All Chapters of THE BLIND BILLIONAIRE: Chapter 61 - Chapter 70
149 Chapters
Chapter 60
"What are you trying to say?""What I'm trying to say?" Natatawang tanong nito. "Tanungin mo ang asawa mong si Ffion. Baka sakaling masagot niya kung bakit naging ganito ka.""Huwag na huwag mong madamay ang asawa ko rito. Ngayon-ngayon din ay kaya kitang ipadampot ng pulis, Lorenzo. Binabalaan kita." Nagtagis ang kaniyang bagang. Kung may nakikita lang si Audric, baka naundayan niya na ng suntok ang lalaki."Ipapadampot mo pa kaya ako kung malalaman mo ang buong katutuhanan?""A-anong ibig mong sabihin?""Handa ka na ba? Walang magagalit, ah?"Napakuyom ng kamao si Audric. Bakit hindi niya nagugustuhan ang takbo ng usapan ngayon? May dapat ba siyang malaman laban kay Ffion? Kay kumudlit ng kaba sa sulok ng kaniyang dibdib."Si Ffion... Si Ffion ang nag-utos sa 'kin na bulagin ka. Siya ang nagbigay ng chemical na siyang binomba ko sa mata mo sa kotse mo ng araw na iyon. Si Ffion na asawa mo... Na obsessed na obsessed sa 'yo..."Fuck! Ffion?!HINDI MAPAKALI si Ffion sa kinauupuan. Para
Read more
Chapter 61
KAHARAP NI Audric ang sarili sa malaking salamin dingding ng kaniyang opisina kung saan nakikita niya ang kaniyang sariling repleksyon. Bumalik na siya sa pamamahala. Natuloy ang paglipat sa kaniya ng titulong presidente at maraming natuwa sa bagay na iyon pero hindi siya.Hindi ito ang kaniyang gusto pero ito ang linya ng kaniyang angkan kaya dapat niya itong panindigan. Kung ang kapatid niyang si Amazi ang agad niyang pahahawakin nito, mangangapa ang lalaki. Mahihirapan ang kompanya at mapupunta sa iba ang pinahirapan ng kaniyang Ama."Kuya! I'm glad you are finally back."Napangiti siya nang makita si Amazi. Lumapit ito sa kaniya at mahigpit siyang niyakap."Kailangan. Maraming nakaka-miss na mga papeles sa table ko.""Sinabi mo pa. Maraming investors na gusto sanang pumasok pero nung malaman nilang hindi ikaw ang namahala, umatras." Natatawang saad nito. "They want your charm kuya.""Gwapo kasi ako.""Mas gwapo ako!""Oy anong mas gwapo ka, mas gwapo ako ulol!"Sabay silang napali
Read more
Chapter 62
"Hi babe! Nagluto na ako ng dinner para sa 'tin, uuwi ka ba?"Ito ang bumungad kay Audric by nung tawagan siya ni Ivony. Nasa office pa rin siya, nag-review ng mga papeles bago permahan. Gabundok din ang taas ng mga dokumento sa kaniyang mesa."No.""But naglaan ako ng time para magluto kahit hindi ko hilig magluto, babe!"Napabuntong-hinga siya."Hindi lang ako ang may gusto na makasabay ka, pati ang anak mo sa sinapupunan ko."Natigil ang kaniyang kamay sa pagpeperma. Sandali siyang napasandal sa kinauupuan at napahugot ng hangin."Ginagawa mong rason ang anak ko.""Kaya umuwi ka para sabay tayo mag-dinner, okay?""Okay." Saka walang sabi na pinatay ang tawag. Hindi na hinayaan ni Audric na humaba pa ang usapan nila ni Ivony.Mahal niya pa rin ito. Gano'n naman talaga siguro ang puso, hindi agad nakakalimot ng taong minahal. Pero natuto na si Audric. Natuto na ang kaniyang puso na pahalagahan ang sarili.Hindi niya na ibubuhos lahat ng pagmamahal niya sa isang tao. Masasaktan lang
Read more
Chapter 63
