All Chapters of Rain on Your Parade : Chapter 31 - Chapter 40
75 Chapters
Chapter 31: Need to Know
“Mommy, come on! Bilisan na po natin mag-wash ng dishes. We need to watch daddy!” Natawa na lang ni Zein at nagpunas ng basang kamay saka sumunod sa anak na nauna na sa sala. Binuksan niya ang smart TV at automatic na nag-connect sa cellphone niya. Pang-umaga ang show ni Amos kaya replay na lang ang pinapanood nila. Hindi kasi nila ito mapanood sa umaga dahil sa trabaho niya at may pasok naman sa school si Pita. Nang mag-start ang show, napapalakpak si Pita at hinila pa siya paupo sa sofa. Bahagya niyang niyakap amg anak at sabay na nanood. Akala ni Zein, sapat na sa anak ang mga picture ni Amos pero hindi pa pala. Kinokolekta nito ang lahat ng may larawan ni Amos, mapa-diyaryo man o magazine. Ngayon nga, nalaman nitong may show ang ama kaya ayaw palagpasin. Alam ni Zein kung gaano kasabik ang anak makita si Amos. Mabuti na lang talaga, hindi na ito masyadong nagtatanong kung kailan nito makikita ang ama. Siguro tumatak na talaga sa isip ng anak niya ang palaging dahilan niya rito.
Read more
Chapter 32: Girlfriend
Abala si Amos sa mga naiwan niyang trabaho sa opisina nang walang katok-katok na pumasok ang kaniyang ina sa loob. Nagsalubong ang mga kilay niya nang dire-diretso ang kaniyang ina sa table niya at may pinakita sa kaniya sa ipad nito. “Bakit wala kang kinukuwento sa akin?” nagtatampong tanong ng kaniyang inang si Amy. Bumuntong-hininga si Amos. “That’s nothing…” Matagal niya na iyong nakita. Kalat na kalat na ang tungkol sa naging dinner date nila ni Thea nang i-treat siya nito. Maraming rumors na lumabas tungkol sa kanilang dalawa, sinasabing may relasyon na sila. Hinayaan na lang iyon ni Amos dahil naniniwala naman siyang mamamatay ang isyu. Pinapalaki lang talaga ng mga taong interesado sa buhay nilang dalawa ni Thea. “Anong nothing? Look! You’re so happy in this pictures. Tell me, siya na ba?” “Mommy!” Tumaas ang mga kilay ni Amy. “She’s a glamorous woman like… Zelda? Ganito ang mga tipo mo, anak.” Wala talaga siyang maitatago sa kaniyang ina. Tama ang kaniyang mommy. Na kay
Read more
Chapter 33: Chef Pita
“Ate, nakakahiya. Simple lang ang balak ko sa birthday ni Pita.” Napailing na lang si Zein habang pinaghahanda ng umagahan ang anak niyang si Pita. Madaling-araw pa lang pero tinawagan na agad siya ni Zelda para sa pagpaplano sa gusto nitong maging birthday party ng pamangkin nito. Hindi niya alam kung bakit napakaagang magising ng buntis niyang kapatid. “Zein, sige na. Kami naman ang gagastos. Tinanong ko si Race. Pumayag naman siya,” pamimilit pa ni Zelda. Isinalin ni Zein ang itlog sa plato saka muling n*****i ng isa pa. “Ate, balak ko namang bigyan ng party si Pita. Pinag-ipunan ko ’yon. May party pero hindi naman sobrang bongga katulad ng naiisip mo.” “Anong masama sa naisip kong party? She will be a princess! Lahat ng bata, pangarap ’yon. Huwag mo nang galawin ang ipon mo. Idagdag mo na lang sa pinag-iipunan mong bahay kasi ayaw mo namang tumira sa bahay natin sa Kiki Village.” Tama si Zelda. Ayaw niya talagang tumira sa bahay nila roon. Marami siyang alaala roon kasama si A
Read more
Chapter 34: Birthday Cake
