All Chapters of Lean on me, Daredevil: Chapter 11 - Chapter 20
68 Chapters
10 - Little Sister
“What the hell Amelia!” sigaw ni Kraner nang makitang naghuhubad na ng damit n’ya si Amelia. Naglilikot ito ngayon sa shotgun seat habang pilit na inaabot ang zipper ng kanyang damit. Mabilis na naupo si Kraner sa driver seat at pinigilan ang dalaga. “Huwag ka ng pakipot, Kraner.” Humagikgik si Amelia. Bakas sa mukha at kilos nito ang matinding kalasingan dahil sa dami ng alak na kanyang ininom kanina. “Sh*t!” mura ni Kraner ng sampalin s’ya bigla ni Amelia. Pilit n’ya kasing isinusuot sa dalaga ang seatbealt nito. “Sowri, masakit?” Hinaplos ni Amelia ang pisngi ni Kraner saka n’ya ito pinatakan ng mabilis na halik. “Ang likot mo kashi,” dugtong pa nito. “Ako pa ngayon ang malikot? Huwag ka nang iinom ulit. Please lang,” pakiusap ni Kraner habang minamasahe ang kanyang batok. Muli n’yang tinitigan ang katabing babae na namumungay ang mga mata dahil sa kalasingan. “Sino ang kaninang lalaki na kausap mo sa labas ng bar?” “Kish muna.” Ngumuso si Amelia at hinintay ang ibibigay na h
Read more
11 - Dinner Date
“ANO na namang pakulo ‘to, mom?” iritabling tanong ni Amelia nang marinig ang sinabi ng kanyang ina patungkol sa dinner date nilang dalawa ni Kiel bukas ng gabi. “Busy si Kiel sa trabaho n’ya kaya ‘wag n’yo nang gambalain ‘yong tao.”“We already call him, Amelia. Pumayag s’yang makipag-dinner date sa’yo.”“E ako? Tatanungin n’yo ba ako kung papayag ako?”“Amelia!” sita sa kanya ng kanyang ama. “Huwag mong magtataasan ng boses ang mama mo!”“Sa tingin n’yo ba ay mapipigilan ako ng arrange marriage na ‘to sa paghahanap sa pumatay kay kuya? Kahit pa ikulong n’yo ay at itali kung saan ay gagawa ako ng paraan para bigyang hustisya ang pagkamatay ni kuya Lucas! Hindi ang arrange marriage na ‘to ang pipigil sa akin na gawin ang mga gusto ko!”“Sige! Magmatigas ka! Tandaan mo, ikaw at ang kasal n’yo ni Kiel ang magliligtas sa Steinfeld Empire. Kung ayaw mong mawala sa mga kaibigan mo ang kompanya nila ay gagawin mo ang napagkasunduan ng pamilya natin sa kanila!”Pumayag s’ya na maipakasal kay
Read more
12 - Bodyguard
“Kuya, I told you West port tayo. You’re taking a wrong road,” untag ni Amelia sa taxi driver. Noong una ay akala n’ya may shortcut lang itong dinadaanan pero nagkamali s’ya. Lumalayo na sila sa dapat na pupuntahan n’ya. “West port, huh? At ano naman ang agenda mo sa lugar na ‘yon, Amelia?” Nagsitayuan ang balahibo ni Amelia nang marinig ang malalim at seryosong boses na iyon ni Kraner. Sa sobrang lamig ng boses nito ay nanginig rin s’ya. “A-Anong…p-paanong…” “Answer me, Amelia. Anong gagawin mo sa West port?” Mabilis na ipinarada ni Kraner ang taxi sa tabing kalsada bago lingunin ang babaing kasama n’ya na nakaupo ngayon sa backseat. “P-Pakialam mo ba! Pwede ba Kraner, ‘wag mo nga akong papakialaman sa mga desisyon ko!” Nagsalubong ang mga kilay ni Amelia nang hindi n’ya magawang buksan ang katabing pinto. “Open the door, Steinfeld! Lalabas ako!” “No. Not until you tell me what you’re up to.” “You’re busy, right? So why the hell you’re here?! Akala ko ba wala kang panahon par
Read more
13 - Cry On His Shoulder
