"Ano? Magtititigan na lang ba tayo rito? Lumalamig ang pagkain. Magsikain na kayo!" ani Don Vandolf habang pinagmamasdan sina Freya, Jacob at Jackson. "Set, magpahangin ka muna," utos niya. Agad namang umalis si Set dahil batid niyang may mahalagang pag-uusapan ang mga Gray. Nauna nang kumuha ng pagkain si Freya. Habang pumipili siya ng mga pagkaing ilalagay pa niya sa kaniyang plato ay halinhinan niyang pinagmamasdan ang magkapatid. Base sa mga titig ng mga ito, nai-imagine niya na may parang ilaw na nagmula sa isang kidlat ang nagko-connect sa dalawa. Palihim niyang sinipa ang paa ni Jacob sa ilalim ng mesa dahilan para malipat sa kaniya ang mga tingin nito. "I'm sorry, wife. Ayaw mo nga palang kung kani-kanino ako tumititig. Don't be jealous, okay? He's not my type," nakangiting sabi ni Jacob. Jackson smirked. "Mukhang tànga," bulong niya. "Pakiulit ng sinabi mo, Jackson," inis na sambit ni Jacob. Kapwa napatingin kay Don Vandolf sina Jacob at Jackson nang hinampas niya nang ma
Huling Na-update : 2023-02-19 Magbasa pa