Vien POVTahimik akong kumakain pero ang totoo pinipigilan ko lang ang sarili kong hindi siya tirisin sa harap ng maraming tao."Masarap ba?" tanong ni Dion habang nakangiti, parang walang kasalanan.Tinaasan ko siya ng kilay."Masarap ka bang sampalin?" balik ko.Napatawa si Althea."Mama naman eh," natatawang sabi niya. "Don’t be mad na po kay Tito Dion, ako po yung nagyaya.""Of course," sarkastiko kong sagot. "Ikaw pa talaga ang ginawang dahilan."Tumingin ako kay Dion ng masama, dinamay pa niya ang bata sa kalokohan niya. At isa pa alam niya kung gaano ka delikado ang buhay niya. "Hey," sabat ni Dion, naka-lean pa sa upuan. "Don’t blame the kid. I just wanted to get out for a bit.""Out?" ulit ko. "Out from what? Responsibility? Or common sense?"Napakamot siya sa ulo, halatang amused pa. Bakit ba palagi kung nakakalimutan na bukod sa babaero siya, sakit pa siya sa ulo ng organisasyon. “Grabe ka naman, Doc.”“Grabe ka din,” matalim kong sagot. “Nasa hospital ka, Dion. Hindi ka
Read more