All Chapters of Office Romance: Who's your Daddy?: Chapter 21 - Chapter 30
61 Chapters
CHAPTER 20
" Uwing-uwi ka ngayon, ah? May lakad ka? " tanong ni Jana nang maabutan niya akong nagliligpit na ng gamit sa cubicle ko gayong may thirty minutes pang natitira bago matapos ang office hours. " Wala naman. May dadaanan lang akong store malapit dito dahil alas siyete ang sara noon. Baka wala akong maabutan, " pagsisinungaling ko dahil nasa labas si Sir Joaquin at kausap si Miss Lizzie sa table niya. Hindi man siya nakatingin dito, may tainga siya para marinig ang anumang lalabas sa bibig ko. Matapos niya akong pagbawalan, hindi ko na tinangka pang buksan ang topic tungkol sa Angel's Bar sa iba kong kasama dahil may plano na ako ng pansarili ko lang. " Kasama mo si Terrence? " Nakangising tanong saakin ni Jana at kita ko mula sa peripheral vision ko ang pagtingin ni Sir Joaquin sa gawi namin. Sinundot ni Jana ang braso ko. " Kayong dalawa, ah? Akala ko ba hindi na kayo nag d-date? Bakit parang may something pa rin sainyo? " " Binibigyan mo kasi ng ibang meaning 'yong galaw ni Terrenc
Read more
CHAPTER 21
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang pahampas na inilapag ni Sir Joaquin ang dyaryo sa mesa niya. Bungad na bungad roon ang picture namin ni Archer na papasok sa loob ng Angel's Bar. Mayroon pang isang picture kung saan nakuhanan ang gulo na nangyari sa loob at iyong lalakeng nakaaway namin ay anak pala ng isa sa owner noong Angel's Bar. Hindi ko na kailangan basahin ang nilalaman noong storya dahil kahit sa internet, nagkalat din ang article tungkol saamin ni Archer. " Iba talaga ang katigasan ng ulo mo, Cabrera, " kalmado pero mababakas ang pagkadismaya sa boses ni Sir Joaquin habang pinapatay ako sa tingin. " Hindi ka talaga mapagsasabihan, 'no? Talagang ipipilit mo kung ano ang gusto mo at hindi mo man lang inisip 'yong consequences ng ikikilos mo. " Pinili kong hindi muna magsalita dahil alam kong marami pa siyang bala na patatamain saakin. Inasahan ko ng may lalabas na article tungkol sa nangyaring gulo sa sikat na bar na 'yon pati na rin sa pagkakadawit ng pangalan n
Read more
CHAPTER 22
Iniabot saakin si Moira ang isang pamilyar na ticket mula sa Angel's Bar kung saan binibigyan nila kami ng 50% discount bilang parte ng paghingi nila ng dispensa sa nangyari noong nakaraang gabi. Naglabas na sila ng statement at inaako nila ang pagkakamali na ginawa noong anak ng isa sa mga owner ng bar. " Ang sabi noong babaeng nagpakilalang secretary ng owner ng bar, tatlong beses daw 'yan puwedeng gamitin sa Angel's Bar sa loob ng isang buwan. Ipakikita lang daw 'yan sa guard at sa staff doon kapag nagpunta ka, " paliwanag ni Moira, " Gusto noong secretary na personal na iabot sa'yo 'yan, pero ang tagal mo kaya iniabot na lang saakin. " Hindi ko maiwasang mapangiti dahil tila pinadali lang nila ang plano kong pagpasok muli sa bar na 'yon. Akala ko iba-ban kami doon. " Puwede bang sumama diyan? " tanong ni Jana saka kinuha sakin 'yong card. " Grabe, sa card pa lang na'to kitang-kita na kung gaano sila kagalante. Gold talaga? Puwede kaya itong isanla? " Kinuha ko ito kay Jana at
Read more
CHAPTER 23
