All Chapters of The Beautiful Mistake: Chapter 11 - Chapter 17
17 Chapters
Ikalabing-isang Pahina
Masuyong minamasahe ni Mayumi ang kamay ni Alea habang nakatago sila sa makipot na eskinita patungo sa kabilang barangay. Mula sa kinauupuang malamig na semento ay mga bulungan na lamang ng mga usisero ang naririnig ukol sa malungkot na tagpong nagaganap sa Barangay Oronuevo."Ate, ayos ka lang ba? Natatakot na ako."Napadako ang kan'yang tingin sa kapatid. Pinilit niyang ngumiti at tumango. Pinatigil niya ito sa pagmamasahe sa kamay niya at masuyo iyong hinaplos."Maayos lang ang ate. Huwag ka'ng matakot. Nagugutom ka na ba?"Kasinungalingan. Kagaya nang kapatid niya natatakot din siya. Takot siya sa masakit na alaalang hindi nilulubayan ang kan'yang isipan."Si Kuya Pio po?" tanong nito.Tumayo siya at inilibot ang paningin sa paligid.Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Hindi niya man lang namalayan ang mabilis na pagdaan ng oras. Paniguradong hindi na nag-abala ang kapatid ng kan'yang amain na hintayin sila. Pero iba si Pio dahil kahit dalawang buwan pa lang silang magkakilala alam
Read more
Ikalabing-dalawang Pahina
Masyado nang mahaba ang gabi para kay Alea at sa kan'yang kapatid ngunit hindi yata dadapuan ng antok ang una dahil panay pa din ang paglingon nito sa tabi ng daan. Kulang na nga lang ay utusan niya ang katabi na bagalan ang pagmamaneho upang masiyasat niya nang maigi ang bawat sulok at nang masiguro na hindi niya nalipasan si Pio."Huwag ka mag-alala, hindi tayo masusundan ng mga iyon," ani Attorney Arim Valle na siyang naglitas sa kanila.Si Attorney Arim ay matagal niya nang kakilala buhat nang manilbihan siya sa karinderia sa palengke. Pampublikong abogado si Arim at masasabi niyang napaka-simple nito. Mabait at walang arte sa katawan kahit pa buhat ito sa mayamang angkan."Hinahanap ko kasi si Pio," pag-amin niya. Baka sakaling matulungan siya nito."Pio? May nobyo ka na ba? Don't tell me, nagpakasal ka na kaya matagal ka nang wala sa karinderia?" sunod-sunod ang naging tanong ni Arim sa kan'ya na kaagad niya din naman pinabulaanan."Kaibigan ko siya. Nagkahiwalay kami kanina nan
Read more
Ikalabing-tatlong Pahina
Naniniwala ka ba sa hipnotismo?Pakiramdam ni Pio ay ito ang tawag sa nangyayari sa kan'ya ngayon.Hindi niya magawang ialis ang tingin sa mestisang babae na mayroong mahabang buhok. Nakadungaw ito sa bintana ng magarang sasakyan kasama ng demolition team.Pakiramdam niya'y nakita niya na ito kung saan ngunit nahihirapan siyang alalahanin iyon. Pumikit siya at hinilot ang sintido, pilit na inaalala ang pagkakakilanlan ng babae.Dumilat siya nang maramdaman ang mabagal na pag-usad ng sasakyan mula sa mabigat na daloy ng trapiko.Lumalayo man ay hindi niya mabawi ang pagtingin dito."Eunice..." kusang lumabas ang pangalan na iyon sa kan'yang bibig."Sandali po!" saad niya sa driver na hindi pa man naitatabi ang sasakyan ay bumaba na siya.Wala siyang ibang nakikita at naririnig dahil ang isipan niyang okupado ng mga pira-pirasong alaala na unti-unting nagdudugtong sa bawat isa.Kasabay nito ay ang tila pamamanhid ng kan'yang katawan at pagsakit ng ulo, subalit pilit niyang nilalabanan a
Read more
Ikalabing-apat na Pahina
