LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 75 “Magandang araw po, Ma’am Diana,” kinakabahan pero nakangiting bati ng guwardiya. “Magandang umaga po, ‘tay.” Kumunot ang noo ni Diana nang makita niyang walang sales lady na nag-a-assist sa kaniyang dalawang customers. “Nasaan po si Manager Lee at ang mga sales ladies na naka-duty today?” “Naku po, ma’am. Naka-sick leave po ‘yong apat na sales ladies natin. Pare-pareho po silang nagkaroon ng sore eyes. Si Ma’am Jho lang po ang nakapasok ngayong araw. Nasa restroom po siya. Si Manager Lee naman po ay…” Tumaas ang kilay ni Diana. “Ay?” Hindi na nakaimik ang guwardiya nang biglang lumabas si Manager Lee kasama si Jho. “Are you doing something during working hours?” mataray na tanong ni Diana. “Umihi lang po ako, Ma’am Diana. Si Jho naman po ay sira ang tiyan kaya galing din po siya ng restroom,” pagpapalusot ni Manager Lee. Ang totoo ay nanood siya ng kdrama sa may pantry habang kumakain samantalang si Jho naman ay abala sa pag-a
Last Updated : 2024-11-22 Read more