" Ihahatid na kita. " Naalis ang tingin ko sa mga kapulisan nang lapitan ako ni Sir Joaquin. " Alas-onse na, masyado ng late para bumyahe ka nang mag-isa. " Binalik ko ang tingin sa mga kapulisan kung saan abala sila sa pagkolekta ng mga nakumpiskang ipinagbabawal na gamot at mga matataas na kalibre ng barill na nakuha rin mula sa basement. Nakalatag ang lahat sa ibaba kasama ang mga collar na sa wakas ay nailais na sa leeg ng mga kababaihan at ang mga remote na kumo-kontrol sa mga ito. May mangilanniglan ring mga media ang nasa loob upang kuhanan ng pahayag ang mga nahuling suspect at mga biktima na ngayon ay ligtas na. " Miss Zenaida. " Nabalik ang aking tingin sa lalaki. " May gusto ka pa bang usisain? " " W-Wala naman na..." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinapunan ng tingin si General Delgado na ngayon ay nasa harap ng camera, sinasagot ang lahat ng mga katanungan mula sa mga reporter na nakapalibot sa kaniya. Sunod kong tinignan ang mga naka-posas na walang maipakitang mukh
Read more
CHAPTER 24
Kasalukuyan akong nasa loob ng isang boutique shop. Pumipili ng bagong damit na nararapat kong suotin dahil hindi na maitatago ng mga damit ko pamasok 'yong baby bump ko. May dalawa na akong blouse na napili pero parehong itim kaya kailangan kong palitan ng kulay 'yong isa dahil baka kung ano ang isipin ni Mama sa kulay na pinili ko. Siguradong tatanungin kung saan ako makikipaglibing. " Ma'am, ito po, bagay sainyo ang kulay orange. Litaw po ang beauty niyo, " suhestiyon ng saleslady sa gilid ko pero nginitian ko lang siya at naghanap ng bagong damit pang-itaas. Masyadong matingkad ang orange. Kailangan ko ngang maitago 'yong baby bump ko, bakit ako pipili ng light color?Tumingin ako sa relos na suot ko, alas onse na ng tanghali. Ala una ang appointment ko sa isang clinic malapit lang sa boutique shop kung nasaan ako ngayon. Linggo ngayon kaya kinuha ko ang pagkakataong ito para makapag pa-checkup. Sinadya kong umalis nang maaga sa bahay at dinahilan ang trabaho ko para hindi na sil
Read more
CHAPTER 25
Ginawa kong sobrang busy ang buong araw ko kahit wala naman talaga akong masyadong trabaho. Ayokong mag-isip at matulala sa kawalan dahil gagawin ko 'yon kapag nakauwi na ako at nakapagkulong sa kuwarto. Aba, hindi ako puwedeng magwala kung kasama ko sa iisang silid ang dahilan ng lahat ng 'to. " Ayos ka lang? " Napalingon ako kay Moira na nasa kanan ko. " Kanina ka pa nagpapakawala nang malalim na buntong hininga. "" Ha? Oo naman, ayos lang ako. " Tumuwid ako ng upo at binalik ang tingin sa harap kung saan nagsasalita si Miss Lizzie. May meeting kami ngayon sa conference room at kitang-kita ko si Sir Joaquin na nakaupo sa harap, abala sa pakikinig sa sinasabi ng aming Senior Editor. Bakit siya nagagawa niyang maging chill matapos ng encounter namin kaninang umaga? Samantalang ako, gustong-gusto ko ng umuwi para mailabas ang emosyon ko. Gusto kong suntuk-suntokin ang unan ko at sumigaw habang nakabaon ang mukha ko roon. Puñeta, kailan ba matatapos ang meeting na'to?! " Zen, parang
Read more
CHAPTER 26
" Guys, alam niyo na 'yong balita? Uuwi raw pala ng bansa si Sir Nicolas? " ang bungad saamin ni Jana nang sabay-sabay kaming maupo sa paborito naming mesa sa cafeteria." May welcoming party daw sa Saturday kaya half-day lang tayo noon. Night pool party daw. True ba? "" Night pool party? Saan mo naman nakalap 'yang balita na 'yan? " Natatawang tanong ni Ruiz. " Company dinner ang mangyayari, walang party. "Nawala ang liwanag sa mukha ni Jana. " Ay we? Akala ko ba naman party. Nag-iisip na ako ng outfit ko sa Saturday, eh. Muntik na akong mag order ng swimsuit. "Hindi ko maiwasang matawa. " Semi-formal dinner 'yon, Jana. Sige, try mo mag suot ng swimsuit, may pool naman sa venue. Malay natin, baka puwedeng maligo roon? Tumalon ka na lang. "" Baka kapag ginawa ko 'yon, kinabukasan wala na akong trabaho. " Napanguso si Jana. " My gosh, kinakabahan na ako sa susunod na linggo pa lang. Imagine, dalawang Delgado na ang nandito sa office natin? Nakakatakot huminga. "" Bakit ka naman na
