All Chapters of I'm His Personal Maid : Chapter 61 - Chapter 70
76 Chapters
Kabanata 54
Kevyn's POV"'MA, aalis na po kami," paalam ko sa Mama ni Mara nang paalis na kami. Hanggang ngayon naiilang pa rin ako na tawagin silang Mama at Papa dahil hindi ako sanay pero masasanay din siguro ko kapag tumagal."Sige, hijo mag-iingat kayo, ha?" bilin ng Mama ni Mara at saka ngumiti sa amin. Lumapit pa siya kay Mara at nagbeso, ganoon rin sa akin."Sige po, Ma," ani naman ni Mara at ngumiti. Ngumiti muli ako at saka naglakad na kami patungo sa kotse. Pinaandar ko iyon at bumaling kay Mara. Kita ko ang kaba sa kaniya ngayon. Ngayong araw kasi namin napagpasiyahang aminin kila Mommy at Nicko na kami na. Ilang linggo na ring kami at sa tingin namin ito na ang tamang panahon para aminin namin sa kanila ang relasyon namin. Hindi na rin muna ako nagpasiyang bumalik ng Maynila. Kapag maayos na ang lahat dito saka ko aayusin ang problema ko sa Maynila. Balak ko ring isama si Mara, kung papayag siya.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwal na official na kami dahil akala ko'y tuluya
Read more
Kabanata 55
Mara's POV"NONG mga oras na 'di mo ako pinansin, ano 'yong sinabi mo sa akin na pinag-isipan mo? Ano 'yong bagay na nilinaw mo?" tanong ko kay Kevyn. Kasalukuyan kaming naglalakad sa dalampasigan kung saan ko siya noon unang dinala. Gusto niya raw kasing bumalik doon. Naalala ko tuloy 'yong mga nangyari sa lugar na ito. No'ng natamaan ako ng bola sa pisngi at hinila niya ako patungo sa tindahan para manghiram ng ice pack, hanggang sa siya na rin ang naglapat niyon sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil noon pa lang concern na rin siya sa akin.Tiningnan niya ako. "Ah, 'yon ba? That was the time na naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko sa'yo at kay Jenicka. Oo, medyo may naramdaman akong pananabik kay Jenicka, no'ng bumalik siya pero nawala rin agad. Marahil dahil naging parte pa rin siya ng puso ko at matagal din kaming hindi nagkita. Hanggang sa napagtanto ko na mas higit ka sa puso ko. Sobrang na-miss kita at hindi ko rin kinayang hindi ka pansinin ng matagal," paglalaha
Read more
Kabanata 56
"ANAK, malaki ka na at alam mo na kung ano ang mas makakabuti para sa iyo. Kung saan ka masaya doon lang kami at hanggat masaya ka susuportahan ka namin ng Papa mo. Nasasa'yo ang desisyon at hindi kami manghihimasok sa desisyon mo," seryosong sabi ni Mama nang sabihin ko sa kaniya ang alok ni Kevyn sa akin na sumama ako sa kaniya sa Manila. Tinapik pa niya ang balikat ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sarilinin ang pagdedesisyon, gusto ko ring marinig ang opinyon nila. Katulad ng inaasahan ko hindi sila tumutol at supurtado nila ako sa magiging desisyon ko. Tahimik lang ako habang nakikinig."Saka naisip din namin ng Mama mo na darating din naman ang panahon na mag-aasawa ka at lilisanin mo ang bahay na 'to. Huwag kang mag-alala sa amin, masasanay rin kami. Ganoon naman talaga ang buhay anak, hindi habang buhay nasa poder ka namin ng Mama mo dahil darating ang panahon na mag-aasawa ka at bubuo ng pamilya," sabi naman ni Papa. Inakbayan pa niya ako at hinimas ang balikat ko. Ngumiti pa s
Read more
Kabanata 57
EXCITED akong naglakad papasok ng mansyon. Sa pagkakataong ito, hindi ko sinungitan si kuyang gwardiyang masungit na istatwa doon sa gate. Nginitian ko siya at pinakita sa kaniya ang saya at excitement na nararamdaman ko ngayon dahil gusto ko lang. Hindi ko alam pero may kaba akong nakakapa sa mga oras na ito.Nakapagdesisyon na ako at ngayon ko na sasabihin kay Kevyn ang naging pasiya ko sa alok niya sa akin na sumama sa Manila. Nahirapan akong magdesisyon pero alam kong dito ako magiging masaya. Hindi mapalis ang ngiti sa aking mga labi habang binabagtas ko ang hallway patungo sa main door ng mansyon. Tila nakikisimpatya rin sa akin ang magandang panahon. Narating ko ang tapat ng main door. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang aking sarili bago ko pinindot ang doorbell. Bakit kinakabahan ako ng marinig ko ang tunog ng doorbell? Excited lang siguro ako."O, Mara, ikaw pala," bungad ni Ate Mil nang pagbuksan niya ako ng pinto. Makahulugan pa siyang tumingin sa akin."Alam ko 'ya
Read more
Kabanata 58
"ITO NA nga ba ang ikinatatakot ko, ang magkamali ka na naman, Mara. Kapag nakikita ka naming nasasaktan, doble ang sakit na nararamdaman namin ng Mama mo," galit na sabi ni Papa. Nakatayo siya ngayon habang sapo ang noo. Ayaw ko sanang ipaalam ang nangyari, kaya lang nahalata rin nila dahil umuwi akong namamaga ang mga mata at tila lantang gulay. Damang-dama ko ang sakit at parang hindi ko ata kaya tanggapin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil pinaniwala ako ni Kevyn na mahal niya ako."S-sorry po, 'Pa!" nahihirapan kong sagot dahil sa kakaiyak."'Pa, huwag mo ng pagalitan ang anak natin," pigil ni Mama kay Papa. Bumaling siya sa akin. "Anak, tahan na. Ganiyan talaga ang pag-ibig, hindi maiiwasang hindi masaktan ang puso mo pero tandaan mo anak, na sa tuwing nasasaktan ka, do'n ka mas lalong natututo," mahinahong sabi ni Mama habang hinihimas ang buhok ko. Napabuntong-hininga na lang si Papa habang malungkot na nakatingin sa akin. Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Kailan
