All Chapters of THE GAME MAKER (SPG): Chapter 81 - Chapter 90
93 Chapters
SW 11
Kinakabahan ako na baka hindi ko na maabutan si Drey.Mag aalas nuebe trenta na bago ako nakarating ng NAIA.Pagbaba ko hinanap ko agad ito."Drey?!Drey!!"sigaw ko nang makita ko sila na magkasama ng Mommy niya at ni Sara."Anung ginagawa mo dito?"tanong agad ni Ma'am Dahlia sa akin.Hindi ko ito pinansin sa halip pumunta ako sa harap ni Drey."Drey akala ko okay na tayo,sabi mo hindi mo ako iiwan"umiiyak na sabi ko dito."Sara,Drey halina kayo,papasok na tayo sa loob"-matigas na utos na sabi ng Mommy nito."No!Drey ,please nakikiusap ako,puwedi ba ako naman ang piliin mo?"-lumuhod na ako sa harap niya."Puwedi ba kami naman ng baby natin ang piliin mo?buntis ako !"nag mamakaawang sabi ko dito.Pero wala akong nakitang emosyon sa mukha niya.Humarap ako kay Sara habang nakaluhod.Yumuyuko akong umiiyak dito at rinig ko ang singhapan ng mga tao sa paligid ko."Maawa ka sa akin,buntis ako.Kailangan ng baby ko ng isang ama"-namamaos na sabi ko dito at hindi na rin ako makahinga dahil sa
Read more
SW 12
Nagpasalamat ako kay Zack dahil hindi niya ako pinabayaan.Napag usapan namin na pagkatapos ng graduation ako uuwi sa probinsya.Inaayos ko na ang aking mga gamit para hindi na ako mahirapan mag impake kung sakali.May check up pala akon ngayong araw kay Doc Garret,gagayak na rin ako para maaga ako makarating dahil pilahan lagi ang check up.Maya maya may narinig akong katok.Baka si Zack lagi naman nandito sa apartment ko,noong nakaraan buwan siya nagbayad nito.Hindi naman masyado malaki ang pera na iniwan ni mama sa akin kaya sobrang nagtitipid talaga ako.Pagbukas ko ng pinto,hindi si Zack kundi si Bea at may kasamang Napakaganda at seksi na babae."Bea?"-usal ko kaagad dito."Nagtatago ka ba sa amin Jane?"-sabi nito sabay tingin sa maumbok kong tiyan.Yumuko lang ako dito,pinapasok ko muna sila at pinaghanda ng meryenda."Jane,si Jenny pala katrabaho ko"-pinakilala kami sa isa't isa ni Bea."Hi,Jane your so pretty naman and I like your chinita eyes"-malambing sabi nito.Napanganga la
Read more
SW 13
Na stressed talaga si Doc Garret kay Jenny.Dahil bago kami umuwi bumanat na naman ito akalain mo ba naman hinimas muna ito ang nakabukol sa loob ng pantalon ni Doc,ayon si Bea kanda samid na sa kakatawa at ako naman panay hingi ng pasensiya.Pagkatapos ako ihatid sa bahay nagpaalam na ang dalawa dahil may trabaho pa daw sila.Kinabukasan maaga akong pumunta sa paaralan dahil may pictorial kami.Nakita ko si kelly na panay lingon nito at parang may tinataguan."Kelly"-sigaw ko dito."Jane,tang ina naman tinutugis ako ni Kingston"-sabi nito na hinila ako papuntang tambayan namin.Oo nga pala nasa News na rin si Kelly dahil sa ginawang iskandalo sa kasal ni Lewis Kingston na apo ng isang Bise Presidente ng Pilipinas.Kilala ko ito dahil sikat ito sa mga Men's Magazine at kilalang Business Tycon."Bakit kasi ginawa mo iyon"-sermon ko."Hindi ko talaga alam,mag dadasal sana ako,hindi ko naman akalain na totoo na kasal iyon,alam mo naman minsan may mga artistang nag shoshooting sinubukan ko l
Read more
SW 14
