All Chapters of Still holding on: Chapter 11 - Chapter 20
37 Chapters
Chapter 11
Nagpaalam si Anna kay Brett kinabukasan na magda-day-off siya. Gustong sumama ni Paolo sa dalaga pero hindi iyon pinayagan ng ama nito. Umiyak pa ang bata nang umalis si Anna at sumakay ng kotse na maghahatid sa kan'ya sa San Pedro.Hindi alam ni Anna kung namalikmata ba siya nang makita ang reaksyon ng mukha ni Brett na para bang hindi na siya babalik sa mansion nito nang pasakay na siya sa kotse. Umiling na lang ang dalaga dahil kung anu-ano ang napapansin niya na wala namang katuturan.Nang makababa sa Bayan ng San Pedro ay tuwang-tuwa na sinalubong nina Agnes at Gina ang dalaga. Nagulat pa si Anna nang makitang kasama rin ng mga ito si September."Anna!" sabay na wika ng dalawang babae. Kapagkuwan ay niyakap si Anna."Hello, kumusta kayo? Na-miss ko kayo ng sobra a." ani ni Anna."Heto, okay lang naman sana kung walang buntot nang buntot!" saad ni Gina na tinapunan pa ng masamang tingin si September."Woah. Wala akong kinalaman d'yan. By the way, how are you, Anna? Kumusta naman
Read more
Chapter 12
Sikat ng araw ang tumama sa mukha ni Anna na siyang ikinagising niya kinabukasan. Mabigat ang ulo na bumangon siya at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. Makaraan ang ilang minuto ay lumabas siya ng silid at sinilip ang alaga niya sa silid nito.At dahil anong oras na siya nakatulog kagabi ay panay pa ang hikab niya at hindi niya maitatangging inaantok pa rin siya sa mga sandaling iyon. Dala ng antok ay hindi niya namalayan na ang kuwartong pinasokan niya ay hindi silid ni Paolo, kundi ng ama nito."What the fuck, Anna?!" Isang malakas at gulat na boses ang nagpagising sa inaantok niyang diwa.Kinusot-kusot niya ang mga mata at pilit na inaninag ang taong nakatayo hindi kalayuan sa harapan niya."Are you dreaming, Anna?! Shit! Bakit ka narito sa silid ko?" Sa pangalawang pagkakataon naging malinaw na lalo sa pandinig niya ang boses na iyon. Ang boses ni Brett, ang amo niya.Napako siya sa kinatatayuan nang makita ang amo na hubo't hubad. Madilim ang mukha nito at tila g
Read more
Chapter 13
"Kumusta ang pakiramdam mo, Anna?" tanong ni Bebang sa dalaga na tila wala sa sarili nito.Mula sa pagkakayuko ay umangat ng tingin si Anna. "M-maayos naman po ako," aniya."Mabuti naman kung gano'n." Tumayo si Bebang at naglakad palabas ng kitchen. Samantalang naiwan naman roon si Anna na tila wala pa rin sa sarili ng sandaling iyon.Hindi mawala-wala sa isipan niya ang nangyari sa kanila ng amo kahapon. Yes, kahapon pa iyon nangyari pero pakiramdam niya ay ngayon lang dahil hanggang ngayon ay parang naroon pa rin sa pagkababae niya ang daliri ng binata."Kaloka! Maloloka na ako neto!" wika niya sabay sabunot sa sariling buhok."Oh, bakit, Anna? Nadulas ka lang naging baliw ka na," laking gulat pa ni Anna nang muling magsalita si Bebang. Napatuwid siya ng upo sa silya. Ang akala niya ay umalis na ang mayordoma kaya laking gulat niya nang magsalita ito. Naalala niya ang sinabi nito. Gusto niya pang matawa sa ginawang dahilan ni Brett, na nadulas raw siya. Naku, kung alam lang ni Beba
Read more
Chapter 14