Hindi magawang titigan ni Amelia si Kraner habang abala ito sa pagpupunas ng malamig na bimpo sa namumula n’yang balat. Tanging bra na lang ang suot n’ya pang-itaas kaya naman naiilang s’ya. “Mahapdi pa ba?” “H-Hindi na,” nauutal na sagot n’ya. Halata ang pamumula ng balat n’ya pero hindi naman ganun kalala ang paso. “Wear this,” abot sa kanya ni Kraner ng muscle shirt nito. “Paano ka?” “Malapit lang naman ang condo mo rito kaya ayos lang kung ibalandra ko muna saglit ang katawan ko,” kalmadong sagot nito sa kanya. “Lift your arms,” utos ni Kraner sa kanya na kaagad n’ya namang sinunod. Ang binata na mismo ang nagsuot sa kanya ng damit nito. Hindi n’ya alam kung papasalamatan n’ya ang babae kanina o sasabunutan ito. Napaso man s’ya atleast alagang Kraner naman s’ya. Hindi maipinta ang mukha ni Amelia habang sinasamaan ng tingin ang mga babaing pinagpipyestahan ng tingin ang katawan ni Kraner. May ibang pasimpling kinukuhanan ito ng litrato kaya naman nag-igting ang panga n’
Read more
14 - Her Rival
“She looks exhausted. Ano ba kasing ginawa n’yo kagabi at mukhang pagod na pagod si Amelia, huh?” tanong ni Daniel nang makitang mahimbing ang tulog ni Amelia sa swivel chair ni Kraner. “G*go!” iritabling saad ni Kraner bago kunin ang hawak na plastic ng kaibigan na naglalaman ng lunch nilang dalawa ni Amelia. Hindi na s’ya nakalabas kanina para kumain kaya naman nagpabili na lang s’ya sa mga kaibigan n’ya. Itinulak n’ya palabas ng opisina n’ya si Daniel bago ito sarhan ng pinto. Bumaling s’ya kay Amelia na mahimbing pa rin ang tulog. Matapos nitong umiyak kanina sa balikat n’ya ay nakatulog din ito kaagad. Hindi na s’ya nagtanong pa kung anong problema nito at hinayaan na lang itong umiyak. Kilala ng lahat si Amelia bilang matapang at palaban na babae. Kahit matalas ang dila nito ay may paninindigan naman ito sa mga salitang binibitawan n’ya. Wala s’yang pakialam sa opinyon sa kanya ng ibang tao. Wala s’yang pakialam kung minamata na s’ya ng iba, basta tatayo s’ya’t isasampal sa
Read more
15 - The Douchebag Pt. 1
“Anong ginagawa mo rito? Si Daniel ang maghahatid sa akin!” iritabling saad ni Amelia nang makitang si Kraner ang nakasunod sa kanya imbis na si Daniel. “Don’t worry, ihahatid lang kita sa University mo at hindi babantayan. I’ll fetch you later.” Kesa makipagtalo pa ay pumayag na lang si Amelia na magpahatid kay Kraner. Atleast s’ya ang pinili nitong samahan kesa sa santa-santitang Adela na ‘yon. Kumukulo talaga ang dugo n’ya sa babae kanina lalo na ng sabihin s’ya nitong mukhang kriminal. Tanggap n’ya pa kung ibang tao ang magsasabi nun sa kanya pero ang marinig ‘yon muna sa babaing akala mo santa ay ‘yon ang ikinaiinis n’ya. “Dapat inalo mo na lang ang pabebeng ‘yon! Halata naman kasing gusto n’yang magpapansin sa’yo.” “Don’t be jealous.” “Ikaw ang kapal talaga ng mukha mo!” Natawa si Kraner sa pahayag n’ya na nagpatigil naman kay Amelia. “Tss. Pasalamat ka gwapo ka,” bulong ni Amelia sa sarili bago iiwas ang tingin sa binatang kasama. “Tungkol sa sinabi mo kanina, Amelia. Hu
Read more
16 - The Douchebag Pt. 2
"Nasaan si Lilia?" tanong ni Amelia nang hindi n’ya makita ang isang kaibigan. "Nagbanyo lang," sagot sa kanya ni Noah na abala sa pagsubo ng french fries nito. Kaagad na nagtungo si Amelia sa banyo at hinanap ang matalik na kaibigan. Pagpasok n'ya palang ay rinig na n'ya ang mahinang paghikbi ng kung sino sa isa sa mga cubicle. Alam n'yang si Lilia ang umiiyak. Imbis na katukin ito ay mas pinili n'yang umalis na lang. "Hoy! Saan ka pupunta?" tanong sa kanya ni Noah nang makitang paalis na s'ya. "Yong pangbayad sa kinain namin!" "Palista muna!" Balik na sigaw ni Amelia bago tuluyang umalis. Wala naman talaga s'yang balak na magtagal pa 'ron dahil sigurado s'ya sa mga oras na 'to ay baka tumawag na si Torre sa pulis para ipa-blater s'ya matapos n'yang basagin ang mukha nito. Gusto n'yang makausap si Lilia patungkol sa totoong nangyari pero nagbago na ang isip n'ya ng marinig itong umiiyak. She'll fight for her. Hindi n'ya pipiliting hingian ng statement si Lilia dahil mas lalo
