All Chapters of The Indecent Proposal: Chapter 21 - Chapter 30
42 Chapters
CHAPTER 21
TAPOS na kaming kumain at tahimik kaming lahat na andito sa sala. Magkatabi kami ni Axell habang si papa at mama nasa magka ibang sofa. "I-I'll go ahead na po.." Basag ni Axell sa katahimikan. Natauhan siguro dahil kanina ko pa tinatabig ang patagong paghawak niya sa kamay ko. "Bakit ka pa uuwi?" Tanong ni papa. "Dinalaw ko lang po talaga ang asawa ko. Maaga din po kasi ako bukas sa kumpanya." Paliwanag ng katabi ko. Tama yan. Galingan mo. Diyan ka expert. Magpanggap. "Naku.. Dito ka na matulog. Delikado na mag byahe ng ganitong oras, iha." Si mama naman ngayon. Haist. "Ma. Pa. Hayaan niyo na po siya. Hindi siya sanay sa maliit na bahay." Kahit ang laki naman nitong bahay pero walang wala pa din sa Mansion nila. "Ano ba yan, Audhrey. Asawa mo ang pinag uusapan dito. Umayos ka nga." Napanguso na lang ako. Kapag si mama na ang nagsalita wala na kong palag. Kay papa siguro mananalo pa ako. Paboritong anak kaya ako ni papa. Tumayo ako. "Aayusin ko lang po yung kwarto." Kahit wala
Read more
CHAPTER 22
PAG GISING ko wala na sa tabi ko si Axell. Nirespeto niya ang desisyon kong bigyan ako ng sapat na panahon. Kasama na doon ang no lovemaking, no hugs and kisses. Kahit anong intimate moment. Any romantic gesture. Gusto ko hayaan lang muna niya ko. Matapos kong mag freshen up lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Alam kong nakaalis na si Axell pero hindi ko maiwasang umasa na nasa sala lang siya o sa dining. "Kumain ka na, anak. Anong oras na." Napatingin ako sa wristwatch ko. Halos mag tanghalian na nga. So, brunch na to. "Magsabi ka nga ng totoo, anak. May problema ba kayo ng asawa mo?" Tanong ni mama. Kasalukuyan siyang naglilinis ng bahay. Jusko baka bumuka ang tahi niya. "Ma.. Tumigil ka nga kagagalaw. Hindi ka pa masyadong magaling." Sermon ko sa kanya. "Wag mong ibahin ang usapan. Isa pa lalo akong magkakasakit. Sabi naman ng Doctor ayos lang. Parang exercise ko na to. Wag lang magbuhat ng mabibigat." Tigas talaga ng ulo. Alam ko na kung kanino ako nag mana. "Hindi ka pa ba
Read more
CHAPTER 23
"Why the sudden?" Nasa loob na kami ngayon ng kotse. Isang sabi lang niya iniwan ko ang lahat ng trabaho sa kumpanya at mabilis pa sa alas kwatrong nilipad ko ang kinaroroonan niya. I'm so head over heels in love with this amazing woman I have ever met in my entire life. "Is it not allowed to change my mind?" Iba talaga ang babaeng ito. Palaging nag iiwan ng katanungan sa isip ko, binabaliw niya ako. "Alright. Ikaw naman yan." Pinasadahan ko siya ng ngiti, pinisil sa hita bago bumalik sa daan ang atensyun ko. "What matters is your coming home." May galak sa pusong hayag ko. Hindi naman siya nagsalita. Walang bahid ng idea kung anong tumatakbo sa isipan niya. "Thank you, Love." Pahabol ko pa. "But it does not mean everything is in place, Axell." I know. Hindi pa niya ko totally napapatawad, and I understand where she comes from. Pumagitna ang katahimikan hanggang makarating kami. Pinagbuksan ko siya ng pinto, nilahad ko ang kamay ko pero binalewala niya lang. Tumikhim lang ako
Read more
CHAPTER 24
