarto ko siya matulog?" tanong ni Joseph sa kanyang sarili. Mas gusto niya na magkatabi sila ni Carmela matulog at ang kanyang asawa ang unang makikita niya sa umaga.Nagdesisyon siya na dalhin si Carmela sa kanyang kwarto upang matabihan ito. Sabagay, ang kwarto niya ang master bedroom. Mag-asawa naman sila ni Carmela kaya okay lang na magtabi sila sa iisang kama at kahit ano pa ang gawin nila.
Magbasa pa
Chapter 46: Necklace
Nagmamadaling mag-asikaso si Carmela upang hindi siya mahuli sa klase. Inaayos niya ang kanyang kasuotan ng mapansin niya ang isang pulang box. Nilapitan niya 'yon at bigla niyang naalala kung bakit niya binili ito. Kinuha niya ang isang pulang box sa kanyang kabinet at kinuha ang necklace na parehas ng kay Joseph.Tatlong kwintas ang binili niya dahil tinuturing niya na kaibigan si Joseph at Darwin. Binigay na niya kay Joseph ang isa, ng nagkaroon sila ng date ng unang buwan ng kasal nila.Isinuot niya ang kwintas na para sa kanya. Napangiti siya dahil natutuwa siya na parehas silang tatlo ng kwintas.Narinig niya ang pagsigaw ni Joseph na tila nagmamadali na ito.Hindi naman mapakali si Joseph sa sobrang tagal ni Carmela sa taas. Parati na lang siya pinaghihintay ng asawa niya!"Carmela!" sigaw niya. Iritable na siya lalo. Narinig niya ang yabag ni Carmela saka tumingin siya. Gusto niyang mapasinghap d
Magbasa pa
Chapter 47: Martin's plan
Hindi alam ni Joseph kung ano nga ba ang gagawin niya ngayon. Galit na galit siya! Pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng kanyang asawa!Masaya siya na binigyan siya ni Carmela ng kwintas na 'yon ng unang buwan nila ng sila'y ikasal ngunit biglang nagbago.Iniingatan niya ang kwintas nq 'yon dahil sabi ng nga ni Carmela ay nahirapan pa itong pag-iponan iyon. Masaya na siya kanina! Kinilig pa siya ng makita na suot ni Carmela ang kapareha ng kwintas niya!"Hubarin mo 'yan!" utos niya kay Darwin. Napailing na lamang si Darwin at hinawakan ang kwintas na ibinigay ni Carmela."Ayaw ko nga! Regalo raw sa akin ito ni Carmela dati pa, ngayon niya lang binigay!" nakangising sagot ni Darwin na mas lalong ikinainis ni Joseph."Isa! naiinis na ako!" pasigaw na sabi ni Joseph. Alam naman niya na pinagseselos siya ng kaibigan niya dahil kung may balak talaga itong kunin si Carmela ay umamin na ito no'ng una pa lang."Joseph, huw
Magbasa pa
Chapter 48: Girlfriend
Nagtataka si Carmela kung bakit nakabusangot si Joseph sa harapan niya. Masama ang tingin nito kay Darwin na akala mo mananapak.Si Darwin naman ay napapangisi sa inaasta ng kanyang kaibigan. Alam naman niya na inis si Joseph sa kanya lalo na't nakisabay siya sa pagkain ng dalawa.Napanguso siya ng sabay nilang nabuksan ni Carmela ang favorite nilang cupcake. Napakunot naman si Joseph sa inis na naman."Wow! Ibang klase talaga ang true love kahit sa cupcake parehas pa." asar na sabi ni Joseph. Inagaw niya ang cupcake na hawak ni Carmela at biglang nilamon ng isang buo.Natatawa naman si Darwin sa kanya.Halos maubo si Joseph sa ginawa niya! Hindi niya alam na medyo kumakapit pala ang cupcake na 'yon sa ngala-ngala. Nakasimangot naman si Carmela na nakatingin sa kanya."Palitan mo 'yong cupcake ko!" galit na sabi ni Carmela. Naiinis siya sa inaasta ni Joseph! Napaka-isip bata."Ayaw ko nga! Bakit ba pa
Magbasa pa
Chapter 49: Car
Hindi alam ni Joseph kung anong mararamdaman halos hindi kasi umiimik si Carmela sa kanya. Bago pa sila makauwi ay nginitian pa siya ng pilit ni Darwin. "Kaya mo 'yan bro!" anya ni Darwin at mabilis na umalis na akala mo ay si Flash!Napasulyap si Joseph sa kanyang asawa. Nakatingin lang ito sa kawalan na akala mo may iniisip. Alam ni Joseph na galit ito sa kanya!Hindi pa nga sila umaamin sa isat isa mukhang may LQ na agad sila. Kinakabahan si Joseph, daig niya pa ang lalaking under de saya! "Babe." tawag niya kay Carmela. Tumingin naman si Carmela gamit ang kanyang matalim na mata. Napalunok si Joseph, naiimagine niya kasi na may lumalabas na powers sa mata ni Carmela. Daig pa nito ang nag-rasenggan."Babe, let me explain please." maamong sabi niya kanyang asawa.Hindi naman alam ni Carmela ang magiging reaksyon niya. Hindi naman umaamin si Joseph na mahal siya nito kaya ano ba ang nararamdaman niya.
Magbasa pa
Chapter 50: Enrique
Nakangiti si Carmela habang nakatingin sa kotse na ibinigay ng kanyang byenan. Nakita niya si Joseph na napanganga sa kanya. "How? Paano mo napapayag si daddy na bilhan ako ng kotse?" Joseph asked her.Hindi makapaniwala si Joseph dahil halos sundin niya ang kanyang daddy para mabigay lang ang kotse na gusto niya. His father brought an expensive car dahil sinabi lang ni Carmela!Seryosong tao ang daddy niya at halos lahat ng tao takot. Kahit si Darwin na kaibigan niya ay nai-intimidate sa kanyang daddy."I don't know. Sinabi ko lang na bilhan ka ng kotse and voila. Nandito na!" walang bakas na pagmamalaki ni Carmela. Napailing si Joseph.Nakita niya si Hansel na papalapit sa kanila at yumuko pa ito kay Carmela."Ma'am Carmela, natuwa sa'yo lalo si Mr. Villanueva kaya binili niya ang gustong kotse ni Joseph para sa'yo." nakangiting sabi ni Hansel. Alam naman kasi ni Hansel ang nangyari at hanga siya sa ginawa ng da
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
17
DMCA.com Protection Status