Read more
17 - Paasa
“Ano ba, Amelia! Matulog ka na!” iritabling utos ni Kraner sa katabing dalaga. Pilit kasi nitong inaalis ang unan na nasa pagitan nilang dalawa. Nilagay n’ya ‘yon para bigyang distansya ang katawan nila dahil nagpupumilit si Amelia na yumakap sa kanya. “Ano tayo? Teenager? Alisin na kasi natin ‘to!” Maktol ni Amelia. “No. Kapag inalis mo ‘yan ay pababalikin kita sa kwarto mo. Sige, pumili ka.” “You already finger f*ck me! Ngayon―” “Amelia!” Padabog na tumalikod ng higa si Amelia dahil sa pagka-irita sa lalaki. (Akala mo naman hindi n’ya nilalaplap labi ko. Hmp! ‘E sarap na sarap nga s’ya kung makahalik sa akin. G*go rin ih!) Pinilit ni Amelia na makatulog pero lumipas ang ilang oras ay nanatiling dilat ang mga mata n’ya. Pasimple s’yang lumingon kay Kraner para I-check kung tulog na ito. Napasimangot s’ya ng makitang nahihimbing na ito samantalang s’ya ay mulat na mulat pa rin. Maingat s’yang gumalaw paharap sa binata bago dahan-dahang tanggalin ang unan na nakaharang sa gitna
Read more
18 - Danger
Dinagsa ng mga reklamo at report si Torre matapos malaman ng ilang mga estudyante ang isinampang kaso ni Amelia sa matanda. Nag-file na rin ng warrant of arrest ang pulisya kay Torre dahil sa mga lumitaw na rape victim nito hindi lang sa University na pinapasukan ni Amelia kundi sa una pa nitong pinagtrabahuhan na eskwelahan. Patong na patong na kaso ang kakaharapin ni Torre at sigurado na si Amelia sa pagkapanalo n’ya sa korte. “Saan n’yo gustong kumain? Libre ko na!” Masayang pahayag ni Amelia. “Ayan na naman! Scam na naman ‘yan!” singhal sa kanya ni Noah. “Totoo na nga ‘to. Let go bar hopping! I-celebrate natin ang pagkakakulong ng gurang na ‘yon!” “Libre mo talaga?” tanong ni Noah na ikinatawa naman ni Lilia. Naninigurado ang binata na hindi na s’ya tatakbuhan ni Amelia. “Kulit.” “Tara na!” Hinanap ni Amelia ang kanyang bodyguard sa paligid. Alam n’yang nasa sulok-sulok lang si Kraner at nakamasid sa kanya mula sa malayo. Ayaw n’ya naman talagang mag-ala ninja ito habang
Read more
19 - Footage
“Anak, umuwi ka muna. Kagabi ka pa walang maayos na tulog at pahinga,” pahayag ng ina ni Amelia. “Nandito naman ang mga pinsan ni Kraner para alagaan s’ya. You need to home, baby and rest. Hanggang ngayon ay suot mo pa rin ‘yang duguan mong damit.” “I’m fine mom. Hihintayin kong magising si Kraner,” pagmamatigas ni Amelia. Stable na ang kondisyon ngayon ni Kraner matapos ang ilang oras nitong operasyon. Bukod sa tama nito sa hita at may tama rin ito sa likuran ang binata dahil sa pagsalo nito ng bala na dapat ay para sa kanya. Pasalamat na lang s’ya dahil hindi natamaan ang spinal cord nito, ganun din ang mga internal organs nito dahil kung hindi ay baka nag-aagaw buhay na ito ngayon. Ilang oras na ang lumipas matapos ang operasyon ni Kraner pero hindi pa rin ito nagigising. Mas nauna pang magising si Noah na may tama sa sikmura kesa kay Kraner. She’s blaming herself. Kung nakinig sana s’ya sa sinabi nito edi hindi sana naging malala ang sitwasyon nito ngayon. S’ya lang dapat an
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status