THE BLIND BILLIONAIRE

THE BLIND BILLIONAIRE

last updateHuling Na-update : 2023-08-23
By:  VraielLajjOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
33 Mga Ratings. 33 Rebyu
149Mga Kabanata
79.2Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

“I don't love you. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay at alam mo ito.” - Audric Villanueva “M-maghihintay ako. Maghihintay ako na darating ang araw na matutunan mo akong mahalin. Hindi ako m-mapapagod na hintayin ang araw na iyon, at kung s-sakaling mapagod man ako, magpapahinga lang ako at muli kang mamahalin ulit, Audric.” - Ffion Sacueza ••••• Isa lang naman ang gusto ni Ffion, ang mahalin ang asawa niya araw-araw kahit sobrang imposible na matugunan ito. Oo, mag-asawa sila pero sa papel lang ito dahil ang totoo, hinding-hindi siya kayang mahalin nito. Isa pa, paano siya magagawang mahalin ni Audric? Lalo na't muling bumalik at pumasok sa buhay nito si Ivony, ang babaeng totoong mahal ng lalaki. Ang babaeng dapat sana ay nasa katayuan niya bilang asawa nito. Ang babaeng pinakamamahal nito. Buntis ang babae. Magiging isang masayang pamilya na ang mga ito. Habang siya? Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang lumayo kahit dala-dala niya sa sinapupunan ang isang gabing inangkin siya ni Audric. Kailangan niyang lumayo kahit parang hinihimay-himay ang kaluluwa niya sa sobrang sakit. . .

view more

Kabanata 1

Prologue

“Yes babe, I can’t really wait to see you.” Ang lawak ng ngiti ni Audric nang sabihin niya ang katagang ito sa long-time girlfriend, na ngayon ay fiancee. 

Nalalapit na ang kanilang kasal, isang linggo na lang at magiging kaniya na ang dalaga. Hindi siya makapaghintay na magsasama sila sa iisang bahay at matutulog sa gabi na kasama ito. 

“Same here, babe. Pipirmahan ko lang ‘yong contract ko rito sa Paris at aayusin ang mga schedule ko then uuwi na ako diyan sa araw mismo ng wedding natin.”

Napabuntong-hinga si Audric sa sinabi ni Ivony pero hindi na siya umimik. Ganito niya kamahal ang babae kaya lahat ng gusto nito, nasusunod. Pwede itong hindi magtrabaho dahil kaya niyang ibigay lahat ng mga gusto nito pero wala siyang magagawa. Nagmahal siya ng Model. Mahilig ito sa spotlight at isa sa gusto nito, laman lagi ng internet.

“Babe, I love you so much! Don’t worry, kapag kasal na tayo. Hihinto ako sa modelling ko for 1 year para makasama ka.”

Napangiti naman siya. “Really?”

“Yes!”

Natawa siya sa matinis na boses ng babaeng mahal niya. “Okay-okay, babe. I will call you later, ha? Papunta ako sa office ni Dad ngayon. pinapatawag niya ako. Baka babalaan niya akong huwag ituloy ang pagpapatali ko sa`yo.”

Ang lakas naman ng halakhak nito sa kabilang linya. “Silly! I love you more, Audric.”

“I love you everyday babe.” And he meant it. Totoong mahal niya ito sa bawat araw-araw. Si Ivony ang sentro ng kaniyang buhay kaya hindi niya maiisip ang buhay niya ‘pag wala ito.

Binaba niya na ang kaniyang phone at nagseryuso sa pagmaneho. Nakapaskil pa rin sa labi niya ang ngiti na tanging si Ivony lang ang nakakagawa.

-

MATAPOS makausap ang kaniyang Ama sa opisina nito, deretsong tinungo ni Audric ang kaniyang sasakyan sa parking lot. Inanyayahan siya ng kaniyang Ama na bumisita sa bahay nila sa San Simon at hinahanap siya ng kaniyang aguela at aguelo. Nangako siya sa Ama niya na bibisita siya ro’n sa bukas bago ang kaniyang kasal. Ayaw niyang magtampo ang mga ito.