Isang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng Hospital si Anna. Matapos ang nangyari sa kanila ng amo ay naging mailap ito sa kaniya. Gusto sanang maka-usap ni Anna si Brett tungkol sa nangyari sa kanila, pero madalas ng gabi umuwi ang amo niya. Kaya hindi siya makakuha ng tamang tyempo para maka-usap ito.Wala namang nakapa na pagsisisi si Anna na isinuko niya ang sarili kay Brett, pero ang ikinabahala niya ay may asawa itong tao at kasalanan iyong ginawa nila dahil nagtaksil ito sa asawa nito. At iyon ay hindi kaya ng konsensya ni Anna. Tahimik lang naman ang mga kasambahay sa mansiyon na ito pero alam ni Anna na may alam ang mga ito sa nangyari sa kanila ng amo, lalo na ang mayordomang si Bebang. Kaya madalas ay nahihiya siyang makipag-usap rito. Alam niya rin na pinag-uusapan siya ng mga kasamahan niya kaya nga lalo siyang naiilang.Naisip ni Anna na umalis na lang dito sa mansiyon matapos ang nangyari sa kanila ni Brett, kaya madalas niya itong inaabangan sa gabi sa pag-
Read more
Chapter 15
Kahit gustuhin man na umalis ni Anna sa mansiyon ay hindi niya magawa dahil sa naging usapan nila ni Brett nang isang araw. Kaya si Anna, ay pinagpatuloy na lang ang trabaho bilang nanny ni Paolo."Anna," napalingon si Anna kay Bebang. Kasalukuyan siyang naghahanda ng almusal ng alaga niya dahil papasok sila ngayon sa School."Po?" ani niya.Napansin ni Anna ang reaksyon sa mukha ni Bebang na para bang may gusto itong sabihin na hindi masabi."May sasabihin po ba kayo, Aling Bebang?" untag pa niya sa matanda.Tumikhim si Bebang at napabuntonghininga pagkatapos."Pasensya ka na kung hindi naging maayos ang pakitungo ko sayo simula ng dumating ka dito sa mansiyon. Pero alam ko naman na mabait kang bata at hindi ka katulad ng mga naging nanny ni Paolo na imbes trabaho ang atupagin ay inuna pang landiin ang amo." Napalunok si Anna sa sinabi ni Bebang.Hindi ba't gano'n rin ang ginawa niya? Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng amo niya? In short, lumandi rin siya. Nahihiyang napayuko
Read more
Chapter 16
Nakaupo si Brett sa swivel chair niya sa loob ng library habang hawak ang baso na may laman na alak. Habang nasa gano'n siyang posisyon ay naalala niya si Carol. Ang babaeng mahal na mahal niya, na ina ni Paolo.Miss na miss na niya si Carol. Ito lang ang babaeng minahal niya ng sobra. Simula kolehiyo sila ay magkaibigan na sila ni Carol, hanggang sa maging mag-nobyo sila. Wala siyang ibang minahal kundi si Carol lang. Kaya nga nabuntis niya ito ng maaga na hindi pa nila pareho natatapos ang kolehiyo.Pero gayunpaman ay pinangako niya sa mga magulang ng dalaga na papakasalan niya ito. Pero kung kailan naman handa na ang lahat ay saka naman ito nawala nang ma-aksidente ito.Aminado siyang nahirapan siyang alagaan noon ang tatlong taon gulang na anak nang mawala ang ina nito, pero wala siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang buhay ng wala si Carol.Paminsan-minsan ay sumusubok rin siyang tumikim ng ibang putahe, para maibsan ang pangungulila niya sa asawang namayapa na, pero hindi pa ri
Read more
Chapter 17
Nagising si Anna dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa puson niya. Naramdaman niya rin na parang may mainit na hiningang tumatama sa pagkababae niya. Nang imulat niya ang mga mata para tingnan iyon, ay gano'n na lang ang paglaki ng mga mata niya nang makita ang amo na nakasubsob ang mukha sa pagkababae niya.Gusto niya sanang tumili pero hindi niya magawa. Mahimbing na natutulog si Brett at mukhang naghihilik pa."Diyos ko...ano itong napasok ko?" mahinang bulong niya sa sarili. Tinangka niyang alisin ang ulo ng amo sa hita niya pero lalo lamang itong sumiksik roon. Namula ang buo niyang mukha at pigil niya ang malakas na paghinga dahil sa pagtambol ng dibdib niya.Bakit sa dinami-rami ng puwedeng puwestuhan ay doon pa talaga ang naisip nito? Naalala ni Anna ang asawa ng amo niya, hindi kaya ganito si Brett sa asawa nito? Sa isiping iyon ay taranta niyang inalis ang ulo ng amo na nakasubsob sa hita niya at mabilis na lumundag pababa ng kama."What the fuck, Anna?!" gulat at tila n