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Ivony. Sa wakas, nararamdaman niya na rin na bumabalik na si Audric sa kaniya simula nung umalis at lumayas ang walang-hiyang Ffion na iyon sa kanilang buhay.Nagagalak siya na wala na ang babae at solong-solo niya na ang lalaki. Isa pa, umalis na rin sila ng Villa at bumalik sila sa Maynila na mas labis niyang kinatuwa.Nakakabaliw sa probinsya. Dito sa Maynila, isang swipe lang ng kamay sa iPhone niya, nasa harapan niya na ang kaniyang inorder mula sa mga online shops. Easy lang talaga hindi tulad sa Villa na para siyang bumalik sa sinaunang panahon.Kapagkuwan ay tinawagan niya ang Donya. Masiglang sinagot naman ito ni Donya Vilma sa kabilang linya kaya mas lalo siyang ginanahan magkwento sa matanda."Kumusta ang anak ko, hija? Sumabay ba sa 'yo sa dinner, ha?""Yes Mommy. Late siya nakauwi pero I'm happy na umuwi pa rin siya and not just that, marami siyang naubos na luto ko. My heart is gonna explode. I'm happy!""I told you! Babalik ang gwapo kong an
Read more
Chapter 64
Kinabukasan, agad siyang nagmulat ng mata nang marinig niya ang mahihinang katok ni Manang Minda sa pintuan ng kaniyang silid.Dali-dali niyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon. Ngumiti siya sa matanda at bahagayng yumuko bilang tanda ng kaniyang respito rito."Ineng, pupunta kami ng anak ko sa bayan. May ipapabili ka ba o ipapasabay?"Mabilis siyang umiling. Wala siyang ipapasabay. Ang makitira nga sa poder ni Manang Minda ay sobrang nakakahiya na."Wala ho, Manang. Maraming salamat.""O siya, basta kung may kailangan ka, ha? Sabihan mo si Manong Lito mo at para matawagan niya kami sa cellphone."Tumango siya at ngumiti. Nung makaalis na ito, kaagad niyang sinara ang pintuan at bumalik sa kama. Nagising na ng tuluyan ang kaniyang diwa kaya imposible na makakabalik pa siya sa pagtulog.Kaya ang ginawa niya, nag-unat ng kamay at lumanghap ng hangin mula sa bintana. Nasa San Mateo pa rin siya at hindi ito alam ni Audric.Bago nito malalaman na nandito siya, dapat nakaalis na siya s
Read more
Chapter 65
"Paalam Ffiona."Isang halik kaibigan ang binigay sa kaniya ni Lucas sa noo at mahigpit na yakap bago ito umalis sa kaniyang harapan. Ang sabi nito, dumaan lang ito para personal na bisitahin siya at iabot ang pickles.Natawa na lamang si Ffion kasi sobrang babaw ng rason ng binata. Para itong 'di lawyer kung magsinungaling ito sa kaniya kasi ang totoo, alam niyang gusto nitong buksan ang topic na sumama siya rito sa Maynila.Pero hindi pwede. Kung may lugar man siyang hindi dapat balikan, ito ay ang Maynila. Hindi siya nababagay sa lugar na ito at siguro naman ay maiintindihan ito ng kaniyang Ina.Gusto niya itong dalawin pero saka na lang. Saka na kapag matino na ang utak niya at hindi kasinggulo ng kaniyang puso. Kasi wala e, magulong-magulo ang lahat."Ineng, umuwi na ang kaibigan mong si Lucas? Aba ay sayang, nagluto pa naman ako ng madalian na tinolang manok."Napangiti siya sa tinuran ni Manang Minda. Tunay na kay bait nito talaga at isa itong anghel para sa kaniya."May as
Read more
Chapter 66
Isang linggo ang lumipas.Hinanda niya ang kaniyang mga gamit sa isang bag. Nagpaalam na rin siya sa pamilyang pansamantala niyang tinirhan ngayon at lahat ng mga 'to ay humiling na sana, maibalik na ang kaniyang paningin.Mayamaya ay narinig niya ang busina ng sasakyan. Si Lucas! Nagliwanag ang kaniyang mukha na tinungo ang pintuan. Kahit nangangapa at walang nakikita kundi puro kadiliman, nagawa niya pa rin buksan ang pintuan. Mabilis lang naman magbukas ng pintuan at magsara. Ito yata ang una niyang natutunan simula nung nabulag siya."Magandang araw, ho!"Napangiti siya. Pati bosese ni Lucas, may dalang saya."Ineng, nandiyan na si Lucas." Masayang pagbabalita sa kaniya ni Manang. Kaagad nito siyang nilapitan at inalalayan kahit may white cane naman siya sa kamay."Oo Manang. Narinig ko nga ang boses niya.""Masaya ako Ineng na sasama ka na ngayon kay Lucas. Kailangan mo rin lumanghap ng hangin. Ayukong habang-buhay kang magtatago dito sa dilim."Tumango lang siya at hindi na suma
