STEVETumama agad sa akin ang amoy ng usok nang bumaba ako sa sasakyan. Halos natupok na ng apoy ang lumang commercial building. Makapal ang itim na usok na umaakyat sa kalangitan habang nagkakagulo ang mga tao sa paligid, nagsisikap na makalayo sa lugar.“Claire!”Hindi ko na hinintay si Marco. Diretso akong tumakbo patungo sa gusali.“Sir, wait!” sigaw niya sa likuran ko. “Delikado pa roon!”Hindi ko siya pinansin. Iisa lang ang laman ng isip ko. Si Claire.Pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayong gabi, hindi ko kayang tanggapin na baka huli na ang lahat.“Claire!”Paulit-ulit kong sigaw habang sinusubukan kong makita kung nasaan siya. Hanggang sa may narinig akong mahinang pag-ubo sa likod ng isang konkretong pader.“Claire?”Napahinto ako. Nandoon siya. Alive.Nakaupo siya sa sahig, puno ng alikabok ang damit at magulo ang buhok. May maliit na sugat sa ibabaw ng kanyang kilay, at may dugo sa gilid ng mukha niya pero buhay siya.Agad akong lumapit at hinawakan siya sa magkabilang ba
Leer más