Read more
Chapter 18
Pagkapasok sa loob ng kuwarto ay galit na binalinag ni Brett ang mga gamit na makita niya."How could you do this to me!" Nasapo niya ang mukha at napa-iyak siya sa galit.Sa loob ng tatlong taon ay inakala niyang patay na ang babaeng dapat ay asawa na niya ngayon, na kasama ito sa sasakyan na nahulog sa bangin. Pero hindi pala iyon totoo.Buhay na buhay ito at masayang namumuhay kasama ng isang lalaki na nagngangalang Louie De Vera. Kilala niya ang lalaking ito, school mate nila ni Carol noon sa kolehiyo. Naikuyom ni Brett ang kamao. Nilinlang lang siya ni Carol, pineke lang nito ang pagkamatay nito. Kaya ba hindi ito sumipot sa kasal nila ay dahil sa lalaking iyon? Pero bakit pinaabot nito ng ganoon katagal kung mahal nito ang lalaking iyon?"Fuck!" Binalingan ni Brett ang dingding at pinagsusuntok iyon. Halos tumuklap ang balat sa kamao niya sa ginawa. Si Rico ang nagsabi na buhay si Carol. Nakita daw nito ang babae sa isang Coffee shop kasama ang isang lalaki."Bakit mo ito gina
Read more
Chapter 19
Naging masaya ang pagsasama nina Anna at Brett sa mansiyon. Sa gabi ay magkatabi natutulog sina Anna at Brett dahil na rin iyon sa kagustuhan ng binata, at walang magagawa si Anna doon lalo't nagustuhan niya rin ang idea ni Brett. Ang pag-iiba ng trato ni Brett sa dalaga ay napansin ng lahat sa loob ng mansiyon. Mayroong natuwa sa pagmamabutihan ng dalawa, mayroon rin naman na hindi, at iyon ay si Bebang.Iniisip kasi ni Bebang na pera lang ang habol ni Anna kay Brett, pero hindi rin nito naitatanggi sa sarili na mabuting tao si Anna.Si Brett naman ay pinaplano kung paano bawiin si Carol sa lalaki nito. Gagawin niya iyon hindi para sa kaniya kundi para kay Paolo, dahil iyon ang tanging hiling ng anak nito. Ngunit habang hindi pa nakakabalik si Carol sa mansiyon ay itinutok muna ni Brett ang atensyon kay Paolo at kay Anna. Masaya si Brett sa pagdating ni Anna sa buhay nila ng anak niya, mahalaga ang dalaga para sa kaniya, at nang sabihin niya kay Anna na huwag silang iwan ni Paolo ay
Read more
Chapter 20
Katulad ng ipinangako ni Brett sa anak na magbabakasyon sila at pupunta ng Disneyland ay natupad iyon sa sumunod na araw. Tuwang-tuwa ang anak nitong si Paolo, at iyon ang kaligayahan ni Brett. Masaya si Brett kung masaya rin ang kaniyang anak. "Daddy, ang ganda po dito!" komento ni Paolo na ikinangiti ni Brett. Pumasok sila sa park at naglibot roon.Iba't ibang klase ng mga tanawin ang kanilang nakita. Sa gilid ng mga mata ni Brett ay nakikita niya rin kung paano mabusog ang mga mata ni Anna sa ganda ng paligid. Pumihit siya paharap sa direksyon ni Anna. Ang dalaga ay nakangiti rin habang panay ang tingin sa paligid."Yes, anak. Ang ganda nga." ani niya pero kay Anna siya nakatingin."Daddy, si Ate Anna naman po ang tinitingnan mo e." anang bata na napapakamot sa ulo nito.Napabaling rin si Anna sa kanila ni Paolo nang marinig nito na binanggit ang pangalan."Ano iyon?" sambit ng dalaga."Nevermind." anito ni Brett. Nagkibit-balikat na lang ang dalaga.Matapos silang maglibot sa Par
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status