Semua Bab Ang Unang Tagapagmana: Bab 11 - Bab 14
14 Bab
Kabanata 11
NAKABABA na siya ng elevator at naglalakad sa ground floor hallway papuntang cafeteria ng ospital nang may biglang tumapik sa balikat niya."Have you thought about it?"Napalingon siyang bigla. Sa gulat niya nang makita ang nasa likuran ay napaatras siya at muntikan nang matumba. Nasalo siya ng taong kausap. Nakakapit ang kamay sa beywang habang ang kabilang kamay ay sa braso. Kung may makakakita sa kanila ay para silang nagsasayaw ng tango at nag-dip ang kaparehang babae pahiga."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang marahang tumatayo at inaayos ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin at dumistansya habang palinga-linga sa paligid. Alam naman niyang wala roon ang taong kinatatakutang makita."I came to see you."Pinigilan niya ang sariling lumapit sa kausap. Pumikit muna bago nagsalita. Sinusubkang pakalmahin ang sarili dahil sa sitwasyon."Hindi ba kakasabi ko lang kanina, bukas na tayo magkita at mag-usap sa opisina." Hindi niya alam kung tama ba ang tono ng pananalita niya na tu
Baca selengkapnya
Kabanata 12
SA mga panahong iyon naisip ni Princess na sana ay nakinig siya sa mga payo sa kanya noon na huwag gagawa ng desisyon kapag nasasaktan o kaya ay galit. She made a big one that day and it changed her life completely."Hello?" alas-siete ng gabi nang makatanggap siya ng tawag. Hindi na niya nasilip ang caller id dahil galing siya ng banyo, nakatapis lamang ng tuwalya at nagtutuyo ng buhok matapos mag-shower. "Hello? Princess?"Tiningnan ni Princess ang numero sa phone ngunit hindi niya iyon kilala. Hindi nakaregister ang number ng kausap."Yes, sino 'to?" "Si Charisse, classmate mo nung college. Buti pala ito pa rin ang number mo. Ano kasi--" Napairap si Princess dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ng kausap. Mangungutang ba itoJ? Hindi naman sila gaanong close ni Charisse. Kaklase nga niya ito noong college at nagkapalitan lang sila ng number dahil sa isang school project. Marahil hindi nagpalit ng cellphone simula noon ang kausap niya kaya't alam pa rin nito ang phone number n
Baca selengkapnya
Kabanata 13
   THE door opened even before she could reach the third count. Sa kabila ng pinto ay may bumalandrang babaeng mahaba ang buhok, manipis ang kilay, hindi katangusan ang ilong at makapal ang namumulang mga labi. Kung titingnan ang katawan ay hindi rin proportion. Mas malaki ng mga dalawang beses ang dibdib ng babae kaysa sa balakang niya. Mukha siyang donut na nakatusok sa barbecue stick.  "Darling, sino ba 'yan? Ang ingay, nakakahiya sa ibang kwarto." Naka-lingerie na pula ang babae na kasingpula ng lipstick ng labi. Hindi naman sa nanghahamak siya ngunit mukhang pokpok ang babae.  "Ex-fiancee niya 'ko. Ikaw sino ka?" Nakangising sabi ni Princess.  "Hon--"  "Fiancee?"  Magkasabay pa nasalita ang bab
Baca selengkapnya
Kabanata 14
NAPABUNTONGHININGA si Princess habang inaalala ang mga sumunod na nangyari.Princess felt heartbroken and humiliated. Ang masakit pa, wala siyang mapagsabihan ng mga suliranin niya. Wala siyang makaramay na kahit na sino man lang ngayong puno ng pighati at galit ang buhay niya dahil sa tagpong nasaksihan. Hindi naman niya pwedeng tawagan si Charisse at sabihin na tama nga siya at lunukin niya ang pride niya para magpasalamat sa impormasyong nanakit sa kanya ng husto. Akala ni Princess, makukuha niya ang sagot sa mga katanungan kung papaandarin lang niya ang kotse na walang patutunguhan ngunit hindi pala. She went to a place where she thought she could forget about everything. Sa isang bakanteng lote ang parking lot ng isang sikat na bar sa Malate, Manila. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang dalawang parking space na bakante. May kotseng naka-hazard na pumasok sa isa sa mga bakanteng slot.Papasok na siya ng parking slot na natitirang bakante nang mag-ring ang phone niya. She s
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12
DMCA.com Protection Status