Bugso ng damdamin. Ito ang nais idahilan ni Alea sa walang pag-aalinlangan niyang pagsugod ng yakap kay Calvin.Lahat ng pangamba at takot niya sa buong magdamag ay tuluyan nang naglaho. Walang nangyaring masama sa lalaki. Nandito ngayon ang binata at damang-dama niya ang init ng katawan nito kahit pa mahinang tapik lamang sa balikat ang isinukli nito.Alam niyang kailangan niya nang bumitaw subalit nag-iinit na ang kan'yang pisngi. Kung hindi siya nagkakamali ay pulang-pula na ito. Mas lalo siyang lulubog sa kahihiyan kung masisilayan ng lalaki iyon.Bakit niya nga ba ito niyayakap? At higit sa lahat, bakit siya pinamumulahan ng pisngi sa simpleng kilos na iyon? Natural lang naman iyon sa magkaibigan 'di ba?Tumikhim si Calvin kaya mabilis siyang napabitaw."Sorry," mahina niyang saad.Nanatili siyang nakayuko, hindi dito makatingin nang diretso."Let's go," pag-aya nito.Napaangat siya ng tingin. Oo nga pala, kailangan na nilang bumalik ng isla.Mabilis siyang nagpaalam kay Arim. P
Read more
Ikalabing-Limang Pahina
Namulat si Calvin na ang kan'yang lolo ang tumayong ama. Sa dami ng mga pangaral nito ay isa lamang ang tumatak sa isipan niya, iyon ay ang magkaroon ng konkretong plano sa buhay at kahit anumang tukso ang dumating ay huwag itong babaliin. Bigo ang kan'yang ina na sundin ang utos na iyon noon, kaya dumating siya sa mundo bilang anak sa labas.Nang mamatay ang kan'yang lolo ay nagkaroon muli ng kalayaan ang kan'yang ina na magdesisyon para sa kanila. Ipinakilala siya nito sa tunay na ama. Sa una ay nagalak siyang makapiling ito lalo pa't sabik siya sa kalinga ng totoong ama, subalit sa paglipas ng mga panahon, nang tumuntong na siya sa wastong gulang at nang lumisan na ang kan'yang ina ay naging mahirap ang lahat. Hindi siya tanggap ng pamilya ng kan'yang ama ngunit wala siyang ibang mauuwian kun'di doon na lamang.Gustuhin niya man na bumalik sa dating buhay na wala sa piling ng ama, ay napamahal na din siya dito at wala siyang lakas ng loob para mawalay muli. Sa mga panahong nagtiti
Read more
Ikalabing-anim na Pahina
Mahirap maghintay, sabi nila. Subalit para kay Alea, nakakasabik ito kung ang hinihintay mo ay ang taong may puwang na sa buhay mo."Ate, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Mayumi nang makita si Alea sa veranda.Umiling si Alea bilang sagot at sinamahan ang kapatid patungo sa kwarto. Isang buong araw na silang nasa condo unit ni Calvin at hindi bumisita o tumawag man lang ang lalaki. Nauunawaan niya iyon dahil bumabalik pa lamang ang alaala nito. Gusto niyang isipin na bumabawi ito sa pamilya o 'di kaya'y sa babaeng nagngangalang Eunice.Walang binanggit si Calvin kung sino ba talaga ito? Kung may asawa't anak na o nobya, kaya hindi maiwasan ni Alea ang labis na mag-isip.Sumapit ang pangalawang araw, dali-dali siyang naglakad patungo sa pinto nang marinig ang pagtunog ng door bell. Nagpaskil siya ng ngiti sa labi at bahagya pa'ng inayos ang buhok ngunit nawala din ang pagkasabik niya nang mapagtantong ang room attendant iyon na maghahatid ng agahan nila.Hindi siya nag-order ng pag
Read more
Ikalabing-Pitong Pahina
Paulit-ulit na minamasahe ni Alea ang palad habang binabaybay nila ang daan patungo sa eksklusibong condominium. Sinusubukan niya'ng huwag lumingon sa katabi dahil lalo lamang tumitindi ang kabang nadarama niya. Subalit hindi niya mawari kung saan nagmumula ang tila pisi na humihila sa kan'ya para sulyapan ito.Magkasalubong ang kilay ni Calvin na animo'y galit sa sasakyang nasa unahan. Ang mga kamao nito'y halos pumuti na sa higpit nang pagkakahawak sa manibela.Mabilis na ibinalik ni Alea ang tingin sa daan. Malalim siyang huminga.Paano niya sasabihin dito ang kalagayan gayong tila galit ito ngayon sa kan'ya?Kung tutuusin nga ay siya dapat ang magalit dito dahil ilang araw itong walang paramdam. Gayunpaman, tila walang puwang sa puso niya ang galit o tampo para dito.Huli man, ang mahalaga ay dumating si Calvin.Ang kaba'ng nadarama niya ay nadagdagan nang matanaw niya na ang mataas na gusali kung saan sila nanunuluyan. Hudyat iyon na kailangan niya nang sabihin sa lalaki ang bali
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status