"Hey, what are you doing here?" sabi ni Chloe na kumuha sa atensiyon ni Hillary.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina. Ipinasya niyang lumabas ng silid para
magmuni-muni at timbangin an mga bagay-bagay.Nakatayo siya sa salaming dinging sa dulo ng hallway. Kahit nakatanaw sa labas, wala roon ang kanyang atensiyon dahil okupadong-okupado ang kanyang isip.
Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basket
na puno ng prutas at mga bulaklak.Hinalikan siya ni Chloe sa pisngi. "Kumusta si
Nanay?""She's fine. Natutulog. Gusto na gang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din, ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon 'kako, kailangan niyang magpahinga."
Lumapit sila sa upuan at naupo sila roon ni Chloe.
"Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya.
"Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip nang mag-isip."
"H-hindi ko mapigilang mag
"Tinitingnan ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Hillary kay Chloe patungkol sa mga taong nakakasalubong nila na tumitingin sa kanya.Tinawagan siya ni Chloe kagabi at nagsabing samahan niya ito sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Hillary kundi ay ang pumayag. Sinundo siya ni Chloe bandang alas-diyes ng umaga.Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five-star hotel. Ngayon ay naglalakad sila sa isang hallway na hindi niya alam kung saan papunta.Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ngospital ang ina ni Hillary. Higit sa lahat, nakadalawna rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung paanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Parang sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao.Kung mayroo
"H-Hillary..." may pananabik na sabi ni Seven, kumikislap ang nanunubig na mga mata.Alam ni Hillary na luha iyon, naiipong luha. Parangkinokontrol nito ang sarili na huwag tawirin angdistansiyang naghihiwalay sa kanilang dalawa."I... ah..." Hindi mahagilap ni Hillary ang boses.Nangingilid ang mga luha sa mga mata. Ngayon niyalubusang na-realize kung gaano niya pinananabikansi Seven. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit atsabihing handa na siyang sumugal. Na na-realize niya na mas wala siyang katahimikan noong mawalay siya sa binata.Tuluyang tumulo ang mga luha niya. "C-Chloe d-dragged me here," sabi niya sa kawalan ng sasabihin.Kinagat niya ang dila para makontrol kahit paano ang emosyon. Pero nabigo siya dahil hindi naawat ang kanyang mga luha."Pinakiusapan ko siyang gawin iyon," sagot ni Seven, taas-baba ang Adam's apple.Napakaguwapo nito sa suot na three-piece suit. And God! The em
"Ano 'yan?" nakakunot-noong tanong ni Hillarykay Seven na ayaw pa ring pakawalan ang kamay niya.Pagkagaling sa exhibit ay sa isang pantalan sivadinala ng binata. Tahimik lang sila sa biyahe. Hinayaan lang nila na ang mga mata nila ang mag-usap. They shared knowing glances and heartfelt smiles. At hindi lang iilang beses na itinabi at inihinto ni Seven ang sasakyan para makapagsalo sila sa isang mainit na halik."Hindi mo ba alam na yate ang tawag diyan?" nakataas ang kilay pero nagbibiro na sagot ng binata.Alam naman nito na ang pangalan ng yate ang tinutukoy niya. Pangalan niya ang malinaw na nakasulat doon.Gamit ang libreng kamay, pinisil niya ang ilong ni Seven."Aw," kunwari ay reklamo nito."Ilang oras pa lang tayong magkasama pero lamog na lamog na ako sa'yo. Kanina mo pa ako pinipisil at kinukurot.""Na-miss kita, eh," sagot niya, saka sinimangutan ito."You are so unfair. Nakasubaybay ka pala sa akin, tap
