Lahat ng Kabanata ng The HUNTRESS: Kabanata 21 - Kabanata 30
78 Kabanata
Chapter 21
Pagkatapos ng trabaho, dumiretso agad si Eiress sa bahay. Hindi sumalubong si Liam na palagi nitong ginagawa kapag dumadating siya."Liam?" Tawag niya sa bata. "Narito na ako, Anak. Nasaan ka?" Tiningnan niya ang kwarto pero wala ito. Maging sa banyo at kusina, wala rin ito. Muling lumabas ng bahay si Eiress. "Tatay Norberto, nakita mo po si Liam?" Tanong niya sa matandang kapitbahay. "Kasama ni Toto at Yoyo." Tukoy nito sa dalawang teenager na apo. "Pupunta raw sila sa lambak. Ayaw pa nga sumama ni Liam dahil magagalit ka raw. Pinilit lang noong dalawa. Kawawa naman daw 'yung at nag-iisa lang sa bahay." "Sige po, Tay. Salamat po. Pupuntahan ko lang po sila. Malapit na po kasing dumilim." Paalam niya sa matanda. Karaniwang pasyalan sa Hacienda ang lambak. Maganda ang tanawin doon at mayroong ilog. Malapit lang iyon sa kanilang bahay kaya agad niyang nakita si Toto at Yoyo. Pasan ni Yoyo si Liam sa likuran habang si Toto naman ay may hawak na pamingwit. "Liam!" Tawag niya rito ka
Magbasa pa
Chapter 22
Pamilyar na dilim, maruming paligid at malansang amoy ang sumalubong kay Eiress ng dalhin siya sa lumang bodega. Tagong parte iyon sa likod ng mansyon.Itinulak siya sa loob ng dalawang guwardiya. Tuwang-tuwa naman si Cristein ng mawalan siya ng balanse at natumba sa sahig. "Hanggang sa muli!" Kumaway pa ito sa kanya bago isara ang pintuan. Tumayo si Eiress at pinagmasdan ang buong paligid. May maliit na bintana roon kung saan nagmumula ang kakarampot na liwanag. Sumandal siya sa dingding at pinalipas ang oras. Kung plano ito ni Lorrein, sigurado siyang pupunta roon ang babae. Kailangan muna niya itong kausapin bago lumabas sa bodega. Hindi naman iyon mahirap para sa kanya. Kaya niyang buksan ang pintuan o kaya naman ay dumaan sa maliit na bintana pero hindi niya muna gagawin iyon. Hihintayin niya ang babae at lilinawin ang lahat. Tulad ng inaasahan ni Eiress, muling bumukas ang pintuan makalipas ang ilang oras. Nakangising mukha ni Lorrein ang bumungad sa kanya kasama ang kaibigan
Magbasa pa
Chapter 23
"Eivan?" Bulong ni Eiress habang nakatingin sa lalaki."You're wasting the food." Malakas nitong sabi na pumukaw sa bahagya niyang pagkatulala. "Who hired you?" Muli nitong tanong. May bahid na galit ang boses nito pero hindi niya makita iyon sa mukha ng lalaki. Wala itong emosyon na nakatingin sa kanya. "Dude, Scion! Kanina pa kita hinahanap. Narito ka lang pala. May problema ba? Anong nangyari rito? Bakit ang tahimik nyo?" Tanong ni William ng lumapit sa lalaki. Salitan sila nitong tinitingnan."I'm talking to you, Maid." Muli nitong sabi. Bahagya siyang napaigtad dahil sa boses nito. Parang lagi iyong nagbabanta. Hindi pa rin makapaniwala si Eiress na kamukha ito ni Eivan. Ayaw naman niyang isipin na iisa si Lord Scion at Eivan dahil nagsasalita ang kaharap niyang lalaki. Magkaiba rin ang presensya ng dalawa. Presensya pa lang ni Lord Scion, kinikilabutan na siya pero si Eivan, magaan lang kahit misteryoso. "Ano ka ba? Huwag mong sigawan si Eiress. Chix 'yan ni Marlon." Singit
Magbasa pa
Chapter 24
