“Pixie! Oh my God! Bakit ngayon ka lang tumawag? Pinag-alala mo ako ng sobra!”“P-Pasensya na… kinuha kasi ni Dad ang phone ko at iba ko pang gadgets,” paliwanag ko, halos pabulong.Isang linggo na ang lumipas mula nang ikulong ako ng mga magulang ko sa kuwarto. Isang linggo na rin akong walang balita sa labas. Kaya nang magkaroon ako ngayon ng pagkakataong makalabas ng kuwarto, hindi ko na ito pinalampas pa. Kinuha ko agad ang telepono sa bahay at tinawagan si Marcia.“Kamusta ka? Pinayagan ka na bang lumabas nina Tito at Tita?” tanong niya, puno ng pag-aalala.“H-Hindi pa. Wala sila Mom and Dad kaya nakatawag ako sa’yo,” sagot ko.“E ‘yong kapatid mong kontrabida? Baka ipahamak ka na naman n’ya,” dagdag pa niya, halatang nag-aalala. “I’m sorry, Pixie. I honestly had no idea I’d run into Pennie at the mall.”“Wala rin siya rito ngayon sa bahay. And don’t worry, you’ve done enough. Salamat sa lahat ng tulong mo,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili. “M-Marcia, may balita ka ba kay W
Last Updated : 2022-08-26 Read more