Sa secret library ni Brandt ay masusi niyang nilalatag ang isang info map na nakalagay sa isang libro at naka-duplicate iyon sa isang USB. Kasama niya ang anak na si Trevin. Lingid sa kaalaman ni Trixxie ay pasekretong sinasanay ni Brandt ang panganay na anak para maging handa sa hinaharap. Nang magpaalam sila na pupunta ng Italy ay hindi iyon para magbakasyon. Iyon ay para ipakilala ang bata bilang pinakabatang miyembro ng kanilang organization. Sa edad na sampu ay marunong na nag-decode ng mga sikretong mensahe si Trevin. Maning-mani para rito ang mag-hack ng isang computer system. Pati lengguwahe ay marami na itong alam. German, French, Italian, Russian, Mandarin, Korean to name a few. Ang pagiging homeschool ng bata ay isang scapegoat lang pero ang totoo ay nag-aaral ito ng iba’t-ibang lengguwahe. Ayaw sana ni Brandt na isali sa organisasyon ang anak pero naging makulit ito. Balewala ang pagtanggi niya dahil nauna
Read more