[AUDHREY BOZZELLI] One month na ang nagdaan mula ng huling pagta-talik namin ni Axell. Hindi na yun nasundan pa kahit parang tila addiction na hinahanap hanap ng buong pagkatao ko ang mga haplos, yakap, init at halik niya. I miss everything about her pero tao lang ako. Hindi pa din mawaglit sa isipan ko ang mga detalye na maaring namagitan sa kanila ni Ingrid linta na yun. Kahit hindi ko actual na nakita na ginawa nila ang bagay na yun, madaming naglalaro sa utak ko. Sobrang sakit na maisip na na-angkin siya ng iba, na nagawa niyang gumalaw ng hindi ako. Walang kasing sakit yun para sa isang babae. I love her. That's crystal clear pero tao ako, hindi ako diyos na kayang iwaglit sa isang iglap ang lahat lahat. I may not be able to just give her up, but the pain still lingers on me like a leech. Hindi ko alam, hindi ko hawak kung kailan ako maghihilom. I need more time para maging maayos muli. Ang daming nangyari. Pakiramdam ko sobrang malas ko sa pag-ibig. Feeling ko palagi na la
Read more
Chapter 25
"Where the hell have you been?!" Hindi pa man ako nakaka harap narinig ko na yun sa asawa ko. Banayad kong sinara ang pinto saka sinalubong ang madilim na mga tinging ipinupukol sa akin ni Dhrey. Lumapit ako sa kanya, akmang hahagkan siya pero mabilis niya akong sinalag. "Answer my fucking question, Darcy!" Whenever she's mad, she won't call me Axell—Napansin ko yun sa ilang araw na pabago bago ang pakitungo niya sakin. I totally understand. I know she's trying to feel better towards me, but the thing was my sin. She can't shrug that off her mind. And now I am adding something to that which is cracking me dangerously. I want to be honest fully, but how could I fucking do that if one word could be the end of us. "What?? Wala ka ba planong sagutin ako?!" Ramdam ko ang namumuong matinding galit sa kanya kaya mabilis akong nag isip ng mai dadahilan. "May emergency meet up ako with the clients, love. I'm sorry I didn't want to bother your peaceful sleep." I did my best not to sound
Read more
CHAPTER 26
"We can get through this together, Love. Just please don't give up on me.." Napatikim akong kumapit sa pagkaka yapos niya sa akin. Paano mo naman isusuko ang taong ganito mo kamahal? Umayos siya at akmang hinahawi ang pisngi ko para humarap sa kanya. Ginawa ko naman. Pinaka titigan ko siya. "Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang Audhrey. Nagsisisi ako. Maniwala ka sakin. God knows how much I regret what I did." Kinabig ko siya at siniil ng halik. Pumikit ang mga mata kong dinama ang lubos na pagmamahal ko sa kanya. Winaglit ko ang mga bagay na pumipigil sa aking damhin ang asawa ko. "Uhhmm.. Ahhmm.." Halos maubusan kami ng hininga sa pinag sasaluhan naming halik. Naramdaman ko ang pag pisil niya banda sa tagiliran ko. I miss this. Her touch. Her warm. Her presence. I love her damn so much. Muli niya akong niyakap ng maghiwalay ang mga labi namin para lumanghap ng hangin. Gumanti naman ako ng buong pagkasabik. Ipinatong ang mukha ko sa kanyang balikat. Damang dama ko ang katawan niya
Read more
CHAPTER 27
[AUDHREY BOZZELLI] Ang pagsusuka ko last two weeks ay nasundan ng nasundan pero sinasarili ko lang until today na bumili ako ng maraming pregnancy test. Ilang beses na kaming nag sex ni Axell ng walang protection kaya hindi malayong totoo ang kutob ko. Napansin ko ding halos lagpas isang buwan na pero hindi pa bawas ang mga napkin pads ko sa drawer.I'm not naive para hindi mapansin ang pagbabago sa katawan ko. Madalas akong mahilo, may mga pagkaing nagki-crave ako ng sobra, may mga dating pagkain na gustong gusto ko, ngayon halos di ko magawang amoyin man lang. Nagiging sensitive ang pang amoy, panlasa ko. Nagiging emotional. Hindi ko nga maintindihan ang emosyon ko minsan. Dala lang ba ng hormones na sinasabi nila. Huminga ako ng malalim saka kinuha ang isang PT. Nagtungo ako ng banyo para gawin ang kailangan ng sa ganun magka alaman na. Naka upo ako ngayon sa toilet bowl. I am intently looking sa kit na hawak ko. And then boom. "Two lines.." Nasabi ko na lang sa kawalan. Tin