Read more
Chapter 67
HINDI siya makapag-focus sa nire-review niyang mga documents na binigay sa kaniya ng kliyente. Isa itong murder case at mabilis lang sa kaniya na resolbahin ito pero ang kaniyang isip ay nasa kay Ffiona.Napahugot siya ng malalim na hangin. Pinupuno niya ang kaniyang baga at siguro nga, totoong nababaliw na siya. Nababaliw pa rin siya sa babae.Tumunog ang kaniyang phone, kaagad niya itong kinuha at sinagot ang tawag. "Good day, Dr. Hayes.""I have a good news for you."Nagliwanag sandali ang kaniyang mata. Si Dr. Hayes ay matalik na kaibigan ng pinsan niyang si Farhistt Fortocarerro. Pinsan sila sa side ng kaniyang Ina. Si Farhistt din ang nag-recommend sa kaniya na tawagan niya si Dr. Hudson Hayes at matutulungan siya ng Doctor."What is it? May eye donor na ba?""Yes we have. Ang kailangan na lang ay ang pasyente. Bring her to me so my Doctor can examine her. Hindi ako personal na mag-examine ng mga pasyente as I'm busy taking good care of my pregnant wife, Abhaya.""Noted, D
Read more
Chapter 68
Mabilis niyang niyakap ang tuta at inamoy ang malambot na balahibo nito. Ang bango naman! Parang umabot hanggang langit ang kaniyang saya sa araw na iyon. Sino ba naman kasi ang hindi? Totoong na-apprreciate niya ang binigay ni Lucas."Gusto mo sabihin ko kung anong klaseng tuta 'yan, ha, Ffiona?""No please." Ngumiti siya kay Lucas. "Ako na ang kumilala kong anong puppy ito." Tumahol naman ang tuta sa kaniyang sinabi at hinalikan siya sa pisngi. Ang cute naman!"Okay-okay, hindi ko na sasabihin." Ginulo naman ni Lucas ang kaniyang buhok at agad siyang inakbayan.Hindi niya na binigyan ng meaning iyon. Ganito na talaga si Lucas lalo na nung nabulag siya, parang way na nito iyon para alalayan siya."Tara sa kusina, titimplahan kita ng kape.""Hindi na, Ffiona. Dumaan na ako sa isang coffee shop. Katunayan niyan, ako ang magluluto ng hapunan natin sa gabing ito.""Nakakahiya naman.""Don't be. Bisita kita rito, Ffiona. Tara, sa kusina tayo at tuturuan kita para mamemorya mo ang mga kaga
Read more
Chapter 69
Mapait siyang ngumiti habang pumapatak ang kaniyang luha. Buntis siya. Oo. Buntis siya, alam niya na ito nung nakaraan linggo at ando'n pa siya kina Manang Minda.Isa ito sa rason kung bakit ayaw niyang sumailalim sa ibang operasyon. Dala-dala niya ang anak nila ni Audric na hindi nito malalaman na may anak silang dalawa.Buntis siya at bawal. Ngayon nandito si Lucas, baka maghinala itong buntis nga siya. Sasabihin niya ba?"Ffiona…"Tapos na siya magduwal pero nanghihina pa rin. Pinunasan niya ang kaniyang bibig."Lucas... May sasabihin ako."Narinig niya ang paghugot nito ng hangin. Nararamdaman niyang kinabahan ito sa maari niyang sasabihin pero imbes na mag-alala siya sa magiging reaksyon nito na dala niya ang anak nila ngayon ni Audric, niyakap lang siya nito."You're pregnant, right, Ffiona?" Halos pabulong na lang iyon na anas ni Lucas.Hindi siya kaagad nakasagot. Ang tanging nakakaalam na buntis siya ay si Manang Minda dahil ang matanda ang bumili ng pregnancy test para sa k
Read more
PREV
1
...
56789
...
15
DMCA.com Protection Status