"Deal. Starting today, you'll be part of my private security.""Private security?" Gulat na tanong ni Eiress. "Yes. You will protect me outside the Hacienda. Why? Is there any problem with that?" Umiling si Eiress. "It's fine with me, Lord Scion.""Good. Expect the head security call. Mr. Chan will test your ability and explain everything about your task. Don't be too confident because I hired you. You'll still undergo a physical test like everyone else.""Noted, Lord Scion." Sang-ayon niya. "Go back to your work and focus. Don't waste anything. Dismiss." Paalala nito bago siya talikuran. Bumuntong hininga si Eiress. Kailangan niyang tiisin ang nararamdaman kapag nagsimula siya sa panibagong trabaho. Kailangan niyang mag-tiis kasama ang kamukha ni Eivan para sa kaligtasan ni Liam. Binuksan ni Eiress ang nag-iisang pintuan sa silid na iyon. Binaybay niya ang pasilyo pero nagulat siya ng lumabas sa isang silid si Lorrein. Iba na ang gown nito kaysa kanina. "Why are you here?" Mat
Magbasa pa
Chapter 25
Kinabukasan, nagulat si Eiress ng makita si Lady Lorrein pagbukas niya sa pintuan. Halatang kagagaling lang nito sa pag-iyak."Lady Lorrein, anong-" Natigilan siya ng sampalin siya nito."Kasalanan mo ito. Kasalanan mo! Kung hindi dahil sa anak mo, hindi mangyayari 'yon kay Marlon. Kasalanan nyo 'to kaya nakulong siya!" Umiiyak nitong sabi. Halata ang galit nito sa matalim na tingin sa kanya."Nakulong? Bakit nakulong si Marlon?" Nagtataka niyang tanong dahil wala siyang ideya sa sinasabi nito."Nagkukunwari ka pa na hindi alam? Pwes! Sasabihin ko sa'yo! Ikinulong si Marlon dahil sa pasaway mong anak na muntik ng mapahamak kahapon. Siya ang pinarusahan dahil sa katigasan ng ulo nang anak mo. Hindi mo ba siya tinuturuan ng tamang asal? Palibhasa disgrasyada ka!" Paninisi nito sa kanya."I'm sorry. Hindi ko alam na ganoon ang nangyari." Paumanhin pa rin niya kahit nakakainsulto ang sinabi nito.Halos mawalan siya ng ulirat kahapon ng makita niyang nagpapatakbo ng kabayo si Liam. Kaagad
Magbasa pa
Chapter 26
Ginulo ni William ang sariling buhok pagbalik niya sa sariling kwarto sa mansyon."Delikado ang babaeng 'yon. Bakit mo sinabi sa kanya na alam mo ang sekreto niya? Paano kung ikaw ang maging target niya? Argh! William, hindi ka nag-iisip." Frustrated niyang sabi sa sarili.Lumapit siya sa pader ng kanyang kwarto at inalis ang nakatakip doon. Nakadikit sa pader ang mga larawang nakuha niya six years ago. Hindi na iyon nadagdagan ng biglang naglaho si Huntress. Kinuha niya ang isang larawan ni Eiress."Makasalanan ang ganda mo, Eiress. Ang anghel mong mukha ay pwedeng magdulot ng delubyo sa kahit sino. Papatayin mo rin ba ako ngayong alam ko na ang sikreto mo?" Tanong niya sa larawan nito. Muli niyang idinikit sa pader ang kinuhang picture. Pinagmasdan niya kung saan nagsimula ang kanyang imbestigasyon. Ang larawan sa pasilyo ng unit ni Lord Scion. "Simula ng makita kita sa labas ng condo, naghinala na ako sa katauhan mo. Walang nagtatangka na pumunta sa floor na iyon pero nakarating
Magbasa pa
Chapter 27
"Hey, bro! Nakauwi ka na pala? Bakit hindi mo ako sinabihan?" Nakangiting tanong ni William kay Scion."What are you doing here?" Seryoso nitong tanong kay Eiress."Bro, may pinag-usapan lang kami ni Eiress." Sagot niya ng hindi siya nito pansinin."In your room?"Napakamot naman sa batok si William. Alam na niya ang iniisip nito. Wala siyang dinadalang babae sa kanyang kwarto at hindi rin siya nagsasama ng babae sa kwarto kung mag-uusap lang sila."It's not what you think, Lord Scion." Sansala ni Eiress sa maaaring iniisip nito. "Pinuntahan ko si Sir William para humingi ng tulong. May nararamdaman akong kakaiba sa paligid kaya nagpatulong ako sa kanya para i-check iyon. False alarm lang pala.""T-tama. Iyon ang nangyari." Segunda ni William."William, to my office." Balewala nito sa paliwanag nila. Muli itong naglakad palayo-- patungo sa opisina nito sa mansyon. "Eiress, bakit narito ka?" Bumaling naman si William ng marinig ang tanong ni Marlon. Kunot-noo itong nakatingin kay Eire