Eksaktong pagpasok niya sa kaniyang bagong sasakyan nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang pangalan ni Ffion sa registered number. Nagdalawang isip siyang sagutin ang tawag ng dalaga pero sa huli ay pinindot niya ang answer button.

“Adi!”

Napailing si Audric sa matinig na boses nito. Ffion was his bestfriend. ‘Was’ for past tense. Kababata niya ito at matalik na kaibigan. Nag-away sila ng dalaga dahil sa hindi pagkakaintindihan. Pinutol nito ang kanilang pagkakaibigan at hindi ito nagpakita sa kaniya ng dalawang buwan.

“Yeah?” 

“Sorry for messing up with you.”

Napabuntunghinga siya. “Where are you? Isang linggo na lang kasal ko na. Tatanggapin ko lang ‘yan sorry mo kapag nagpakita ka sa araw mismo ng kasal ko.”

Mahabang katahimikan ang namagitan bago sumagot ang dalaga sa kabilang linya. “Yep-yep! Kasal ng best friend ko iyon kaya dapat present ako that time.”

“Good.” Napangiti na siya. Sinimulan niyang paganahin ang makina ng kaniyang sasakyan. Dadaanan niya pa sa Mall ang kaniyang Ina kasama ang mga kaibigan nito.  Nag-absent ang kanilang family driver at ayaw nitong mag-taxi.

“Adi…”

“Oh?”

“Sure na ba talagang magpapakasal ka?”

Napabuntunghinga siya. “Iyan ka na naman Ffion. I thought you like Ivony for me?”

Tumawa naman ito sa kabilang linya. “Yeah, yeah. I’m just messing your mood. I miss you!”

“I miss you too.”

“And I’m sorry…” seryusong saad nito.

“Ha?” 

“I’m sorry kung naging selfish ako. I promise magpapakita ako sa kasal niyong dalawa.”

Natawa naman siya. Nawala ang pagtatampo niya sa dalaga at sa dalawang buwan na pang-iiwas nito sa kaniya. “Okay-okay. Asahan ko ‘yan, ah?”

“Yes.” Saka ito nawala sa kabilang linya.

Napailing na lamang si Audric na nilagay sa dashboard ang cellphone. Spoiled brat ang dalaga at nasanay na siya sa pagiging matigas nito ng ulo pagdating sa kaniya. Matanda siya rito ng limang taon kaya siguro ganito ito umasta sa kaniya. Pero mabait ang dalaga. Sweet and innocent ang dating nito sa ibang tao pwera sa kaniya. 

Hindi alam ni Audric na iyon na ang huling araw na makikita niya lahat ng kagandahan ng mundo. Hindi niya namalayan ang taong kanina pa nakasakay sa likuran ng kaniyang sasakyan at bigla nitong ini-spray-han ang kaniyang mata ng malakas na uri ng chemical. Napasigaw siya sa sakit pero kasunod niyon ay isang palo sa kaniyang ulo para mawalan siya ng ulirat.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Ratings

10
100%(33)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
33 Mga Ratings · 33 Rebyu
Sulatin ang Repaso

RebyuMore

GandangTaaalaa
GandangTaaalaa
Hi Ms Author please update po salamat .........
2024-04-12 23:56:40
0
0
alcordoc26
alcordoc26
Update pleaseeeeee!!!!!!!
2023-10-24 01:21:03
0
0
Sol Consigna
Sol Consigna
ms A pa update po pls ........lucas and mariame salamat po
2023-08-06 14:28:09
1
1
Holy Pamela Panganoron
Holy Pamela Panganoron
Nice story but it's too lengthy...
2023-07-22 01:05:37
2
1
Haven Bithiah
Haven Bithiah
may bayad pala sayang
2023-06-30 06:21:06
0
0
149 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status