Bumuntong-hininga si Hillary pagkatapos niyang ikuwento kay Seven ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ito noong una.Naroon sila ni Seven sa upper deck at pinanonood ang kagandahan ngpapalubog na araw. Nakakapit siya sa railing habang si Seven ay nasa likuran niya at nakayakap sa kanya."Na-realize ko na kung gusto kong lumigaya, I should not live in the past. I should not dwell on themistakes of yesterday. That sometimes you have totake chances... Mas mabuti raw kasi iyong sumugal atlumaban kaysa magsisisi at manghinayang sa mga oras na hindi na maibabalik pa. Kapag kasi hindi ka sumugal, ibig sabihin talo ka agad. Kapag sumugal ka, may chance ka pang manalo."Humigpit ang yakap ni Seven. Ipinatong nito angulo sa kanyang balikat. "Hindi mauulit 'yon, sweetheart. Dahil tulad ng naranasan ko, gusto ko ring lumaki sa isang masaya at may pagmamahal na tahanan ang mga magiging anak ko. Hindi ka mabubuhay sa takot, hindi ka mangangam
Two months agoPumasok si Hillary sa isang American bookstore. Her hair was tied in a bun. Nakawala na sa pagkakatipon at tuluyan nang lumaylay na sa gilid ng kanyang mukha pero hinayaan na niya.Papunta na siya sa Literature section nang tumunog ang cell phone sa kanyang bag. Yumuko siya para buksan ang bag at kunin ang cell phone habang malalaki pa rin ang hakbang. Dahil nakayuko, hindi sinasadyang bumangga siya sa tagiliran ng isang bulto ng katawan."Sorry," aniyang hindi tinitingnan ang nabangga bago umiwas at nagpunta sa isang sulok para sagutin ang tawag.Si Chloe, ang kanyang kaibigan ang tumatawag. Mabilis din naman na natapos ang tawag ng kaibigan. Ibinalik ni Hillary sa bag ang cell phone at tinungo na ang pakay na libro. Nakuha naman agad niya ang gusto. Pagkatapos niyon ay naengganyo pa siyang magbasa-basa ng mga teaser ng mga librong nasa bestselle
Idinilat ni Hillary ang mga mata. At tumambadnga sa kanya ang resulta. Saglit siyang natulala sa nakita. Lumunok. Kumurap nang dalawang beses sa pag-asam na magbabago ang nakikitang resulta. Pero walang pagbabago.Iisa ang sinasabi ng tatlong kit. Nakadama ng panghihina si Hillary. Nang hindi matatawarang pagkadismaya. Nanginig pa ang kanyang mga tuhod kaya minabuti niyang maupo muna sa gilid ng kama."So?" tanong kay Hillary ni Chloe. Ni hindi niya nagawang tawagan ang kaibigan para ibalita ang resulta. Nagpadala lang siya ng text message na pumunta ito sa bahay niya."It's... negative," walang sigla na sagot ni Hillary. Nasasala siya, nakaupo sa couch, nakataas ang mga paa at nakasandal patingala sa headrest ang ulo. Nakipag-one-night stand siya sa isang estranghero dahil lamang sa iisang layunin. At iyon ay ang mabuntis. Ang magkaanak.Pero heto at negatibo ang resulta ng mga test. Ah! Para bang ninakaw ng resultang 'yon ang lahat ng
"Tita Hillary, melon din po ako pashayubong?" tanong ng pamangkin ni Hillary na si Gustav. Tatlong taong gulang lang ang bata at pamangkin niya sa isang pinsan.Parang balikbayan si Hillary kung pagkaguluhan ng mga kamag-anak niya gayong sa Maynila lang naman siya nanggaling. Kunsabagay, sa lahat ng magpipinsan ay siya lang ang maituturing na matagumpay dahil siya ang nakatapos ng pag-aaral at ngayon ay may magandang trabaho sa isang malaking kumpanya sa Maynila.Ang iba kasi niyang pinsan, kung hindi maagang nagsipag-asawa, hindi naman nakatapos ng pag-aaral. Kaya naman ganoon na lang ang pagmamalaki sa kanya ng nanay niya, pagmamalakina hindi naman nagmamayabang. Nananatiling mababa ang loob nito."Siyempre naman, ikaw pa ba ang makakalimutan ko?" natatawang sagot ni Hillary."Hala, pikit ka muna."Mula sa malaking paper bag ay inilabas niya ang isang remote-
Flashback from the past...Napaigtad ang sampung tong gulang na si Hillary sa bangkong kahoy na kinauupuan nang marinig niya ang lasing na boses ng paparating na ama.Kumakabog ang dibdib, dali-dali siyang nagpunta sa maliit niyang silid at nagkulong. Sa murang edad ay namahay na ang takot sa kanyang dibdib. Narinig niya ang pabalandrang pagbukas ng pinto ng kanilang maliit na bahay."Phagkain! Hik," sabi nito sa lasing at sinisinok na boses. Malakas ang boses nito kaya sigurado siya na umaabot 'yon hanggang sa pandinig ng mga kapitbahay."Bhigyan ninyo akho ng phagkain! Phamehla! Nasaan kang put*ng-ina ka! Hhillary!"Napaigtad si Hillary kasabay ng pagngiwi. Aktong tatayo na siya nang marinig niya ang boses ng kanyang ina na si Pamela. Galing ito sa palengke at nagtitinda ng mga gulay at ilang kakanin."Lando, ano ka ba? Nasa kanto pa l