Natatawa na lang si Amos habang umiinom ng whiskey sa tapat ng swimming pool. Hindi niya man pinapansin si Barney sa tabi niya, ramdam niya naman ang masamang tingin nito. Hindi niya alam kung bakit napasugod ito sa bahay niya, disoras ng gabi. “Inaaway ako ni Yvette ng dahil sa’yo.” “Bakit naman?” Inalok niya si Barney ng inumin. Hindi naman ito tumanggi. “This… is about Zein. Nakita niya na ang ex mo.” Natigilan saglit si Amos pero agad ding napailing. “I’m sorry. Hindi na dapat kayo kasali sa gulo namin.” “Yeah… but Yvette is being irrational. My girlfriend loves Zein as her best friend. Nagagalit siya sa akin kasi kaibigan ko ang lalaking nananakit kay Batman.” Mapaklang tumawa si Amos at muling nagsalin ng alak. “Ako ang sinaktan niya. Kung nasasaktan man ngayon si… Zein, I think she deserves it.” Bumuntong-hininga si Barney. “Mahal mo pa rin si Zein, Amos.” Parang may tinamaang kung ano si Barney sa sinabi nito. Mahal? Bakit niya pa mamahalin si Zein? May girlfriend na
Read more
Chapter 35: Hindi na Hahanapin
Napangiti si Zein nang ipakilala siya ng emcee bilang magulang ng birthday celebrant. Hindi ganito ang idea niyang party para kay Pita pero okay na rin dahil mas bongga pa ito sa inaasahan. Sa bakuran sa labas ng bahay, ginanap ang mismong party. Maraming pagkain at mga waiter na nag-serve pero nakapang-hansel and gretel na costume. Nang ibigay sa kaniya ng emcee ang microphone, huminga muna siya nang malalim bago magsalita. “This day wouldn't be possible because of my ate, Ate Zelda…” Humarap siya kay Zelda na napangiti lang sa sinabi niya. “Thank you for loving me and my daughter. Muli siyang humarap sa audience. “This is the special day for my angel, my princess. I would like you to meet my daughter who will celebrate her 4th birthday, Pita Agiw.” Nagpalakpakan ang mga bisita nang lumabas na si Pita na nakasuot ng magarbong princess costume. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Zein habang pinagmamasdan ang anak niyang mag-isang naglalakad papunta sa upuan nito. Naluluha siya. Hindi
Read more
Chapter 36: Pagsisihan
Napapangiti si Amos habang papunta sa bahay nina Zelda at Race. Nasa front seat na ang cake at maingat siyang nagmamaneho. Hindi niya alam kung bakit doon gaganapin ang party ni Pita. Gusto niya tuloy malaman kung kamag-anak ba ito ni Zelda. Kalalabas lang ni Amos sa Kiki Village nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makitang si Thea ang tumatawag. Bumuntong-hininga siya at sinagot ang tawag. “Thea…” “Amos, please help me! Tulungan mo ako, Amos. Hindi ko alam ang gagawin.” Kumunot ang noo niya nang nahimigan ang panginginig ng boses ng dalaga. “Wait, Thea. What’s wrong? Nasaan ka?” “I d-don’t know. Nasa hotel ako ngayon. I am scared. Puntahan mo ako rito.” Habol-habol ni Thea ang hininga habang umiiyak. “Anong nangyari, Thea? I-send mo sa akin ang name ng hotel. Pupuntahan kita.” Saglit niyang itinigil ang sasakyan sa isang tabi. Hindi niya maiwasang mag-alala kay Thea. Base pa lang sa boses nito, mukhang may masamang nangyari rito. G
Read more
Chapter 37: Balik-Tanaw
Hinahaplos ni Zein ang buhok ng anak na nakatulog na sa sobrang pagod. Doon na sila pinatulog ni Zelda sa bahay ng mga ito para makapagpahinga na silang dalawa. Pagod din siya pero hindi niya alam kung bakit hindi siya dalawin ng antok. Kaya nang makatulog ang anak niya, lumabas muna siya. Dinala siya ng mga paa niya sa teresa ng bahay. “Sige na. Mukhang busy ka pa. Kailangan ko na rin matulog. Bye, Amos.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein nang banggitin nito ang pangalan ni Amos. “Ate…” Agad lumingon sa kaniya si Zelda pagkatapos patayin ang tawag. “Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Si Pita?” “Hindi pa ako inaantok. Natutulog na ang anak ko. Si… Amos ba ’yon?” Tumabi siya kay Zelda at humawak sa barandilya. Tinanaw nilang sabay ang madilim na kalangitang tanging buwan lang ang tanglaw. “Tumawag siya. Sabi niya, nagkaroon daw siya ng emergency. Hindi ko lang maiwasang magalit kasi birthday ng anak niya. Chance na nilang mag-ama para magkita pero sinayang lang ng lalaking iyon." Bum
