Share

CHAPTER 21

TAPOS na kaming kumain at tahimik kaming lahat na andito sa sala. Magkatabi kami ni Axell habang si papa at mama nasa magka ibang sofa.

"I-I'll go ahead na po.." Basag ni Axell sa katahimikan. Natauhan siguro dahil kanina ko pa tinatabig ang patagong paghawak niya sa kamay ko.

"Bakit ka pa uuwi?" Tanong ni papa.

"Dinalaw ko lang po talaga ang asawa ko. Maaga din po kasi ako bukas sa kumpanya." Paliwanag ng katabi ko.

Tama yan. Galingan mo. Diyan ka expert. Magpanggap.

"Naku.. Dito ka na matulog. Delikado na mag byahe ng ganitong oras, iha." Si mama naman ngayon. Haist.

"Ma. Pa. Hayaan niyo na po siya. Hindi siya sanay sa maliit na bahay." Kahit ang laki naman nitong bahay pero walang wala pa din sa Mansion nila.

"Ano ba yan, Audhrey. Asawa mo ang pinag uusapan dito. Umayos ka nga." Napanguso na lang ako.

Kapag si mama na ang nagsalita wala na kong palag. Kay papa siguro mananalo pa ako. Paboritong anak kaya ako ni papa.

Tumayo ako. "Aayusin ko lang po yung kwarto." Kahit wala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status