C-21: I wish you only love me.___Gusto kong itanong sa sarili ko kung tama ba na tulungan ko si Rigo na paghiwalayin si Ivo at Althea. Kung deserve naman nila ang isa't-isa at nagmamahalan sila. Bakit kailangan silang maghiwalay para lang sa isang taong walang kwenta na tulad ni Rigo del Castro?Iyon ang nasa isip ko bago ko nakita ang sasakyan nito sa harap ng isang Mall na tila may hinihintay. Ngunit mas nagulat ako sa presensiya ng babaing hinintay nito.Si Althea Mauricio ang Fiancee ni Ivo!Wala naman sanang problema kahit magkasama pa sila. Kaya lang parang may mali..Dahil sa curiosity at pagiging Marites ng Tita n'yo kaya naman hindi na ako nag-isip pa. Agad na kinausap ko ang driver ng sinasakyan kong taxi upang sundan ang mga ito.Sumang-ayon naman agad ito mukhang may pagkatsismoso rin si Manong driver."Huwag po kayong mag-alala ako po ang bahala sa inyo. Basta sundan n'yo lang po sila at baka hindi na natin abutan.""Aabot po Ma'am ako po ang bahala!" Ini-start na nito
Magbasa pa