Share

Kabanata 60

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising. Naisip ko na dapat gumawa ako ng paraan para kalimutan si Kevyn dahil pakiramdam ko'y mababaliw ako kakaisip sa kaniya. Kailangan kong gumawa ng mga bagay na magiging daan para kahit pa paano makalimutan ko siya. Hindi pwedeng nakakulong lang ako sa kwarto ko dahil mas lalo lang akong nalulungkot at hindi makakalimot.

Pagkalabas ko ng banyo, dumeretso agad ako ng kusina para magluto ng almusalan. Tulog pa silang lahat. Sinangag ko ang bahaw at nagprito ng tuyo at itlog. Ganoon naman kasi ang palagi naming almusal. Nag-init na rin ako ng tubig para sa paggising nila magtitimpla na lang ng kape.

Isang oras pa ang lumipas at nagising na silang lahat. Lahat sila nagulat at nagtaka ng makita ang hapag na may pagkain na. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa kanilang lahat.

"Ate, ikaw nagluto niyan?" gulat na tanong ni Jastro.

Nakangiti akong tumango sa kanila. Napangiti naman sila Mama at Papa. "Masaya kami, anak para sa'yo. Tama 'yan, kailangan mong ituo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status