All Chapters of The Donor Named Seven: Chapter 31 - Chapter 38

38 Chapters

Her Freedom

"Why, thank you!" pilit pinasisigla ang boses na sabi niya."It is just unfortunate that Prince Levin is not hereto meet you. Prince Levin and your husband are great friends. I'm sure he will be thrilled to meet you."Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Hillary. "Oh, I remember, what does Khliwane Anl Ire means""It means I love you, Madam."Oh! I love you pala ang ibig sabihin ng mga salitangiyon. Mga salitang laging sinasabi sa kanya ni Seven sa simula pa lang. Nanubig ang mga mata niya hanggang sa tuluyang makalaya ang mga butil ng luha roon. Inalis niya iyon gamit ang likod ng palad at binigyan ng pilit na ngiti si Tili. Khliwane Anl Ire. Parang nanunukso ang hangin at paulit-ulit na pinaaalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang tainga.Pagkaraan ng ilang saglit ay narinig na nila ang pagdating ng sasakyang maghahatid sa kanya sa airport. Inilabas na ni Tili ang maleta niya. Na
Read more

Pain, Hatred And Missing Him

Two months laterTinititigan ni Hillary ang halagang nakasulat sa tseke. Nakakalula ang pigurang naroon. Kayamanan nang maituturing. Kung magtatrabaho siya ay aabutin ng maraming taon bago siya makaipon ng ganoonkalaking halaga. Si Attorney Guillermo---ang abogado ni Seven---ang naghatid sa kanya ng tseke. Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang makauwi siya at tumupad si Seven sa kanilang kasunduan. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Ni wala siyang balita kung nakabalik na ba ito sa Pilipinas, o kung ano na ang ginagawa nito. And she was terribly missing him."Mahigpit na bilin ni Mr. Fuentes na iparating ko sa 'yo na kapag kailanganin mo ng ano mang tulong, puwede mo akong kontakin at---""Attorney," pag-awat ni Hillary sa sinasabi ng abogado. Inilapag niya ang tseke sa ibabaw ng mesa. Bago itinulak iyon papunta a harap nito. Itinago niyaang mga kamay sa ilalim ng mesa para maitago angpanginginig.&nb
Read more

She's Falling

Ang haplos sa nakayukong ulo ni Hillary sa kinahihigaang hospital bed ng kanyang ina ang gumising sa kanya."N-Nay," agad na sabi niya."Kumusta ho ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong niya.Salamat sa Diyos at naisugod agad nila ito sa ospital, naagapan ang sana ay atake sa puso. Well, dapat ding pasalamatan si Seven dahil naroon ito at hindi nataranta. Dumating sila sa ospital sa tamang oras dahil sa binata. Sila kasi ni Chloe ay parehong natataranta at hindi alam ang gagawin."Sshh... she'll make it," pag-alo sa kanya ni Seven habang ang kanyang ina ay inaasikaso na ng mga doktor.Hillary was trembling and crying so hard. Hindi niyamapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa nanay niya.Hindi tumutol si Hillary nang yakapin siya ni Seven. Marahang hinaplos nito ang kanyang likod. Haplos na kumakalma sa kanyang kalooban. Muli siyang nakadama ng seguridad sa mga bisig na iyon. Para bang may karamay na, may
Read more

Mas Mabuting Sumugal Kaysa Magsisi Sa Huli

"Hey, what are you doing here?" sabi ni Chloe na kumuha sa atensiyon ni Hillary.Pagkatapos nilang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina. Ipinasya niyang lumabas ng silid paramagmuni-muni at timbangin an mga bagay-bagay.Nakatayo siya sa salaming dinging sa dulo ng hallway. Kahit nakatanaw sa labas, wala roon ang kanyang atensiyon dahil okupadong-okupado ang kanyang isip.Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basketna puno ng prutas at mga bulaklak.Hinalikan siya ni Chloe sa pisngi. "Kumusta siNanay?""She's fine. Natutulog. Gusto na gang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din, ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon 'kako, kailangan niyang magpahinga." Lumapit sila sa upuan at naupo sila roon ni Chloe."Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya."Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip nang mag-isip.""H-hindi ko mapigilang mag
Read more