Read more
CHAPTER 27
" Stepsister niyo si Jullie? " hindi ko napigilan ang sarili na magulat sa rebelasyon mula sa isang Delgado tungkol sa sikreto ng pamilya niya. " So, ibig sabihin si Ma'am Jazmine ay..." " Step-mom ko, " pagpapatuloy ni Sir Joaquin. " Seven years old ako nang mamatay ang real mom ko. Ilang months lang, lumitaw bigla si Tita Jazmine kasama si Jullie na two years old na noon—anak nila ni Papa. " Umawang ang bibig ko. Hindi ko inakala na malalaman ko ang sikreto ng pamilyang Delgado na galing pa mismo sa bibig ng isang Delgado. Ang alam naming lahat, isang perpekto at masayang pamilya ang mayroon si Sir Nicolas dahil sa totoo lang, mabait naman si Ma'am Jazmine noong mga panahong bumibisita ito sa kompanya noong nandito pa sila. Si Jullie naman, kaya hindi ko siya agad nakilala noong nakaraang araw ay dahil ang laki ng pinagbago niya. Iba nga ang hangin sa ibang bansa. " So, ang dahilan kung bakit ka sinuntok ni Sir Nicolas ay dahil sa kanila? " paniniguro ko dahil sa totoo lang, hind
Read more
CHAPTER 28
Kagaya ng inaasahan, naging mailap nga saakin sina Mama at Papa kinabukasan. Hindi nila ako kinakausap, pero nang mag umagahan, pinatawag ako sa kuwarto para sumabay kumain sa kanila. Naging tahimik ang mesa, ramdam ko 'yong awkwardness kaya binilisan ko ang pagkain para makaalis agad ako at bumalik ang nakasanayang sigla sa hapag-kainan.Maghapon akong nagkulong sa kuwarto, si Zachary at si ate Zekainah lang ang kumakausap saakin. Si Papa, pinapansin naman ako pero nanginginig ako sa lamig ng pakikitungo niya saakin. Si Mama, ni hindi ako tinatapunan ng tingin at para lang akong hangin sa bahay. Wala naman akong reklamo doon dahil kasalanan ko naman kung bakit naging ganoon ang pakikitungo nila saakin. Alam kong huhupa rin ang galit nila, pero hindi ko alam kung hanggang kailan sila mananatiling ganiyan." Tendy..." Napatingin ako kay Colleen na may hawak na balat ng candy. Wala ngayon si ate Zekainah, abala sa paglalako ng mga paninda niya kaya saakin muna pinaalagaan ang anak niya.
Read more
CHAPTER 29
Naging tahimik ang mesa namin matapos kong sabihin sa mga kasama ko ang sitwasyon ko ngayon. Lahat ay nagulantang maliban kay Terrence. Hindi sila makapaniwala na ganoon kalaki ang sinekreto ko sa kanila sa loob ng apat na buwan. " So, sino 'yong ama? " tanong ni Jana matapos ng ilang minutong katahimikan. Mukhang hindi pa nga nag s-sink in sa kaniya ang lahat dahil lukot pa rin ang hitsura ng mukha niya. " Hindi ko pa masasabi sainyo kung sino siya. Baka kasi maging uncomfortable at awkward sa opisina kapag nalaman niyo kung sino siya. " " Ha? So, ibig mong sabihin, nasa company natin 'yong lalake? " Takhang tanong ni Ruiz. " Sino doon? Saang department? " " Hindi ba si Terrence? " sunod na tanong ni Jana saka tumingin kay Terrence. " Hoy, baka ikaw 'yong lalake ha? Aminin mo na. " " Jana, hindi si Terrence, " saad ko, " Hindi ko pa puwedeng sabihin sainyo kung sino siya dahil hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya 'yong tungkol dito. " " Bakit hindi pa? Anong hinihintay mo? " ta
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status