CHAPTER TWO_Gumising ka na, Aleyhandra Soriano malapit na kayo sa Airport, ilang sandali na lang mawawala na siya sa paningin mo. Kaya tapusin mo na ang kahibangan mo ngayon pa lang... Gising na, Aleyhandra! Bulong ko sa aking sarili. Dahil hindi totoo ang lahat ng ito, isa lang itong pangarap, pangarap na hindi na matutupad pa kahit kailan! Pero hindi ba dapat ako naman talaga ang nasa posisyong ito kung hindi lang sana siya dumating, kung hindi mo lang sana siya nakilala... “Baka naman matunaw na ako n’yan, bago pa kami magkita ng Bestfriend mo! Alam ko namang gwapo talaga ako kaya lang hindi para sa’yo ang kagwapuhang ito.” Itinuro pa nito ng hinlalaking daliri ang sarili. May kayabangan rin talaga itong taglay, mukhang nasa lahi rin! _ Until hours passed... “Bilisan mo na ang pagbaba baka mahuli ako tiyak na naghihintay na si Marianne. P’wede mamaya ka na lang mag-ilusyon kapag nakaalis na kami.” Agad itong bumaba at mabilis na umikot palapit sa passenger seat sabay bu
Huling Na-update : 2025-06-06 Magbasa pa