7A.M. Mayo Clinic's ICU, Jacksonville, Florida "Set, how's papa?" "Hindi pa po stable, Sir Jacob. Wala pa po siyang malay." Napatingin si Set sa mga dalang maleta nina Jacob at Freya. "Dito na po pala kayo dumiretso mula sa airport," aniya. Tumango si Jacob at umupo sa upuan. Yumuko siyang sapo-sapo ang kaniyang noo. Agad namang umupo sa tabi niya si Freya at tinapik-tapik ang balikat niya. "Sir Jacob, you need to rest," Set suggested. "Hindi ko kayang magpahinga hangga't hindi okay si papa. He's between life and death, Set. Alam kong ilang beses na itong nangyari but this one is different. It's crucial." Sumandal si Jacob sa upuan at tumingala sa kisame. "Muli akong magdadasal na sana ay iligtas ulit ng Diyos si papa kahit … masamang damo siya." "Kumusta po pala si Sir Jackson? Nakakulong na po ba si—" Bumuntong hininga si Jacob. Umiling siya habang masama ang tingin niya kay Set. "Anong sabi mo, Set?" gulat na sambit ni Freya sabay tayo sa upuan. "Hi-hindi niyo po ba alam?"
Terakhir Diperbarui : 2023-03-23 Baca selengkapnya