All Chapters of Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo: Chapter 31 - Chapter 40
84 Chapters
Chapter 31
“Trevin!” Napasigaw si Trixxie sa pagsuntok ni Trevin sa ama. Nagulat si Gavin sa inasal ni Trevin. Kaagad niyang binitawan ang hawak na kamay ni Trixxie. Sa itsura ng anak ay nasasalamin ang hindi mapantayang poot. Ano ba ang mga pinagdaanan ng anak niya at ng ina nito na sukdulan ang galit nito sa kanya? Maging si Trixxie ay napatda sa ginawa ng anak. Hindi niya sukat akalain na tatawagin lamang ang ama nito sa apelyido na ayaw nitong gamitin. Makailang beses noong pinakiusapan ni Trixxie ang anak na pumayag na dalhin ang apelyido ng ama. Ngunit sa tuwina ay todo tangi ang anak at kung tatanungin niya ang dahilan ay wala itong sagot. Kita ni Trixxie na sapo pa rin ni Gavin ang panga dahil sa suntok ng anak. Pero, alam niyang mas nasasaktan ang puso nito sa trato ng anak sa kanya. “Anak, Papa mo pa rin siya huwag kang ganyan sa kanya!” malumanay na usal ni Trixxie sa anak. Niyakap niya nang tuluya
Read more
Chapter 32
Nagpupuyos sa galit si Dianne sa narinig mula sa biyenan. Natatandaan niya noon nang sinabi ni Trixxie na nagtataksil ang nobyo. So, ang tinutukoy nito na babae ni Gavin ay siya mismo? Biglang naawa si Dianne sa sarili. Hindi na nga niya mabigyan ng anak ang asawa. Ngayon ay nakumpirma pa niya ang hinala noon na may ugnayan nga si Gavin at ang ina ng anak nito. Dalawang taon na lang at kwarenta anyos na siya. At ang lintek niyang gamot para anxiety ay hindi siya pwedeng pumalya. Dumagdag pa ang hirap siyang magbuntis dahil tatlong beses na siyang nakunan noong panahon na hindi pa niya nobyo si Gavin. Nangilid ang luha ni Dianne at hindi mapigilan na magalit kay Trixxie. Kung may plano ang asawa na hiwalayan siya ay mas malaki ang laban ni Trixxie. Dalawa ang anak ng mga ito samantalang siya ay hindi mabigyan kahit isa man lang si Gavin. Dumaosdos siya sa lupa at lumabo ang kanyang paningin dahil hilam na ng luha ang kanya
Read more
Chapter 33
Matapos silang kausapin ng ama ay papunta na sana si Trixxie sa mga anak. Ngunit, umagapay si Gavin sa kanya. Hawak ang kanyang braso ay hinila nito si Trixxie sa likod ng mansion. Doon sila napadpad sa hindi pansinin at may malagong halaman. Walang babala na hinalikan ni Gavin si Trixxie. Sa pagkabigla ay hindi kaagad nakaimik ang huli pero ilang sandali at kaagad nahimasmasan ito at buong pwersa na itinulak si Gavin. Sinampal niya ito ng malakas at sapol ang kaliwang mukha ni Gavin. “Ang kapal mo talaga Gavin! Ni sa hinagap hindi ko pinangarap ang maging babae ng lalaking may asawa! Ano ba kasi ang gusto mong mangyari?” Nanggagalaiti si Trixxie na kahit may asawa si Gavin ay ipipilit nito ang sarili sa kanya. Dinuro ni Trixxie si Gavin lalo at nandidiri siya dito lalo pa at may asawa itong tao. “Gusto ko lang aminin mo na anak ko ang anak mong babae!” tiim na saad ni Gavin. Sa kanyang kalkulasyon, anak niya ang batang baba
Read more
Chapter 34