Magbasa pa
Chapter 28
"Liam, sino ba 'yan? Bakit hindi mo papasukin?" Tanong ni Eiress sa anak habang naghahanda ng kanilang agahan.Binuksan ni Liam ang pinto nang sabihin nito na may tao sa labas. Hinayaan naman ito ni Eiress pero nanatili lang itong nakatayo sa bungad ng pintuan."Umalis na po, Mama." Sagot nito at muling sinara ang pinto."Kilala mo ba iyon?""Hindi po. Tumakbo po siya nang tanungin ko." Hinila nito ang upuan at umupo. "Mama, bakit po ang weird ng mga tao rito?" Hinila rin ni Eiress ang isang upuan at umupo kaharap ang anak. Pinagmasdan niya ang curious nitong itsura. "Bakit? May ginawa ba sila sa'yo?" Tanong niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Liam."Nagtataka lang po ako, Mama. Noong una si Tito Marlon lang ang weird. Lagi po siyang lumalapit sa akin at kinikilabutan po ako sa mga ngiti niya."Bahagyang tumawa si Eiress sa nanunulis na nguso ni Liam. "Mabait naman si Tito Marlon ah. Bakit ka kikilabutan sa kanya?""Ewan ko po. Iyon po kasi ang naramdaman ko." Kibit bali
Magbasa pa
Chapter 29
Tulad ng sinabi ni Lord Scion, nagsimula ang physical test ni Eiress kinabukasan. Iniwan na niya sa iba ang trabaho sa kwadra. Si Liam naman ay pansamantalang naiwan kay Tatay Norberto hanggat hindi dumadating ang magbabantay rito. Panatag naman siya dahil sinigurado ni Lord Scion na may limang lookout sa bata. Sinubukan na rin niya ang kakayahan ng mga ito. Masasabi niyang magaling ang lima at kayang makipagsabayan sa kanya. Inaamin niyang nagpupuyos ang kanyang damdamin kagabi nang harapin ang lima. Hindi mawala sa kanyang isip ang pagtanggi ni William na alagaan si Liam. Kitang-kita niya ang pag-ayaw nito sa bata. Nang oras na iyon nagdesisyon siya. Hinding-hindi niya ipapakilala kay William si Liam bilang anak nito. Ayaw niyang masaktan ang bata kapag itinanggi ng Ama. "Attention!" Sigaw ng Command leader na si Mr. Chan. Nakapila ang lahat na tila mga sundalo. Nakasuot ng puting damit, camouflage na pants at isang pares ng combat boots. Halos mapuno ang malawak na oval ground s
Magbasa pa
Chapter 30
Sa security room, magkasamang pinapanood ni Lord Scion, William at bagong dating na si Trigger ang nagaganap na examination. Magkakatabi ang tatlo sa harap ng malaking monitor. Dumating ang tatlo bago pa magsimula ang examination. Hindi lang sila nagpakita sa mga examinees. Dumiretso na sila sa underground kung saan ang lokasyon ng kanilang security room. Abala naman si Bingo sa pagmomonitor sa mga kalahok. Ito ang kanilang security expert. "Marami sa kalahok ngayon ang kahina-hinala. Hindi talaga nagpapahinga ang mga kalaban mo Scion. Sinamantala nila ang pangangalap mo ng tao para makapagtanim ng kasapi sa tabi mo." Komento ni William."It's a good thing na pinabalik mo ako. Mas mapapaigting natin ang seguridad mo." Sambit naman ni Trig. Halata ang pagod at puyat nito sa byahe pero hindi nito pinalampas ang panonood sa nagaganap na examination.Ngumiti ng may panunudyo si William kay Trig."Sa pagkakaalam ko, ikaw lang ang pinapabalik ni Scion. Bakit may kasama kang babae? Sino 'yu
Magbasa pa
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status