TYLER’S SENSES surged with intensity. It was as though his eyes were forced wide open, every strand of fur on his body is bristling to attention. His heart thundered within his chest, driven by an overwhelming rush of excitement. ‘Makikita ng pantot na ‘to ang hinahanap niya...’ Tila siya mauulol sa isiping nasa malapit lamang ang lalaking nanakit kay Hayley. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa pinagmumulan ng masangsang na amoy na iyon. Nakababa ang kaniyang ulo at nakatutok sa unahan ang mga mata, may naririnig siyang mga pagkilos. Lalong lumalakas ang amoy at ilang sandali pa ay nakita na niya ang lalaki. Nakabalot ito sa sleeping bag at prenteng nakahiga sa luma, sira at nanggigipalpal na mattress sa gilid ng isang equally luma at sirang pick-up truck. Ano yun? Mga gamit ba iyon ng Ezekiah na ito? Sa gubat na nasasakupan ng kanilang kawan? Aba, trespassing ang tinamaan ng magaling. Umatras siya at nag-ipon ng pwersa sa kaniyang baga bago buong lakas na tumahol. Siniguro
Last Updated : 2025-08-29 Read more