Share

Kabanata 44 : New Life

5 YEARS LATER

"Inay, gandang gabi po," bati ko kay inay pagpasok ko sa apartment.

"Sakto, kakatapos ko lang magluto ng cheken adobo. Sabay-sabay na tayong kumaen na tatlo."

"Naku! Nag-abala ka na naman, nay. Baka naman pinagod mo na naman ang sarili mo kakatrabaho rito." Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Kesa naman humilata lang ako. Mas mabute nang gumalaw-galaw ako para hendi mabara ang mga ugat ko," pangangatwiran n'ya. "Iniisip ko ngang turuan si Wynter magsumba para banat kami pareho."

"Naku 'nay. Huwag po parang awa n'yo na. Baka hindi kayanin ng puso n'yo ang pagod. Paano kapag inatake kayong wala ako rito?

"Ang nega mo talagang bata ka."

"Concern lang po inay. Si Wynter po pala?"

"Ayon oh," ngumuso si inay kaya naman sinundan ko 'yon ng tingin. "Alew na alew sa panonood ng katuns."

Pigil ang tawa ko ng nakita ang posisyon ni Wynter. Nakahiga s'ya sa sofa habang nakapatong ang dalawa n'yang binti sa backrest ng upuan. Abala s'ya sa pagdede sa kamay n'ya habang nanun
Royai's Novele

Please don't forget to rate and comment. Thank you (. ❛ ᴗ ❛.)

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status