ILANG ARAW na ang nakalipas na palaging maagang pumapasok sa opisina si Carry, madalas kasi siyang magising ng madaling araw na nagsusuka daig niya pa ang naka-inom ng alak. Umaalis siyang tulog na tulog pa ang asawa dahil may hang over ito. Sa gabi naman ay napadalas ang pag-uwi ni Zael ng madaling araw at palaging lasing, minsan ay hindi niya na mamalayan ang pagdating nito pero minsan ay nadadatnan siya nitong kumakain ng midnight craving niya. Malamig ang pakitungo nila sa isa't-isa, hindi na katulad ng dati. Wala na silang communication sa isa't-isa ni hindi na nito magawang mag text o tumawag sa kaniya. Palagi na rin silang hindi sabay kumain. Napatingin siya sa pambisig na relo. “Lunch na pala, kain tayo sa labas?” Alok niya kay Avril na ikinalawak ng ngiti nito. “Libre mo?” Tumango siya kay Avril. “May bagong bukas na maliit na kainan diyan sa kanto, sa tingin ko masarap ang pagkain try natin?” Dagdag pa nito.“Sige.” Sabay silang naglakad palabas ng boutique. Sumakay sila sa
Read more