Read more
Kabanata 59
"HAY, NAKU! kaya ang hirap magtiwala sa mga pogi't mayayaman, e. Kapag nakita ko talaga 'yang dalawang 'yan, pagbubuhulin ko sila. Mga bwesit!" nang gigigil na sabi ni Maica matapos nitong malaman ang nangyari sa pagitan namin ni Kevyn. Kasalukuyan kaming nandito sa silid ko kasama si Oscar. Kanina pa ngang nang gigigil 'tong si Maica."Para namang ang tangkad mo at kayang-kaya mo ang mga iyon. Mas matangkad pa kaya sa 'yo si Jenicka. Baka ikaw pa ang ibuhol no'n sa laki ng katawan mo," banat naman ni Oscar na natatawa.Nagsalubong ang kilay ni Maica na nilingon si Oscar. "Ano bang problema mo sa akin, ha? Inaano ba kita? Bakit mo ako laging kinokontra?" inis na bulyaw ni Maica kay Oscar. Nginusuan pa niya ito.Kahit pa paano gumagaan ang pakiramdam ko kapag nandito sila. Pansamantala kong nalilimutan ang sakit na nadarama ko. Kahit pa paano nakakangiti ako at hindi umiiyak. Simula kasi nang mangyari iyon, halos araw-araw akong umiiyak. Sa tuwing naalala ko ang nangyari, bigla na lang
Read more
Kabanata 60
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising. Naisip ko na dapat gumawa ako ng paraan para kalimutan si Kevyn dahil pakiramdam ko'y mababaliw ako kakaisip sa kaniya. Kailangan kong gumawa ng mga bagay na magiging daan para kahit pa paano makalimutan ko siya. Hindi pwedeng nakakulong lang ako sa kwarto ko dahil mas lalo lang akong nalulungkot at hindi makakalimot.Pagkalabas ko ng banyo, dumeretso agad ako ng kusina para magluto ng almusalan. Tulog pa silang lahat. Sinangag ko ang bahaw at nagprito ng tuyo at itlog. Ganoon naman kasi ang palagi naming almusal. Nag-init na rin ako ng tubig para sa paggising nila magtitimpla na lang ng kape.Isang oras pa ang lumipas at nagising na silang lahat. Lahat sila nagulat at nagtaka ng makita ang hapag na may pagkain na. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa kanilang lahat."Ate, ikaw nagluto niyan?" gulat na tanong ni Jastro.Nakangiti akong tumango sa kanila. Napangiti naman sila Mama at Papa. "Masaya kami, anak para sa'yo. Tama 'yan, kailangan mong ituo
Read more
Kabanata 61
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon.Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko magawang kalimutan siya at hindi ko rin magawang alisin sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sobrang hirap niyang kalimutan."Mara!"Napailing ako. Bakit ba naririnig ko na naman
Read more
Kabanata 62
NAGISING AKO mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pumikit muli ako kasabay nang aking pag-inat. Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Bumaba ako ng katre at sinuot ang tsinelas. Nadatnan ko sila Mama na kasalukuyang nag-aayos ng hapag."Mabuti naman at nagising ka na. Hali ka na't kumain," ani Mama ng makita akong papalit sa hapag."Okay ka lang ba, anak? Sabi ng mga kapatid mo umuwi ka daw na umiiyak kanina. May nangyari ba?" usisa naman ni Papa. Biglang naalala ko ang tagpo namin ni Kevyn sa bukid kanina, kung saan tinapos niya ang lahat. Kung saan hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw ko.Yumuko ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandiyan na naman ang labis na sakit at lungkot. "Ma, Pa, akala ko magiging masaya na ako kapag tinigilan na ako ni Kevyn. Akala ko magiging okay na ako, pero hindi. Mas lalo akong nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala. Gusto ko ring
Read more
Kabanata 63
DALAWANG LINGGO na ang lumipas simula ng tuluyan akong iwan ni Kevyn. Sa dalawang linggong 'yon, umasa akong makikita ko siya sa harap ng bahay na nakangiti. Na maririnig ko siyang kumakatok. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto, mabubungaran ko ang gwapo niyang mukha na nanabik sa akin. Pero umasa lang ako at hindi 'yon nangyari. Halos araw-araw akong umiiyak at parang hindi nauubos ang mga luha ko.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na tanda kung kailan ako huling lumabas ng silid kong ito. Palagi lang akong nandito. Para akong may sakit na inaalagaan na lang. Wala kasi akong ganang gumalaw at tumayo. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kevyn at hindi na babalik pa."Ate, kailangan mong lumabas, may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay Melay. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Para ring mahalaga ang taong naghahanap sa akin dahil bakas ang gulat sa mukha niya. Agad akong napatayo. Baka si Kevyn ang nandiyan. Baka babalikan na niy
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status