Napabuntong-hininga si Mang Guillermo sa pinagdadaanan ng anak.Nagkalat ang bote ng beer sa mesa habang nakayukyuk na si Gavin doon. Mahirap nga naman ang kalagayan nito. Ang babaeng mahal nito ay hindi pwedeng angkinin dahil may asawa si Gavin. Ang mga anak naman nito ang ay ang isa ay kinamumuhian ang ama, samantalang ang isa ay iba ang kinikilalang ama. Hindi napansin ng mag-ama ang bagong dating na si Dianne. Galing ito sa Centro para magliwaliw at ang nadatnang eksena ay nagpainit sa ulo nito. “My God Gavin! You look like a mess.” Nilapitan nito ang asawa at inagaw ang bote ng beer na hawak ni Gavin. “Alam mo naman na bawal sayo ang alcohol!” Tiningnan ni Dianne ang biyenan at pinagsabihan. “Grabe Tay, hindi mo man lang inawat ang anak ninyo!” “Kita mong may pinoproblema ang asawa mo. Hayaan mo siya. Malaki na siya at alam na kung ano ang masama sa mabuti. Hala mag-usap kayong mag-asawa.” Tumaliko
Read more
Chapter 35
Sa bahay ng mga Mendez, nakatulog si Gavin sa kalasingan. Konti lang naman ang iniinom niya ngunit dahil hindi na sanay ang katawan ay kaagad na iginupo ng antok. Dagdag pa ang emosyonal na komprontasyon nito at ng asawa na si Dianne. Napasukan ng ama ang kaawa-awang itsura ng anak. Isa lang naman ang gusto nito, ang kilalanin ng mga anak na siya ang ama ng mga ito.Mahirap ba ibigay iyon ng mga apo? Bilang ama ay nasasaktan siyang makita na nasasaktan ang kanyang anak. Kaya, nagpasya si Mang Guillermo na puntahan ang apo at siya na mismo ang makikiusap na tanggapin nito si Gavin bilang ama. Sabik si Gavin sa anak na hindi kayang ibigay ng kanyang asawa kaya hindi niya ito masisisi. Binaybay niya ang daan patungo sa mansion ng mga Angeles. May kalayuan iyon pero dahil papalubog na ang araw ay hindi na masakit ang tama ng sinag nito. Nang matanaw na ang gate ay naroon ang driver na si Mang Tomas at ito na ang pinakiusapan niya.
Read more
Chapter 36
Paano na ang kanyang plano na makasama ang mga anak? Paano na ang plano niyang buuin ang pamilya nila? Naglakad si Gavin upang umagapay dito. “Sandali lang po, Senyor Arthur. Napaka-unfair naman po sa aking panig. Wala naman akong ginawang masama para pagbawalan ninyo ako na makasama ang mga anak ko. Karapatan ko po iyon bilang ama nila,” ani Gavin. “Karapatan? Meron ka nga bang karapatan Mendez? Sa papel Angeles si Trevin samantalang Buenaventura si Tatiana. Kaya wala kang habol!” mariing saad ni Senyor Arthur. Pagak siyang napangiti at puno ng pait na tiningnan ang lalaki na siyang dahilan ng pagdurusa ng anak at mga apo. “Idudulog ko sa korte para kahit mabisita man lang sila,” mahinang usal ni Gavin. Natawa na lang ang ama ni Trixxie. “At sa tingin mo kung tatanungin ang mga bata kung kanino sila sasama ay ikaw ang pipiliin nila? Buong buhay wala ka naman sa tabi nila. Kaya maghun
Read more
Chapter 37
Magaan ang pakiramdam ni Dianne na umalis sa ospital. Sumakay siya sa scooter at dahan-dahan na tinahak ang daan pabalik sa bahay ng biyenan. May pagpapahalaga pa naman pala si Gavin sa kanya. Napangiti siya sa mga gestures nito. Parang bumalik sila sa panahon na magnobyo pa sila. Hindi namalayan ni Dianne na may paparating na truck sa likod niya at sa sobrang pagbabalik tanaw ay naging bingi siya sa sunod-sunod na busina nito. At ang pagdalaw sa biyenan ay nanatiling plano na lang. Samantala, sa ospital ay balisa si Gavin. Ipinikit niya ang mata pero hindi mapakali ang kanyang diwa. Para maaliw ay lumabas siya ng kwarto para pumunta sana sa canteen para bumili ng makakain. Nang dumaan siya sa ER dahil doon ang daan papuntang canteen. Nagkagulo ang mga Nurse nang may pinasok na naka-stretcher. Lalagpasan lang sana niya ang komosyon na iyon nang mahagip ang suot ng pasyente na kulay pink na hoodie jack
