SABRINA'S POV“Oh, ang aga mo naman bumalik,” bungad sa akin ni Sheryl pagpasok ko sa bahay.“Bat ka nandito?” tanong ko sa kaniya saka nilapag ang bag ko sa lamesa at sinalampak ang sarili sa sofa. “Si Hope?”“Ayun, pagkatapos naming maglaro, pinatulog ko na muna. Sabi ko gigisingin ko na lang siya pag nandiyan ka na. Hindi ko naman alam na maaga ka palang uuwi,” pagkukwento nito. Napatango na lamang ako saka ipinikit ang mata ko. “Ano? Tutulugan mo ko?! Girl, di ako dumiretso dito pagkatapos kong saluhin ang trabaho mo para makita kang matulog,” pagrereklamo nito sa akin.“Hindi ko naman sinabing gawin mo ang work ko.” Nanatili akong nakapikit habang sinasabi iyon. Sa totoo lang ay wala akong enerhiya upang magkwento sa kaniya.“Ito naman, Sabby, sige na. Ikwento mo na sa akin ang naging date niyo ni fafa Clint,” pangungulit nito na sinabayan pa niya ng pagyugyug sa kamay ko.Inis kong idinilat ang mga mata ko. “Huwag mo na nga ipaalala sa akin yang Clint na yan,” inis kong sabi.
Read more