Read more
CHAPTER 28
Binuhat ko siya pa bridal. Dahan akong naglakad papunta ng kwarto namin. Ipapa lipat ko na lang kay Bianca ang mga gamit niya. Naka angkla ang mga kamay niya sa batok ko habang pinupupos niya ko ng halik. Nagugustuhan ko yun. Sobrang tagal na din ng maramdaman ko ang ganitong saya. I miss her so much. Palagi lang akong nag aabang na mapansin niya, hanapin niya, kausapin niya. I waited patiently. I respect her boundary kahit hindi ko na kinakaya minsan dahil nangungulila din naman ako ng husto. Kung dati kinakaya at sapat na sakin ang mapagmasdan siya sa malayo ngayon hindi ko na kayang malayo siya. Kung pwede nga lang itali ko siya sa bewang ko ay ginawa ko na pero syempre hindi ganun ang love. I always crave her touch, presence, and attention—Kahit nga awayin niya ko okay lang basta maramdaman ko lang siya ulit. Kahit pagsusungit niya tatanggapin ko ng buong puso wag lang ako maging invisible sa kanya. Wag lang niya ko alisin sa buhay niya. Hirap akong buksan ang pinto ng nas
Read more
CHAPTER 29
[DARCY BOZZELLI]Mahimbing na ngayong natutulog ang asawa ko matapos ng mainit naming pagtatalik. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha. Hindi pa din ako makapaniwala na asawa ko na siya.Na magkasama na kami. Dati kasi nawalan na ko ng pag asa dahil si Lian ang mahal nya. Akala ko noon ibabaon ko na lang talaga sa limot ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya. Sinong mag aakala na may chance pa pala na magkaroon kami ng love story. Sabi ko noon masaya na akong masaya siya. Okay na akong makita siya at hangaan sa malayo. Tapos ngayon magkaka anak na kami. Nagbunga na ang pagmamahalan namin. Sobrang saya ko dahil hindi ko talaga inakalang matututunan niya kong mahalin. Natapos ang paninitig ko sa asawa ko at pag iisip sa mga nagdaan ng tumunog ang phone ko. Dahan akong umalis ng kama at lumayo ng bahagya para tapunan ng tingin kung sino man ang tumatawag. Number lang ito kaya sinagot ko na lang kahit nag aalangan. "Darz.." Nagmadali akong pumasok ng
Read more
CHAPTER 30
"Saan ka nagpunta? Bakit hindi ikaw ang nagdala nito?" Tanong ko agad pagpasok pa lang niya. Tinuro ko yung nasa table. "Love may kinausap lang ako sa phone. 'Bout business." Hindi na ako nagsalita pa pero titig na titig ako sa kanya na para bang binabasa ko kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Let's eat?" Tumabi siya sakin, humalik sa pisngi ko bago kinuha ang tray ng pagkain na nasa table katabi lang nitong kama. Sinimulan niya akong subuan. Tahimik kami parehas hanggang maubos ko na nga ang pagkain ng hindi ko man lang namamalayan. Marahil lumilipad kasi ang utak ko tapos tinatanggap ko lang bawat subo niya sakin. Hindi ko nga matandaan kung nagustuhan ko ba yung lasa. May iniisip ako na hindi ko naman malaman kung ano ba exactly. Paranoid na ata ako. Hindi niya ako masisisi kung ganito ako. After ng panloloko ni Lian at kataksilan ni Axell kay Ingrid. What more to expect? Kahit pa sabihing hindi niya yun ginusto o plinano. Alam niyang may pagtingin sa kanya si Ingrid linta na
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status