Ngayong araw ang Graduation Day ko at sobrang tuwa ko dahil kumpleto ang mga kaibigan ko kahit si Cassy na may kalakihan na ang tiyan dumating din kasama ang Asawang si Ulysses.Nandito rin si Zack na napag alaman ko na matalik na magkaibigan pala sila ni Ulysses.Nakakatuwa pa dumating rin si Jenny,ang bait niya talaga kahit puro kalokohan ang ginagawa."Congratulations!"-sabay sabay na sabi nila.Napaiyak tuloy ako,hindi ko akalain sa lahat ng nangyari sa akin heto may mga kaibigan akong lagi nasa tabi ko."Let's go guys , Let's celebrate na!"yaya ni Kelly.Ginanap ang kunting salo salo sa Restaurant nila Ann,at kami lang talaga ang tao doon.Sa isang mahabang mesa kami lahat na nakaupo."Mukhang tumatanda na si Ulysses-"pang aasar dito ni kelly.Tawanan ang lahat pero irap lang abot namin kay Ulysses."Baby bawal iyan sa iyo"-sabi ni Ulysses kay Cassy dahil nagsalin ito ng alak sa baso."Kunti lang naman eh!"-nakasimangot na sabi nito.Masaya ako para kay Cassy dahil nakikita kong ma
Read more
SW 15
Nagtext sa akin si Kelly na hindi ito makasama sa pag uwi ko ng Sorsogon.Maaga daw kami aalis ,kaya maaga pa lang gumayak na ako.Maya maya lang dumating sila Bea at Jenny.After Five minutes dumating din si Zack.Sa isang Van na kami sumakay.Si Zack ang driver namin at katabi ko ito sa front sit.Nag salitan sa pag drive si Zack at Bea."Kain muna tayo guys,gutom na ako"-reklamo ni Jenny.Naghanap si Zack ng Isang Restaurant.Bumaba na kami at pumasok sa loob.Ang daming inorder ni Zack at Kailangan pa namin maghintay ng ten minutes,nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta ng comfort room.Zack POVNagpaalam muna si Jane na pupunta sa Cr.Tama nga si Ulysses nakakatakot talaga itong dalawang babae."Zack Santiago"-nakangisi na saad ni Bea."Bakit ninyo tinago kay Jane ang sitwasyon ni Drey Monteverde?"-galit na sabi nito na ikinabigla ko."Anong ibig mo sabahin?"-kinakabahang tanong ko dito.Nakangisi lang silang dalawa.Hanggang bumalik na si jane sa mesa namin.Pagbalik ko sa table nami
Read more
SW 16
Kabuwanan ko na kaya hindi ako masyado makagalaw.Buti na lang nandito lagi si Kara na kasa kasama ko lagi,panganay na anak ni Aling Ninay.Labing walong taon pa lang ito at napaka inosente nito."Ate kumain na po kayo"-saad nito ."Sige sabayan mo na ako"-sabi ko dito.Pagkatapos namin kumain siya na rin nag ligpit at nagpahinga muna ako sa Sala.May sasakyan tumigil sa harap ng bahay ko at bumaba si Zack."Zack"-tawag ko dito,marami itong dala dala.Panay naman ang tingin ni Zack kay Kara.At si Kara naman nakayuko dahil likas na mahiyain ito.Ngumiti si Zack sa akin."Hi"-saad nito."Kumain ka na ba?kakatapos lang namin kumain ni Kara"-sabi ko dito na tutulungan ko sana sa mga dala dala niya pero tumanggi ito dahil nga hindi na rin ako masyado makagalaw."Yeah I already have my Breakfast"-saad nito na umupo sa harap ko."Bilog na bilog ka"-Tumatawa na sabi nito."Oo,malapit na din lumabas ang mga ito"-tuwa na sabi ko sabay haplos ng tiyan ko."Magpahinga ka muna at alam ko pagod ka p
Read more
SW 17
Sobrang bilis ng araw at malapit na mag iisang taon ang triplets .Sa isang buwan dalawang beses pumupunta si Zack at kasama nito si Jamie na nagtataka talaga ako na panay kuha ni Jamie ng litrato sa Triplets,baka na cutan lang."Dapat bongga ang birthday ng triplets,kami na ang bahala sa gastos, Jane"-saad ni Jamie na kalong kalong si Damien.Ngumiti lang ako dito.Nakapasa na ako sa nursing board exam kaya dalawang buwan na ako nagtatrabaho sa hospital.Si aling Ninay at Kara ang nag aalaga sa Triplets."Maraming salamat sa inyo"-nakangiti na sabi ko dito.Tawa ng tawa si Zack dahil marunong na rin gumapang si Danrey,ang kulit nito kaysa sa dalawang kambal niya.Kamukha lahat ni Drey ang Triplets, Napabuntonghininga na lang ako.Kamusta na kaya siya?May anak na din ba sila ni Sara?Nagpaalam na rin sila Zack at Jamie dahil may pupuntahan pa daw sila.Lumipas ang araw bumisita rin sila Bea at Jenny na sobrang dami rin ang dala para sa Triplets.Sobra sobra na naitulong ng dalawang ito sa
