Share

CHAPTER 16

ISANG MALAKAS na paghila ang ginawa ni Hasna upang umabante nang husto ang isang sako ng ipa na kaniyang dala-dala papunta sa lugar kung saan ay madalas siya tumatambay at nagsasanay.

Tagaktak ang kaniyang pawis nang makarating sa tapat ng isang malaking puno. Ibinagsak niya ang lubid na kaniyang kinuha sa bodega ng bahay nila at saka inupuan ang sako ng ipa na kaniyang hila-hila.

Humahangos itong pinunasan ang kaniyang noo na halos mabasa ng kaniyang mga pawis.

"Wews!"

Dahan-dahan niyang inabot ang lubid na kaniyang dala at saka itinali ito sa katawan ng sako. Nang maitali ni Hasna ang lubid sa katawan ng sako at masiguradong hindi na ito mahuhulog pa sa oras na isinabit, ibinato niya ang natitirang lubid sa isang malaking sanga ngunit bigo itong maisabit sa braso ng sanga.

Walang ibang naisip si Hasna kung hindi akyatin ang puno ngunit bago siya umakyat ay hinila niya muli ang sako at itinapat sa sanga.

"Ang bigat naman, ay! Dapat pala ay hindi ko ito iniwan sa labas. Sa kaiisip k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status