Napakabilis nang mga pangyayari. Si Amara malakas na napasigaw at mariing naipikit ang mga mata. Napahagulhol siya dahil sa pag-aakalang si Zach ang nabaril. Samantalang, nagtaas-baba naman ang dibdib ni Zach, hinihingal siya. Hindi kaagad naka-react. Nangunot ang noo niya habang nakatutok ang mga mata sa duguang katawan ni Rain na nakatihaya sa malamig na sahig. Mabagal ang pagpatak ng dugo mula sa ulo nito, gumuguhit pababa sa tiles. At ang mga mata mulat na nakatingin sa kanya. “W–What the—” natigagal ang isa sa mga tauhan at mabilis na lumingon sa pinanggalingan ng putok. Akmang magsitakbuhan ang mga tauhan ni Rain ngunit kaagad din natigil nang may biglag sumingaw. “Stop! Huwag kabg gagawalaw. Kung ayaw ninyong sasabog ang iyong mga bungo!” puno nang pagbabanta. Isang sunod-sunod na malalakas na mga yabag ang bumungad mula sa itim na pasilyo. Kasunod noon ay rumagasa ang tatlong armadong lalaki na naka-tactical suit. Mga pulis iyon ngunit natatago bilang civilian para hin
Last Updated : 2025-11-21 Read more