Read more
SW 18
Ngayong araw ang kaarawan ng Triplets hindi sukat akalain ko na dumating sila lahat dito,nakakaiyak sobra.Si Cassy at Ulysses kasama nila ang kanilang napaka guwapong Kambal,si Ann at Lance may super cute at pretty na si baby LA(Loraine Avril),si Kelly ayon panay ang simangot dahil lagi naiinis kay Lewis Kingston at medyo malaki na rin ang tiyan nito,si Bea at Jenny ,single pa rin ang dalawa.Nandito rin ang mga kapatid ni Ann na Sina Roice at Ross.Wala talaga akong nagastos sa kaarawan ng Triplets dahil sila lahat ang gumastos dito.Ang kukulit din ng anak ni Cassy,nakakatuwa.Nakita ko si Kelly na ang sama talaga ang tingin sa asawa niya."Bakit ganyan ang mukha mo?"-natatawang tanong ko dito."Alam mo Jane may kabit talaga iyang si Lewis ,pag nalaman ko talaga na may babae siya,puputulin ko talaga ang malaking sandata niya"-inis na sabi nito. Hinaplos ko ang kanyang tiyan."Huwag ka lagi magpaka stressed,ang laki na ng tiyan mo"-masaya ako kay Kelly,nakikita ko naman na mahal siy
Read more
SW 19
Dalawang araw na nakalipas ang kaarawan ng triplets, something wierd kasi parang biglang tahimik ng mga boys .Four pm pa lang off duty ko na ,kaya maaga ako naka uwi.Nagulat ako na nandito ang kotse ni Zack at may dalawang kotse pa na nakaparada ,parang ang isa kay Jamie iyon pero ang isa hindi ko kilala.Nagbayad muna ako sa traysikel driver,nadatnan ko sa loob na na nakaupo si Zack, Jamie ang Roice.Binati ko ang mga ito."Bakit nandito kayo?"-nagtatakang tanong ko sa kanila."Please sit down Jane,may pag uuspaan tayo"-seryosong saad ni Jamie.Umupo ako sa harapan nilang tatlo."Tungkol saan"-agad na tanong ko."Jane,sorry kung nag sinungaling kami, it's so very complicated,sinunod lang namin ang kagustuhan ni Drey na huwag sabihin sa iyo at itago ito"-madamdaming saad ni Zack.I'm so confused!"A-ano ang ibig niyo sabihin?"-kinakabahang tanong ko dito."Hindi nagtaksil si Drey,hindi kailanman niloko ka niya,hindi siya sumama kay Sara,Jane,Drey is diagnosed a brain tumor"-naluluhan
Read more
SW 20
Hindi na namin sinama ang triplets ,iniwan na lang namin ito kay Kara.PAgdating namin sa hospital nakasalubong ko ang Mommy ni Drey si Ma'am Dahlia.Nakatingin ito sa akin at bigla lang nito akong niyakap."I'm so sorry Hija,alam ko malaki ang kasalanan ko dahil sa ginawa ko pero lahat na ito ay plano niya dahil ayaw niya ipaalam ang kanyang sitwasyon"-humahagulhol ito ng iyak.Hindi ko rin napigilan umiyak.Dinala na nila ako sa isang kuwarto.Pagbukas ng pinto doon ko nakita na ang lalaking mahal ko na puno ng aparato ang katawan.Muntik na akong matumba kung hindi agad ako naalalayan ni Jamie.Makina na lang ang bumubuhay sa kanya.Hindi ko napigilan pumalahaw ng iyak,ang sakit!ang sakit tingnan ang kanyang sitwasyon.Lumapit ako dito.Ang payat niya at ang putla pa.Ang layo sa dati niyang itsura."Drey?"-paos na ang boses ko habang sinasambit ang kanyang pangalan."Drey,lumaban ka,nandito na kami ng mga anak mo!"-halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak."Alam mo ba,tinatawag na nil
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status