Umalis si Xozarth pagkatapos niyang isalin ang dragon bone sa katawan ni James. Hindi rin nagtagal si James doon at mabilis na umalis sa ilalim ng lupa para bumalik sa ibabaw ng isla. Pagkatapos nito, pinalabas niya sina Henry, Delainey, ang Blithe King, at Quintina mula sa Celestial Abode. "Kumusta, James?" Kaagad na nagtanong si Henry sa sandaling nakalabas siya. Tumingin din si Quintina kay James. Interesado siya sa kung anong nangyari sa dragon bone. Tumango si James at nagsabing, "Mhm, maayos naman ang lahat. Matagumpay na naisalin sa katawan ko ang dragon bone." Nagtanong si Delainey, "Anong susunod mong gagawin, James?" Pinag-isipan ito sandali ni James. Sa umpisa, gusto niyang magcultivte sa Ancient Realm at bumalik sa Earth pagkatapos makakuha ng sapat na lakas. Gayunpaman, magulo ang sitwasyon sa Ancient Realm at hindi ito naaayon na lugar para magcultivate nang mapayapa. Mas mapanganib na ang Ancient Realm kumpara sa Earth. Sabi ni James, "Balak kong buma
더 보기