Read more
Chapter 38: Little Princess
Masaya si Amos makita ang inang si Amy na masaya sa ginagawa nito. Nagtayo kasi ito ng isang maliit na baking school para sa mga bata. Hindi na makapaghintay sa palaging hiling nitong apo kaya nagtayo na lang ng school. Napapangiti siya habang pinapakinggan si Amy. Sinundo niya ito dahil hindi ito masundo ng ama niyang si Nast dahil sa isang business meeting. Siya ang may libreng oras kaya siya na lang ang sumundo. Napapangiti siya sa mga kuwento ng kaniyang mommy, partikular sa isang batang babaeng kinagaanan nito ng loob. “Ang cute-cute niya. Actually, ikaw ang nakikita ko sa kaniya. Willing na willing talaga siyang matuto ng baking. Parang ikaw noong bata ka pa. I love that little girl. I'm looking forward to our many baking sessions.” Natawa si Amos. “I know how you love children but this is the first time you are very interested to a child.” “Hindi ko rin alam, anak. Magaan ang loob ko sa batang ’yon. Actually, binigyan niya ako ng una nilang na-bake ng babaeng nag-assist sa
Read more
Chapter 39: Hindi Love
Hindi mapakali si Zein. Dalawang oras nang nawawala ang anak niya. Nang sabihin sa kaniya ng guard ng arcade na hindi nito makita si Pita, hindi na maalis ang takot sa dibdib niya. “Ma’am, sorry po talaga. May inutos po talaga sa akin.” Bumuntong-hininga si Zein. “Okay lang, hindi mo kasalanan. Kapabayaan ko rin ’yon.” Wala naman siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Naging kampante siyang hayaang maglaro ang anak sa arcade nang mag-isa. Nakikinig naman kasi si Pita sa kaniya. Hindi ito umaalis kung saan niya ito iniwan. Isa pa, hindi niya ito natingnan-tingnan dahil dagsa ang mga nagpapa-picture sa Photoshop. Sinamahan siya ng guard sa security team ng mall para tingnan ang CCTV. Hindi sana lumabas ang anak niya. Hindi niya alam ang gagawin kung lumabas ito ng mall. “Ma’am, lumabas po ang anak ninyo around two p.m.” Tumulo na ang mga luha niyang kanina niya pang pinipigilan. Nanginginig ang kamay ni Zein. Para siyang mababaliw hanggang hindi nakikita ang anak niya. Ilang
Read more
Chapter 40: Pita
Napailing na lang si Amos nang matanggap ang tawag ni Corn. Nag-aayang uminom si Huge sa mismong bahay nito. Mukhang problemado pa ang loko. Kahit naman nasa iisang village sila, hindi na rin sila masyadong nagkakasalamuha dahil naging mga busy na sila sa buhay nila. Kaya kapag may libreng oras ang lahat, sinisikap nilang magtipon-tipon puwera na lang kung may problema ang isa. Ititigil ng lahat ang gingagawa para lang damayan ang kaibigan na problemado. Ganoon sila katibay. “Daanan mo na rin si Barney sa kanila. I have been calling him but he’s not answering my calls,” imporma sa kaniya ni Corn. “Alright. I just change my clothes. Sige, see you later.” Pagkababa ng tawag, agad na siyang nagpalit ng damit. Kinuha niya ang susi niya at sumakay muli sa kotse niya. Nang nasa tapat na siya ng bahay ni Barney, nag-park muna siya sa isang tabi bago bumaba. Nag-doorbell si Amos. Napangiti siya nang si Detty ang nagbukas ng gate. “Hi, Detty!” Matamis na ngumiti si Detty at kumaway sa ka
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status