Photo Exhibit

"Tinitingnan ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Hillary kay Chloe patungkol sa mga taong nakakasalubong nila na tumitingin sa kanya.Tinawagan siya ni Chloe kagabi at nagsabing samahan niya ito sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Hillary kundi ay ang pumayag. Sinundo siya ni Chloe bandang alas-diyes ng umaga.Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five-star hotel. Ngayon ay naglalakad sila sa isang hallway na hindi niya alam kung saan papunta.Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ngospital ang ina ni Hillary. Higit sa lahat, nakadalawna rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung paanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Parang sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao.Kung mayroo
Read more

Kissed Again

"H-Hillary..." may pananabik na sabi ni Seven, kumikislap ang nanunubig na mga mata.Alam ni Hillary na luha iyon, naiipong luha. Parangkinokontrol nito ang sarili na huwag tawirin angdistansiyang naghihiwalay sa kanilang dalawa."I... ah..." Hindi mahagilap ni Hillary ang boses.Nangingilid ang mga luha sa mga mata. Ngayon niyalubusang na-realize kung gaano niya pinananabikansi Seven. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit atsabihing handa na siyang sumugal. Na na-realize niya na mas wala siyang katahimikan noong mawalay siya sa binata. Tuluyang tumulo ang mga luha niya. "C-Chloe d-dragged me here," sabi niya sa kawalan ng sasabihin.Kinagat niya ang dila para makontrol kahit paano ang emosyon. Pero nabigo siya dahil hindi naawat ang kanyang mga luha."Pinakiusapan ko siyang gawin iyon," sagot ni Seven, taas-baba ang Adam's apple. Napakaguwapo nito sa suot na three-piece suit. And God! The em
Read more

Still Married

"Ano 'yan?" nakakunot-noong tanong ni Hillarykay Seven na ayaw pa ring pakawalan ang kamay niya.Pagkagaling sa exhibit ay sa isang pantalan sivadinala ng binata. Tahimik lang sila sa biyahe. Hinayaan lang nila na ang mga mata nila ang mag-usap. They shared knowing glances and heartfelt smiles. At hindi lang iilang beses na itinabi at inihinto ni Seven ang sasakyan para makapagsalo sila sa isang mainit na halik."Hindi mo ba alam na yate ang tawag diyan?" nakataas ang kilay pero nagbibiro na sagot ng binata.Alam naman nito na ang pangalan ng yate ang tinutukoy niya. Pangalan niya ang malinaw na nakasulat doon.Gamit ang libreng kamay, pinisil niya ang ilong ni Seven."Aw," kunwari ay reklamo nito."Ilang oras pa lang tayong magkasama pero lamog na lamog na ako sa'yo. Kanina mo pa ako pinipisil at kinukurot.""Na-miss kita, eh," sagot niya, saka sinimangutan ito."You are so unfair. Nakasubaybay ka pala sa akin, tap
Read more

The Perfect Ending

Bumuntong-hininga si Hillary pagkatapos niyang ikuwento kay Seven ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ito noong una. Naroon sila ni Seven sa upper deck at pinanonood ang kagandahan ngpapalubog na araw. Nakakapit siya sa railing habang si Seven ay nasa likuran niya at nakayakap sa kanya."Na-realize ko na kung gusto kong lumigaya, I should not live in the past. I should not dwell on themistakes of yesterday. That sometimes you have totake chances... Mas mabuti raw kasi iyong sumugal atlumaban kaysa magsisisi at manghinayang sa mga oras na hindi na maibabalik pa. Kapag kasi hindi ka sumugal, ibig sabihin talo ka agad. Kapag sumugal ka, may chance ka pang manalo."Humigpit ang yakap ni Seven. Ipinatong nito angulo sa kanyang balikat. "Hindi mauulit 'yon, sweetheart. Dahil tulad ng naranasan ko, gusto ko ring lumaki sa isang masaya at may pagmamahal na tahanan ang mga magiging anak ko. Hindi ka mabubuhay sa takot, hindi ka mangangam
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status