HINDI man lang dinalaw ng antok si Hasna dahil sa kaniyang mga iniisip. Isa pa, hindi rin siya mapakali dahil sa nangyayari sa kanilang lugar. Hindi man maipaliwanag nang lubusan, isa lang naman ang alam nila may kagagawan ng mga ito, walang ibang kung hindi ang mga taong lobo na naghahasik ng lagim sa kabayanan. “Hasna,” malumanay na tawag ni Kapitana Lena sa kaniya. Napabaling kaagad siya ng tingin dito at saka bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga. Kitang-kita niya ang dala-dalang tasa ni Kapitana Lena habang papalapit ito sa kaniya.“Pinagdala kita ng gatas baka sakaling makatulong ito at dalawin ka ng antok,” wika ng kaniyang nanay-nanayan. Tinanggap naman ni Hasna ang alok ng babae at saka sumimsim dito. “Maraming salamat, Kapitana,” ani Hasna. Seryusong nakatingin lang si Kapitana Lena kay Hasna habang pinapanood ito sap ag-inom ng kaniyang tinimplang gatas. Napabuntonghininga ito na siyang dahilan kung bakit nalingon sa kaniya si Hasna. “Kapitana,”“Pasensya ka na, alam k
Read more