Read more
Chapter 38
Maagang nag-report si Gavin sa trabaho isang linggo buhat ng umuwi sa San Bartolome. Pinsan ni Dianne si Ariston Guerrero. Ang asawa nitong si Trinity Alcaraz ay kaibigan ni Trixxie simula noong kabataan ng mga ito. Isa ito sa tanyag na Tres Bratinellas dahil sa pagiging maldita at bully ng mga ito. “Good morning Engr. Mendez. Finally, nasulot din kita sa mga Tiyuhin ko,” aliw na saad ni Ariston. “Nakakataba naman ng puso, Sir Ariston. Ako ay isang hamak na Project Engineer lang naman.” Napakamot sa ulo si Gavin sa papuri ng bagong amo. Alam niyang hindi close ang amo sa dating mga amo. Rason para mas pinili nito na sa San Bartolome ito namalagi pagkatapos mapangasawa ang anak ng Mayor doon na si Trinity Alcaraz na kaibigan naman ni Trixxie. “At least pinakawalan ka nila in their own free will. Condolence nga pala sa pagkawala ng asawa mo. Now, you can pursue the one you really love,” ani Ariston.
Read more
Chapter 39
Sa isang tahimik na restaurant sa Tagaytay dinala ni Gavin si Trixxie. Isang VIP room ang pinareserve ng una na nakaharap pa sa magandang tanawin ng Taal Lake. Matapos ang kanilang mainit na sagutan sa sasakyan ni Gavin ay bumaba si Trixxie doon at hinintay muna na makalipad ang eroplanong sinakyan ni Trevin. Mabigat man sa loob ang paglisan ng anak ay alam niyang mapapanindigan nito ang kagustuhan. Tahimik na kumakain si Trixxie at kapansin-pansin ang paninitig ni Gavin sa kanya. Ibinaba niya ang kubyertos atsaka nagsalita. “Now, tell me kung ano ang sadya mo sa pagsunod sa aming mag-ina.” Nakakunot pa rin ang noo ni Trixxie lalo at paramg wala sa sarili si Gavin na kanina pa natutulala na nakatingin sa kanya. “Gusto kong mabigyan ng buong pamilya sina Trevin at Tatiana,” seryosong saad ni Gavin. Ninanamnam niya ang sandali kung kailan na magsasawa siyang titigan ang magandang mukha ni Trixxie. Mul
Read more
Chapter 40
Tumirik ang mata ni Trixxie habang kinikilig naman ang anak na si Tatiana. “OMG, Mama may suitor ka na!” tudyo ni Tatiana sa ina. Kinikilig ito sa mga kalalakihan na nasilayan. Naroon ang mga ito sa gate. Dalawa ang may hawak na gitara samantalang si Gavin ang umaawit. May dalawang bungkos ng bulaklak na dala ito sa mga kamay. Habang kumakanta ng awiting “After All” ay may papikit-pikit pa ito. Lahat ng mga Angeles ay nakadungaw sa veranda. Pati ang mga anak ni Erica at Harvey ay nakatanaw sa nanghaharana. Pero, si Trixxie ay madilim ang mukha kahit panay kulit ng anak na si Tatiana. Kinakabahan si Gavin. First time niyang haharanahin si Trixxie at ang kanilang anak. Balak niyang ipagtapat kay Tatiana na siya talaga ang totoong ama nito kung papayag si Trixxie. Naging napaka-supportive ng kanyang pamilya nang malaman ng mga ito na balak niyang suyuin ang kanyang mag-ina. Lalong-lalo na ang kanyang ama na
Read more
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status