Paglabas ni Amelia sa kwarto ng kaibigan, si Kraner agad ang bumungad sa kanya. Umalis ito sa pagkakasandal sa pader at napaayos ng tayo nang makita siya. She could see the longing in his eyes, clear as day. She knew her words had hurt him, but for now, she wasn’t taking them back. Not until she knew for sure who really killed her brother. Naniniwala siya kay Nova, ngunit hindi maikakailang magulo pa rin ang isip niya. Patay na si Eros—at kung hindi si Eros ang may hawak sa kanyang leeg noon, sino nga ba ang lalaking iyon? “Amelia,” tawag sa kanya ni Kraner, ngunit mas pinili niyang huwag itong lingunin. Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang, pinipigil ang sariling lapitan ito kahit na bahagi ng puso niya ang gustong burahin ang distansya sa pagitan nila. Pero hindi pa siya handa. Hindi pa ngayon. May mga sugat pa silang kailangang harapin at mga tanong na dapat masagot bago muling maibalik ang tiwala. Nagpatuloy siya sa paglakad, hindi lumilingon, hanggang sa marating niya ang
Last Updated : 2022-10-13 Read more